"Care for a dance? Just for a minute?"
Umangat ang kamay ko at marahang ipinatong sa kaniyang braso.
"Sure, Mr. Marasigan,"
"You're too formal," Aniya, may nanunuksong ngiti. "Just call me Vinn."
Then, he pulled me closer.
I was about to flirt back when a deep, baritone voice interrupted us.
"Get a fucking room."
Sabay kaming napalingon ni Vinn sa direksyon ng boses.
Sa may bar, may isang lalaking nakaupo sa high chair, hawak ang basong may hard liquor. Hindi siya nakatingin sa amin, parang mas interesado siya sa iniinom niya. Madilim sa kaniyang pwesto, kaya hindi ko masyadong makita ang itsura niya, lalo na't naka-sideview siya.
Pero kahit sa anino, halata ang matikas niyang pangangatawan. His broad shoulders and muscular arms were evident even beneath his tailored shirt. Kumikinang ang isang diyamanteng hikaw sa kaniyang tainga, at sa ilalim ng dim light, napansin ko ang maliliit na tattoo na bumabalot sa kaniyang pulso hanggang balikat, lalo na sa kaniyang mga daliri.
Doon ko nakita ang isang serye ng mga letra. His name...
Basti...
Napatawa si Vinn, halatang hindi apektado.
"Aga-aga, umiinom ka na agad, Basti? Where's your dad?"
Basti let out a dry chuckle before taking a slow sip of his drink. "You tell me. Ikaw ang bisita niya, hindi ako."
Napakunot-noo ako nang bahagya. His tone was cold, detached. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang paraan ng pag-inom niya... mabagal, tila ba may iniwasang maramdaman.
"Don't tell me ikaw ang pinadala para makipag-entertain sa mga bisita?" Tukso ni Vinn.
Sa pagkakataong ito, dahan-dahang ibinaling ni Basti ang tingin niya sa amin, at sa unang pagkakataon, nasilayan ko nang buo ang kaniyang mukha.
Sharp jawline, deep-set eyes, at isang ekspresyon na nagsasabing I don't give a damn.
Pero ang mas nakatawag ng pansin ko? Ang bahagyang pagtaas ng kaniyang kilay habang nakatitig sa akin.
At ang hindi maipaliwanag na kilabot na gumapang sa balat ko nang sandaling magtama ang mga mata namin.
Basti?
Naguluhan ako at nakaramdam ng kaunting kahihiyan. Nakita niya ako na... nakikipagharutan. I mean, I am an adult... so... And besides, I was sure this young man didn't know me.
Tumingin ako sa aking relo, at agad akong nanlaki ang mga mata. Shit. I needed to find Iana!
Bago ako makaalis, narinig ko ang tinig ni Mr. Marasigan.
"By the way, nandito ang Ninang Gwen mo."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
What?
...N-Ninang?
Dahan-dahan akong napalingon kay Basti, at doon ko lang napansin na nakatingin na siya sa akin. His thick brows were furrowed, his sharp lips pressed into a firm line. The intensity in his dark eyes was enough to make me freeze on the spot.
Then it hit me.
Nanuyo ang lalamunan ko nang tuluyan kong pagmasdan ng buo ang kaniyang mukha.
Carbon copy niya ang kaniyang tatay!
Ian na Ian!
Ang tibok ng puso ko ay bumilis, parang binabalot ng isang matinding deja vu. Wala sa sarili akong lumapit sa kaniya, para bang may isang hindi nakikitang pwersa na nagtutulak sa akin papunta sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Not Just Another Chapter (Luscious Trans Series #2)
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters and events in thi...
Simula
Magsimula sa umpisa