"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it."
--J.K. Rowling, Harry Potter and the Goblet of Fire
**Natapos ang gabi ng kagaya noong party ni Randolph except for the fact na hindi si Claire ang lasing (although I have to say, para na rin siyang lasing with how she acted tonight). Grabe, this girl is just so full of surprises. I mean, ang predictable ng mga magiging reaction niya kasi lahat naman halos ng ni-re-react-an niya ay may kinalaman sa heartbreak niya pero the way she times it is unmatched. Magugulat ka na lang ako isang araw kung bigla niyang pinuntahan ang presidente sa SONA nito tapos inagaw ang mic para mag-hugot sa mga tao.
Sa ngayon ay naglalakad na kami papalabas ng nigh club kasama sina Pete, Karen, at Maureen, balak na kasi naming umuwi nina Claire at Maureen. Kanina pa sa loob nakayakap si Karen sa kay Claire at hanggang ngayon na nandito na kami sa labas ay ayaw pa ring bumitaw ni Claire. Nang marating na namin ang kotse ko na naka-parada sa gilid ng night club, nagsalita na ako.
"So, mauna na kami?" Sabi ko sa kay Pete.
"Sige, ingat kayo ni ate Claire ah." Sagot naman ni Pete at saka kami nag-shake hands.
"Karen, aalis na ako ah." Paalam ni Claire sa kay Karen.
"Pati ikaw iiwan ako? Lahat na lang kayo ini-iwan ako!" Sagot ni Karen na hindi makatayo ng tuwid.
I'm pretty sure na hindi niya rin kayang maglakad kung hindi lang siya nakasandal sa kay Claire.
"Hindi ko gagawin 'yan sa'yo kasi kakampi mo ako. Kaso nga lang, may trabaho pa ako bukas kaya kailangan ko nang umuwi." Sagot ni Claire sa kay Karen.
Sumabat na si Pete at kinuha si Karen kay Claire.
"Halika na Karen, pumasok na tayo sa loob." Sabi ni Pete habang pinalipat niya ng sandal si Karen sa braso niya.
"Bye bye!" Sabi ni Claire as she watches Pete and Karen enter the Pink Jaguar.
Humarap na sa amin ni Maureen si Claire at ng mapansin niya na ang weird ng tingin naming dalawa sa kanya ay nag-react siya.
"Ano?! Anong ginawa ko?" Tanong niya sa amin.
"Mga ka-weirdohan mo, girl." Agad na sagot ni Maureen.
Binuksan ko na ang kotse at saka pumasok na kaming tatlo. Claire was riding shotgun and Maureen was obviously at the backseat.
"Ka-weirdohan?!? Weird na ba ang tawag sa comfort ngayon?" Sagot ni Claire sa sinabi ni Maureen.
"Hindi weird ang pag-comfort sa isang tao, kaso weird ang pamamaraan mo ng pag-comfort sa kay Karen." Sagot ko naman as I started the engine.
"Boom! Tumpak!" Pag-agree ni Maureen sa akin.
Napakunot ang noo ni Claire na para bang hindi siya makapaniwala sa naririnig niyang sinasabi namin.
"Paano naman naging weird 'yon?! I comforted her sa paraang alam ko eh mako-comfort din ako kung sakaling ako ang nasa kalagayan niya." Pagdadahilan ni Claire.
At talagang ipinagtatanggol pa niya ang sarili niya ah?
"Okay, first thing's first: hanggang ngayon ay nasa kalagayan ka pa rin ni Karen, may headstart ka nga lang ng dalawang taon. Second thing is: paano na-comfort si Karen sa pag-a-ala El Shaddai mo kanina sa loob ng club?" Pambabara ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Art of Pagiging Bitter
RomanceSi Claire Marasigan na yata ang patron ng mga taong bitter. Sinaktan kasi siya ng nag-iisang lalaking minahal niya ng higit pa sa pagmamahal ni Romeo sa kay Juliet. Enter Travis Lagdameo, isang newbie scriptwriter na naghahanap ng bitter na love sto...