抖阴社区

Chapter 3: Shopping day

949 28 5
                                    

Pagtapos nila kumain ay naligo na sila at nagbihis at pumunta sa parking lot ng condo. Pinagbuksan ng pinto at ng makaupo na ay sinuotan ng seatbelt si Lea. Pakiramdam nya ay isa siyang prinsesa at kung panaginip yun ay ayaw na nyang magising. Gwapo na, mabait at gentleman pa.nahihiya si Lea kaya tahimik lang siya da byahe.

"O ano nangyari sayo at napakatahimik mo? Baka mapanisan ka ng laway" pagbibiro ni Aga sa kanya.

"Bakit masama ba tumahimik?" Ang totoo ay naiilang siya

"Sungit naman. Nagtatanong lang e." Tinignan nya mula ulo hanggang paa.
"Nakakapanibago ka ngayon ha. Yan suot mo conservative ang dating"

"Natural sa mall tayo pupunta. Ano naman gusto mo suotin ko, two piece?"

"May dalaw kaba ngayon? Sungit e"

"Wala noh?!" Pag susungit nito

"Check ko nga kung totoo" tawa ako ng tawa habang inaasar siya. Mukhang napipikon na yata.

Tinignan ko siya ng masama "hoy Mr. Muhlach umayos ka ha or bababa ako dito?"

"Bababa? E pano na yun bayad sayo?"

"Nakakalimutan mo ba na fully paid na ako?"

"So bakit sumama kapa sakin? Type mo ako noh?"

"Feelingero!" Inirapan ko nga

"Well di naman kita masisisi, sa gwapo ko ba naman to?"

"Kapal talaga! Ang hangin dito sa kotse mo ha. Signal no 4. Actually dinaig mo pa si typhoon Yolanda"

"Woah! Sabagay sabi nga nila the more you hate, the more you love" sabay kindat ko sa kanya at pag irap naman nya sakin.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan"

"Ito naman di na mabiro. Bakit nga ba sumama kapa sakin? Siguro magpapadagdag kapa noh?"

"Hindi ako ganon klase ng babae" mahina kong sagot dahil sa nanliliit ako at nahihiya sa sarili ko.
"Sumama ako sayo kasi ayoko muna bumalik sa club"

Nakita ko na bigla siya nalungkot. "Okay, sorry. O wag kana malungkot. Pasasayahin kita sa dalawang linggo na magkasama tayo"  saying that while moving my eyebrows up and down.

"Pervert!" Pasasayahin? Alam ko na ibig sabihin nun. Wala naman rerespeto sa babae na katulad ko na may ganitog trabaho.

"O seryoso kana naman" nagpapark na ako habang lihim ko siyang sinusulyapan. Napakaganda nya talaga kahit nakadamit. Pano pa kaya pag wala.. Hay dumi ng isip ko!

"O we're here!" BubuksN na nya ang pinto ng inunahan ko siya.

"Thank you" napakagentleman naman

"Anything for you dear. Let's go?"

Naglibot libot na kami sa mall. Pinabayaan ko siya mamili ng gusto nya suotin.

Napakaganda naman ng dress nato pero napakamahal...

"That will look good on you. You like it?" Nakita ko kasi na kanina pa nya tinitignan ang damit na yun.

"Ahm no. Let's go hanap tayo sa iba" hinila ko siya sa kamay palabas ng shop na yun ng biglang may tumawag sakin.

"Ate?"

Kilala ko ang boses na yun kaya nilingon ko.
"Chynna, (Sharlene San Pedro) ano ginagawa  mo dito? At bakit wala ka sa school? Nagcutting kaba?"

"Of course not ate. Maaga kasi kami pinauwi ng prof namin kasi intrams tomorrow kaya sinamahan ko na lang itong si Ana, classmate ko ate para bumili ng damit para bukas"

If only...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon