抖阴社区

Chapter 05

678 17 3
                                        

"Ipakita mong kaya mong mabuhay na wala siya."
--Miggi Madrigal, The Art of Pagiging Bitter
**

Sa wakas ay natapos na rin sa pagkanta si Claire. Akala ko hindi na siya matatapos sa pagkanta. Binalak pa sana niyang kumanta pa ng isang beses pero pinigilan ko na siya sa pagkakataong iyon. Hinila ko siya papunta sa likuran ng mga taong nanonood sa mga nagka-karaoke.

"Saan mo'ko dadalhin Travis? Gusto ko pang kumanta! I wanna sing my heart out!" Sabi ni Claire habang pinipilit niyang kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya.

"No, ipinapahiya mo na ang sarili mo at lasing ka na!" Sagot ko naman sa kanya.

"Sino'ng lasing? Hindi ako lasing!" Protesta niya.

Tumigil ako sa paglalakad upang harapin siya.

"Anong hindi ka lasing? Umakyat ka ng mesa para sumayaw at kumanta dahil sabi mo ginagaya mo si Jovit Baldivino tapos sasabihin mong hindi ka lasing?!" Panuniway ko sa kanya.

"Fine! Lasing na ako! 'Yun ba ang gusto mong marinig? Na aminin kong lasing na ako?" Bigla niyang sabi sa akin sabay shrug.

I rolled my eyes, this was a bad idea, nothing went according to plan! Malayo ito sa ine-expect kong magiging turn of events para sa gabing ito.

"Tara na, ihahatid na kita pauwi." Sabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad ulet ni Claire ng biglang may tumawag sa akin.

"Mr. Lagdameo!" Shouted a familiar voice.

Lumingon ako at nakita ko na si sir Miggi ang tumatawag sa pangalan ko. He was making his way towards us at may hawak-hawak siyang bote ng beer sa dalawa niyang kamay.

"Uuwi na kayo?" Tanong niya as he caught up with us.

"Opo sir, lasing na kase itong babaeng 'to eh." Sagot ko.

"Oo sir Miggi, lasing na ako. 'Yun lang naman ang gusto niyang marinig na sabihin ko eh, ang aminin kong lasing na ako." Sabat ni Claire.

"See what I mean?" Sabi ko sa kay sir.

"Sayang, yayayain ko pa naman sana kayong uminom." Sabi ni sir.

"Sige go! Lasing na naman ako eh so mas lalasinging ko pa ang sarili ko!" Sabi ni Claire sabay agaw kay sir ng isa sa mga bote ng beer na hawak-hawak niya.

"Hoy! Huwag ka nang uminom--" sinubukan ko pang pigilan si Claire pero huli na ang lahat, she was already halfway sa bote.

"Hay nako! Ibang klase kang babae ka!" Na lamang ang tanging nasabi ko.

"Hahaha! Ibang klaseng babae nga itong kasama mo." Comment naman ni sir, na mukhang natutuwa sa kay Claire.

"Anong bang relasyon ninyong dalawa, huh? Magkaibigan lang ba talaga kayo o nililigawan mo ba siya?" Pangingintriga ni sir.

Agad naman akong napakunoot noo. Now that's just preposterous.

"Hindi po sir, ang totoo niyan eh kakakilala lang po namin noong isang araw. Hiningi ko po kase ang permiso niya na pagbasehan ko ang kwento ng buhay niya para script ng pelikula natin." I tell sir Miggi honestly.

The Art of Pagiging BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon