抖阴社区

CHAPTER 3

8 2 0
                                    

Allyza

"Bakit?" Tanong ko sa lalaking lumapit sa'kin. I'm just curious because he knows my name.

Tantsa ko sa lalaki ay mga nasa 20 plus palang, bata pa ang itsura nito.

"Ako 'to si Ca-"

May lumapit sa kanyang isang lalaki kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

"Sir, paki bilisan daw po sabi ng Daddy niyo," Wika ng isang lalaki.

Tumingin pa ito sa'kin bago umalis, ako nama'y ngumiti nalang.

"Sino ba yun?" Bulong ko sa sarili ko.

"Clara nasan kana?" Sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Nasa bahay, malamang pinag eenjoy ko muna kayo ni Akhiro," Sagot nito sa kabilang linya.

"May sayad kaba? Birahin kita diyan eh! Kung ano ano pinag sasa-sabi,"

"Ano ba kasi yung sinabi niya, pa chismis!"

"Wala! Wag ka ng pupunta dito kahit kailan, iniwanan mo'ko!"

"Si OA! Wag ka be, hindi mo'ko matitiis,"

"Nyenyenye!" Pinatay ko nalang ang tawag dahil puro asar lang naman ang pinag sasabi nito.

Itatago ko na sana ang cellphone ko nang nag vibrate ito, may nag message.

Unknown:
Since your my assistant, sasamahan mo ako sa taping ko lagi. Is that clear?

Tss.

Allyza:
Yeah. Alam ko naman ung gagawin ko.

Buti nalang talaga may bayad, kung wala talaga, naku po, hindi ko yun tatanggapin.

Allyza:
By the way, kailan ang start ko.

Hindi ko kasi natanong sa kanya kung kailan ako mag s-start.

Ka agad naman itong nag reply.

Unknown:
Bukas. May gagawin ka pa bang iba?

Allyza:
Wala naman.

Bukas na agad yung start ko?! Bakit? May taping na ba siya agad?

Dahil tutal ay nasa labas na ako. Dadalawin ko na muna si Lolo sa hospital. Pumara nalang ako ng taxi dahil baka maulit ulit yung nangyari, mahirap na.

Sumakay na ako sa taxi at tinuro kung saan ako pupunta.

Pag ka baba ko ay dumiretso na ako sa loob, kinausap ko nalang yung isang nurse dun at nag diretso na sa room na kung saan nandun ang Lolo ko.

Pag bukas ko ng pintuan ay nandun siya, nakahiga at ramdam ko ang pag hihirap niya. Na comatose si Lolo, natatakot din ako na baka iwan niya din kami ni Lola.

Naupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa kama niya.

Wala dumadalaw dito araw araw, kaya ako nag pupunta dito madalas.

Hinawakan ko ang kamay ni Lolo habang nag pipigil ng luha.

"Lo, gising na, bangon na. Hinihintay ka pa ni Lola sa bahay, kaya lumaban ka ha? Kaya mo yan, ikaw pa nga yung nag sabi sa'kin na malakas ka. Kahit ano kaya mong labanan. Oo nga pala, may trabaho akong nakuha. Sayang din kasi yun kaya pumayag na'ko. Alam mo ba kung sino yung Boss ko?. . . Si Akhiro, yung lagi mong pinapanood, diba sikat siya? Ayun assistant niya ko. . ."

". . . Alam mo 'lo, mas gusto ko nalang na ako nalang yung nasa ganyan na kalagayan eh, kasi ayokong nag hihirap ka. Ikaw na kaya yung Papa ko, kasi naman, iniwan ako di'ba nung totoo kong magulang," Tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Sana ako nalang yung nandyan sa kalagayan mo. Kasi pag nawala ka, hindi ko na kakayanin, baka sumunod na'ko sayo,"

"Babantayan muna kita ngayon, dito nalang muna ko ngayong araw. . ."

----------------------------------------------------------

Someone's POV (Caleb)

"Hindi ako nag kakamali, siya yun," Tama ang hinala ko. Hindi ako pwedeng mag kamali, kilala ko siya kahit hindi pa kami nag kikita. At alam kong nandun pa siya sa Lola niya nakatira.

"Caleb, stop. Wala na siya, patay na yung kapatid mo."

"Siya yun, nag kita kami kanina,"

"What?"

"Nag kita kayo?" Boses ni Mommy na kararating lang.

"Ni Allyza?"

"Yes, at hindi ako nag kakamali dahil kilala ko siya,"

Maniwala man sila sa'kin o hindi, kaya kong patunayan sa kanila na si Allyza yun. . . Na buhay siya, at hindi siya patay.

"H-How? Saan kayo nag kita?"

"Nandun siya galing sa isang Condominium,"

Ang kaninang gulat sa mukha nila Mommy at Daddy ay napalitan ng saya.

"Buhay si Allyza? Buhay siya!"

"Oo, hahanapin natin siya,"

Buhay si Allyza. Pero bakit ang akala namin ay patay na siya?

-----------------------------------------------------------

Allyza

Madilim ang nilalakaran ko ngayong gabi. Uuwi na muna ako sa Condo. Hindi ko alintana ang nangyari sa akin kahapon. Ang utak ko ay iisa lamang ang laman.

Buhay ka Allyza. . . Hahanapin ka namin.

Pano ba naman kasi eh! May tumawag sa'kin, nag pakilala siya na kapatid ko daw siya then syempre ako hindi ako naniniwala, binaba ko yung tawag, tapos hindi pa'ko tinigilan, nag message pa.

Nakakapag taka nga lang na ang sabi niya is 'buhay ka', of course, buhay na buhay ako, anong akala nila sa'kin namatay na?

Minadali ko nalang ang pag lalakad ko para makauwi na sa Condo. . . Pag ka dating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga. Ang daming nangyari ngayong araw.

Lord gusto ko lang po mag ka trabaho, gusto ko lang din dalawin yung Lolo ko sa hospital, pero bakit ang daming nangyari ngayon? Bakit ang malas ko?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

_______________________________________

Tomorrow Morning: Allyza's POV

Dahan dahan kong binubuksan ang mata ko dahil sa nakabukas na kurtina at sinag ng araw na nakakasilaw.

Teka?! Bakit nakabukas?!

May tao ba?! Bakit naman yun nakapasok?! Na lock ko ba yung pinto?! Nanakawan naba ako? Masyado kasing mahimbing yung tulog ko kaya ayun! Kung sino man yung nandito mag pakita sa'kin yun.

Umalis ako sa kama at dahan dahang binuksan ang pintuan, sinisiguro ko lang na walang tao.

Sa sala, check✓ walang tao.

Sa kusina, che—...

"Good Morning, alam mo bang late na'ko?"

"Ay putek!" Sa sobrang gulat ko ay nasampal ko kung sino man yun.

"Ouch! What the f—,"

"Hoy! Uy sorry!"

Ano ba kasing ginagawa dito ni Akhiro? Akala ko ba mayaman siya? Bakit siya nag nanakaw?

Teka, pano niya nabuksan yung pinto?!

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

**

Don't forget to vote, comment and follow, it will be really appreciated! Thankiezzz!

encre_cache

You've reached the end of published parts.

? Last updated: 17 hours ago ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Changed his Script Where stories live. Discover now