GUN'S POV:
ISANG MALAMIG na ihip ng hangin ang siyang sumalubong sa amin nang makalabas kami mula kay Light nang lumapag ito sa rooftop ng mall ni Dezrail.
"It's now or never. We need to get Saviel out of their hands. You also need to get home alive if you don't want me to replace you all as Elite members of the Bloodfist mafia." Aqueros abruptly remarked, peering down at the abandoned structure that housed Neoearth.
Masyadong tahimik ang buong paligid at parang binibigyan kami ng pagkakataon na gawin ang dapat naming gawin.
"Wow ha, nanakot ka pa?" ismid na sagot ni Thunder.
"Lakas ng loob mong manakot, minamaliit mo na ba kami?" sabat naman ni Calvin.
Napapailing na lang ako dahil parang normal na lang sa amin ang ganitong eksena.
Sa totoo lang, malaki ang respeto namin kay Aqueros at kahit sinasagot-sagot namin siya ng pabalagbag, wala lang 'yon sa kanya dahil siya naman ang dahilan kung bakit narito kaming lahat.
Ngunit kahit kailan ay hindi ako nagsisi na napabilang ako sa mundong ginawa niya para sa amin at alam kong ganun din ang nararamdaman ng iba pa.
Mahal namin si Aqueros at kahit hindi namin sabihin sa kanya ng harapan, pinaparamdam namin 'yon sa kanya. Siya na ang bahalang mag-interpret non tutal pare-pareho naman kaming hindi expressive ng feelings sa isa't-isa.
"Bossing, alam naming mahal mo si Sav pero huwag mo naman kaming ipagpalit. Baka umiyak ako bigla." Nagmamakaawang sabat naman ni Trevon.
"Tss, tigilan niyo nga si Aqueros sa kadramahan niyo," singhal ko sa kanila. "Mahal ko pa ang buhay ko at kailangan ko pang bumalik para sa asawa't mga anak ko."
"Duh, hindi ka nag-iisa. Lahat tayo may sarili nang pamilya pwera na lang sa Kuya ko na masyadong pakipot." Maarteng sabi naman ni Sinji kaya napatingin kaming lahat kay Aqueros.
His bloody red eyes gleamed in the moonlight as he looked down where we stood.
"I know that's why I am giving you an option. Either you'll continue this mission with me or go home with your husband and wives."
"Nandito na tayo, Boss. Ayaw naming mamiss ang isang importanteng bagay sa buhay mo, kaya tara na!"
Naunang tumalon si Thunder pababa ng gusali kung saan kami naroon nang hindi alintana ang taas niyon.
Sumunod na rin ang iba pa at ang tanging naiwan na lamang ay ako, si Aqueros, Senri, Reiden at Sinji.
"Bro, habambuhay akong magiging tapat sa'yo hindi bilang tauhan mo kundi isang kaibigan at pamilya kaya kung ano man ang magiging resulta ng laban na 'to, ano nang balak mo sa oras na mabawi natin si Sav?" tanong ko sa kanya at marahang tinapik ang kanyang balikat.
"I.... don't know. I can't decide since I don't know what will happen after this. Maybe one of us will lose our lives or maybe both of us. You know how much I suffered at the hands of Neoearth when I was young, that's why I want to find a solution for my eyes and blood so that my life can be normal."
"We've been through a lot, are you going to give up now?" ani ni Reiden Grei.
"I am not giving up but I am not sure what will happen. I'm scared too since Hyuga is not part of our world, but she keeps insisting and fitting herself to be with us."
"Kuya, hindi mo kasalanan kung makulit at pasaway si Sav. Aminin mo, mula nang dumating siya nagkaroon ng kulay ang buhay mo hindi ba? Hindi mo rin aaminin na natatakot ka sa pwedeng mangyari kung hindi siya importante sa'yo."

BINABASA MO ANG
Please me, Master
Romance[BLOODFIST SERIES 10] Saviel Hyuga, isang masayahin at pilyang dalaga na napadpad sa isang delikadong lugar na puno ng karahasan. Nang makilala niya si Luther Aqueros Bloodfist na isang Mafia Boss, nagkaroon siya ng layunin na paibigin ito at mapala...