Napahagikhik ng kaunti si Maureen sa huling sinabi ko at ng tinutukan siya ni Claire ng mga mata niya ay agad siyang tumigil sa paghagikhik at sumeryoso ang mukha (although honestly, she looks more like trying hard not to laugh out loud).
"Hindi po ako nag-e-El Shaddai kanina noh! Tinanong ko lang kung sino pa ang nakaka-relate sa amin ni Karen kasi gusto kong ipakita at iparamdam kay Karen na may mga nakaka-intindi sa kanya at handang sumuporta sa kanya." Sagot ni Claire.
"Fine! Kung 'yan ang gusto mong way ng pagtingin sa mga nangyari." Sagot ko, driving.
"Oo naman talaga! Paninindigan ko ito. In fact, may naisip akong sarili kong ideya para makatulong ako sa sarili ko na mag-move on without always asking for your help." Mabilis na sagot ni Claire.
"Haha! Ikaw? Nagsasarili na ng mga plano para makapagmove on at hindi na maging bitter? Since kelan pa?" Tanong ko, almost giggling.
"Since ten minutes ago... Saka grabe ka makapaghusga ah, parang pinapalabas mong hindi ko kayang mag-move on kung ako lang mag-isa." Sagot sa akin ni Claire.
"Umm... Girl, I love you and all pero I have to agree with Travis, talagang hindi mo nga naman kayang mag-move kn ng mag-isa." Biglang sabat ni Maureen, causing Claire to look back.
Natahimik si Claire sa sinabi ni Maureen.
"Best friend mo na mismo nagsabi oh." Sabi ko sabay sulyap kay Maureen through the head mirror.
"Ano ba girl! Suportahan mo naman ako dito oh!" Sabi niya kay Maureen.
"Fine, fine! Ano ba 'yang naisip mong ideya, ha?" Sagot ni Maureen sa kanya.
Biglang ngumiti si Claire at saka napatingin sa aking dalawa ni Maureen.
"Okay! Well, here's what I thought: kanina ng makita ko na maraming mga tao pala ang sawi sa pag-ibig, naisip ko na magtayo ng isang support group." She explains.
What the--ano daw sinabi nitong babaeng ito?!?
"Support group? Anong suppor--what do you mean na support group?" Tanong ko. I'm not even sure how to construct my question dahil sa sobrang cryptic ng pagkaka-explain niya.
"Oo nga girl, anong support group ang ibig mong sabihin?" Tanong din ni Maureen na naguguluhan din.
Nanlaki ang mga mata sa amin ni Claire na para bang minamaliit niya kami dahil hindi namin alam ang ibig sabihin ng salitang 'support group'.
"Grabe naman guys ang slow niyong maka-gets, mas mauuna pa yata akong mag-move on kesa sa pagka-intindi niyo ng sinasabi ko." She reacts.
"Eh ano nga kasi ang ibig mong sabihin? Na magtatayo ka ng support group para sa mga taong sawi sa pag-ibig?!?" Maureen states.
Biglang ngumiti si Claire sa sinabi ni Maureen.
"Exactly! 'Yan ang gagawin ko!" Sabi niya, smiling.
Agad kong tinapakan ang break, causing the car to suddenly stop. Nagulat sina Claire at Maureen sa ginawa ko at saka tiningnan ako.
"Oh, bakit ka napatigil?" Tanong ni Claire. Tiningnan ko siya sa mukha.
"Claire, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong ko.
"Oo, bakit naman hindi?" Sagot niya sa akin.
"Kasi, sa tingin ko nagsasalita ka na naman ng hindi nag-iisip. Baka maulit na naman 'yung pagda-drama mo ng dahil sa pinilit mong kumbinsihin ang sarili mo na nakapag-move on ka na." Sagot ko naman sa kanya.
"Ano ka ba Travis, iba 'yong sitwasyong 'yun saka iba 'to! This time alam ko na ang ginagawa at ang pinagsasasabi ko... And I'm doing this kasi nararamdaman ko sa kaibuturan ng puso't kaluluwa ko na makakatulong sa pag-move on ko ang maging leader ng isang support group para sa mga taong heartbroken." Pangungumbinsi niya sa akin.
"Support group leader?!? Ano bang balak mo, Claire? Mag-move on ba talaga o maging ambassador ng mga tatanga-tanga sa pag-ibig?!?" Sagot ko sa kanya.
"Ooh burn!" Sabat ni Maureen from the back.
This is a ridiculous idea. Alam ko na naman ang magiging ending nitong binabalak niya eh, maaalala niya lang sa kwento ng ibang tao ang nangyari sa kanya at sa kay Jordan tapos made-depress lang siya ulit. Babalik lang kami sa square one.
"Grabe ka naman makapagsalita! Ipamukha ba sa'kin na tanga ako!? Bakit ba ayaw mo na lang akong pagkatiwalaan dito?!?" Tanong ni Claire, her question making me turn my head.
For a moment ay natahimik ako. I searched my mind for the right words to use.
"Kasi natatakot ako na baka kapag pumalpak ka dito eh gumuho na naman ang mundo mo, ayokong makita kang magkaganoon..." I answer truthfully.
I suddenly felt my blood rush into my cheeks.
Napangiti si Claire.
"Aww, that's so sweet of you Travis... Pero magtiwala ka sa'kin, hindi ko hahayaang mangyari ang kinakatakutan mo. 'Diba nga, nag-promise ako na hindi na ako iiyak?" Sabi ni Claire sa akin.
I looked at Claire's eyes and somehow I can see the sincerity in her heart. In fact, I think I can see the sincerity in her soul, that shade of sincere and honest love that she is willing to spend and give to someone... Kaso may bumaboy sa sincerity na iyon. Still, if she says that this will help her, then I might as well believe her, after all, it's her life and it's her heart that's at stake. The things I want to protect from being damaged further.
"Fine, let's have it your way." Sagot ko, finally giving way to her.
"Yay! Thank you Travis! I need your support, ang totoo niyan kahit humindi pa kayo eh itutuloy ko pa rin naman ang pagtatayo ko ng support group/association kaso mas okay nga lang kung suportado ninyo ako. Heeheehee!" She answers, smiling meekly.
"Sige na, paandarin mo na." Sabat ni Maureen.
Napalingon ako sa kanya sandali bago ko ibinalik ang attensyon ko sa daan. Inihatid ko na ang mga babae sa apartment nila at pagkatapos ay umuwi na ako.
***
That night, habang nagsusulat ako ng script, my mind drifted off into the idea of Claire's support group. Paano ba nasabi ng babaeng ito na makakatulong sa kanya ang pagtatayo ng support group? Maybe, what she's trying to say is, gusto niyang gumawa ng support group kung saan ay makakakuha siya ng suporta sa mga taong pareho ng pinagdadaanan sa kanya. Baka 'yon nga ang point niya sa lahat ng ito. Ibang klase din talaga itong si Claire, when she speaks and thinks of something eh ginagawa niya agad. Kaya siguro siya nalason ng pagmamahal niya para sa kay Jordan, kasi pinangunahan na ng puso niya ang utak niya.
I will support Claire dito sa balak niya. Sana lang ay maging effective nga ito at maging-tuloy tuloy na ang pag-move on niya.
**

BINABASA MO ANG
The Art of Pagiging Bitter
RomanceSi Claire Marasigan na yata ang patron ng mga taong bitter. Sinaktan kasi siya ng nag-iisang lalaking minahal niya ng higit pa sa pagmamahal ni Romeo sa kay Juliet. Enter Travis Lagdameo, isang newbie scriptwriter na naghahanap ng bitter na love sto...
Chapter 11
Magsimula sa umpisa