抖阴社区

CHAPTER 1

27 16 0
                                    

Allyza

Pauwi na ako papunta sa condo ko dahil galing ako sa Lola ko but I felt something following me. Ilang ulit ko na yung nililingon pero wala namang tao.

Mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko para makapunta sa maraming tao because there is no one here, kaya medyo nakakatakot talaga, dagdag pa na padilim na din. It's already 6:15 PM.

Mas mabilis kasi akong makakauwi if dito talaga ko dadaan. I heard some footsteps behind me. Hindi na'ko nag abalang lumingon pa dun dahil alam ko naman na may tao talaga.

Konting konti nalang talaga yung layo nila sa akin. Should I run? Of course! Kasi pag hindi. . . .makukuha nila ko, if ever man na kidnapper or holdapper sila.

Tumakbo na'ko. Wag lang sana akong madulas or matapilok.

"WAAAHHH!"

Kakasabi ko palang na wag ako matapilok! Lumapit sila lalo sa'kin, hindi lang siya nag iisa dahil tatlo yung tao na nandun.

"What do you need?" Nanginginig na talaga yung boses ko niyan pero hindi ko pinahalata.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanila. Tumayo ako kahit medyo masakit pa yung paa ko.

"Ikaw ang kailangan namin," Sagot ni-basta kung sino man siya.

"What?! Me?!" Tinuro ko pa yung sarili ko. "Excuse me?! Wala akong kasalanan sa inyo, so please stop!"

"Inutusan lang kami," Sagot naman nung isa.

Wala akong nagawa kundi tumakbo muli, wag nalang sana akong madulas ulit, or else katapusan ko na talaga!

O-M-G! Bakit kasi ngayon pa! Ano ba naman! Katapusan ko naba?! Medyo malayo pa sa mga tao. Bwisit!

Para kong nag t-track and field dito. Madilim dito, mas lalong dumilim dahil wala ng ilaw.

Tumatakbo ako nang biglang. . . May humatak sa'kin. Ano na naman 'to?! Bakit ba ang malas ko ngayong araw?!

"HMMMP AAAHMM," Tinakpan niya yung bibig ko kaya hindi ako nakasigaw.

Hindi ko siya makilala if ever man nga na kilala ko siya. Naka jacket siyang black, may sumbrero din siya, tapos naka facemask pa!

Sumenyas siya na tumahimik daw ako. Nanahimik ako nang ilang segundo, nang nakita kong lumagpas na yung humahabol sa'kin, ka agad kong tinulak yung lalaki.

"Sino ka?!" Sigaw ko sa kanya.

"Can you please shut up? Miss?" Ani nito.

"Wow Ha?! Wow! Grabe!"

"Ang ingay mo, pasalamat ka niligtas kita," Wika ng lalaki.

"Ay! Ligtas pala yon? Akala ko kasi ki-kidnapin mo na din ako!"

"Excuse me Miss? Yung itsurang to kidnapper?!" Inis na ani nito.

"Eh sino namang hindi matatakot sa suot mo ha?! Mr. Whoeveryouare!"

Bigla siyang natahimik at tiningnan ang kabuuan ng suot niya. Na realize niya siguro na mukha talaga siyang kidnapper.

"Oh tingnan mo!"

"NANDITO YUNG BABAE!"

Napatingin ako sa nag salita. Sila yung humahabol sa'kin! Tumakbo sila papalapit sa'kin. Sa sobrang taranta ko napakapit ako sa lalaki na nag ligtas sakin.

"Shit." Bulong niya.

Hinila niya ako para makatakbo kami. Hindi ko alam kung saan niya ko dinadala basta makalayo lang kami dun.

Napatigil nalang din ako nang may humarang ulit sa'min. This time lima na silang lahat.

"Anong gagawin natin?" Bulong ko sa lalaki, sapat para marinig niya.

"Wag kang lalayo sa'kin , wala tayong magagawa kaya lalaban tayo," Tumango ako sa sinabi niya.

Wala kaming nagawa kaya lumaban kami, kahit papano ay may alam ako dito.

Nang mapatumba namin sila, tumakbo kami. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Pero nagulat nalang ako nang pumasok kami sa kotse, kotse niya siguro to?

Nakahinga nalang ako ng maluwag pag kapasok namin. Gosh! I'm safe!

"Is this. . . yours?" Takang tanong ko.

"Anong akala mo sa'kin mahirap? Syempre,"

Bakit ba ganito 'to mag salita? Nakakairita ah.

"Tss, kung makapag salita ka akala mo kilala kita." Wika ko.

Tss lang yung narinig kong huling sinabi niya.

"Dahil nandito naman na ako sa kotse mo, ihatid mo na'ko sa condo ko,"

"Ang kapal mo naman," Aba nanglalait ba'to?! Ha?!

"May sinasabi ka pre?" Banta ko sa kanya at tsaka tinutok yung lipstick ko sa leeg niya.

"Sabi ko nga ihahatid na kita eh, saan ba yon?"

Sinabi ko sa kanya yung condo ko. Imbis na malapit na ko kanina, mas lumayo pa kakatakbo ko.

Tinanggal niya yung suot niyang sumbrero at facemask. At. . . Nakilala ko siya. Ito yung kinaaadikan ng best friend ko eh.

"Ikaw. . . Si Akhiro? Am I right?"

"Di kapa sigurado, do you know who I am?"

"Nakilala lang kita dahil sa best friend ko, adik na adik yon sayo,"

Akhiro Rowan Lee, he's a famous actor and singer, kaya lokong loko sa kanya si Clara, yung kaibigan ko.

Pero anong ginagawa niya dito? Bakit siya napunta dito.

"P-pero anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"

"Nothing." Tipid na sagot nito.

Nanahimik nalang ako hanggang nakarating sa condo ko.

"Dito nalang, salamat. Tell me, how can I pay you? Cash? What do you want?"

"Hindi ko kailangan niyan, kung pera din ang ibibigay mo, wag nalang. Dahil meron ako."

"Okay. If you say so,"

Bumaba ako sa kotse niya, napansin kong bumaba din siya at sumunod sa'kin.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Takang tanong niya.

"Bakit mo'ko sinusundan?"

Tumawa siya at nag salita. "Dito ang condo ko," Wika niya.

Ay hehe dito pala, I didn't know that. Ang tagal ko na dito sa condo tapos nandito pala siya.

"Ohh..." Speechless.

Pag kapunta ko sa elevator ay pinindot ko aagad ang 6, sabay pa talaga kami.

"Ohh, I guess. . . we're on the same floor," Wika ko. Ewan ko ba pero medyo awkward na ngayon.

Tanging ngiti lang ang naging sagot.

Pag dating sa 6th floor, ay ka agad akong pumunta sa room ko, nakakagulat lang din na nasa tapat ko yung room niya.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito, nag message sa'kin si Clara, yung best friend ko.

["Be diyan daw yung condo ni Akhiro hihi"]

Alam niya?

**
(Sorry for the short update^^)

Don't forget to vote, comment and follow, it will be really appreciated! Thankiezzz!

Changed his Script Where stories live. Discover now