抖阴社区

I

8 1 0
                                    

Kasalanan ba ng gravity kung bakit siya nahuhulog dito? Sa kabila kasi ng pagkainis niya ay may gusto na siya rito.

O kasalanan mismo ng puso niya?

Kung bakit pa kasi—

"Aray!" Hiyaw niya dahil sa pagdiin ng paghawak sa braso niya.

Tiningnan niya kung sino ang walang modong humigpit ng pagkahawak sa kanya.

Ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng puso niya matapos makita ang taong kani-kanina lang ay nasa kanyang isip.

"San yun id mo?" Angas na pagkasabi ng ni—Paris.

Agad naman niyang kinalas ang pagkahawak nito sa kanya dahil nakukuryentehan siya. Hindi niya alam kung saan galing 'yon. Baka gawa iyon ng static electricity—ewan ba niya.

Kinalkal niya ang kanyang bag dahil ngayon lang niya napansin na wala pala siyang suot na id—ang totoo ay naiwan talaga niya ang kanyang id. Abot ang saya niya ng nilagpasan niya ang guard kanina sa gate kahit wala siyang id.

Pero itong nasa harapan niya ay sinlaki ata ang mata sa kuwago na kahit maliliit na bagay ay nakikita niya.

Tss. Pati siguro mga atoms nakikita niya.

Tumigil na siya sa pakunwaring paghahanap dahil sa pag-aakala'y aalis na ito—pero wa epek pala ang acting niya dahil nasa harapan pa rin ito at nakatayo—parang Eiffel Tower sa Paris. Tugmang-tugma sa pangalan nito.

Nginisihan niya ito.
Naku sana tumalab na ang plan B ko.

"Ah baka nahulog lang yun nawala kasi sa bag ko e. Teka ha, hahanapin ko lang baka kung saan-saan na yun napunta—TEKA LANG PARIS!" Nagulat siya sa biglang hila nito sa kanya.

Pinagtitinginan tuloy siya at hindi nakatakas ang mga bulong na naririnig niya—kung bulong pa ba iyon.

"Naku ayan nanaman papansin nanaman"

"Ganyan yung nababasa ko e. Ginagaya niya siguro. Akala naman niya may gusto si Paris sa kanya."

"Girl shut up ka nalang. Maririnig niya."

"Si Sydney nanaman?"

"Napakalandi talaga ng babaeng—"

Hindi na niya narinig yung komento ng isa dahil nakapasok na sila sa opisina.

"Here write your name and—"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil agad niya iyong kinuha at sinulat ang kanyang pangalan.

Ayaw niyang magtagal dito dahil kung ano nanaman ang sasabihin ng iba. Ang mapanghusgang mamamayan. Kinaiinisan din niya ang mga taong iyon dahil kung sino-sinong humusga parang alam naman nila ang buong istorya.

Ibinigay niya ang slip dito nang hindi nakatingin. Ayaw niyang makita ang dinaramdam niya. First time kaya niya makasulat nun at ayaw niya iyon dahil feeling niya may bad record na siya.

Kinuha naman nito at nilagay sa kahon. Doon nilalagay ang mga slip at may fines yun kapag enrolment. Kainis talaga.

Dahil medyo malayo yung paglalagyan ng kahon ay mabilis siyang lumabas sa opisina. Mabuti nalang at silang dalawa lang doon which is not a good idea dahil iba nanaman ang iisipin ng mapanghusgang tao sa kanyang paligid.

Absent siya sa kanyang first class mabuti nalang din at wala raw ang prof nila. Kahit papaano ay maswerte siya.

Kaya nga niya pinipigilan ang pagkahulog niya sa Paris na iyon dahil kilala siya ng mga tao at bawat galaw niya may issue na. At nasali pa siya sa issue na iyon kaya mas mabuting iiwasan niya ito.

Tama. Iiwasan niya para mabawasan ang pagkahulog ng loob niya rito.




"Congrats Sydney. Panalo nanaman ang department natin sa Quizzing Contest." Bati ng isa sa kanyang kaklase.

"Thank you" sagot niya rito at nginitian niya rin ito.

Mukhang mabigat ata ang kanyang pakiramdam.

"Syd? Okay ka lang?" Tanong nito ng makita ang kanyang itsura

"Oo. Mukhang masakit ang ulo ko e." Sagot niya rito.

"Hala. Masyado mo kasing piniga ang utak mo kanina. Pero atleast nanalo ka. Pahinga ka muna sa infirmary. Maaga pa naman." Suhestiyon nito. Tumango na lamang siya. Kailangan niya atang magpahinga at matulog dahil wala siyang tulog kagabi dahil sa pag-aral. Kita naman sa eyebags ang resulta.

Marami pa ang bumati sa kanya. Mga nagko-congrats at naghe-hello.
Buti at nakayanan pa niyang ngumiti sa kabila ng sakit sa ulo. Pero may mga tao ring negatibo ang tingin sa kanya—mga insecure, ika nga na mas lalong nagpasakit sa kanyang ulo.

"Pasikat nanaman"

"Nakatsamba lang 'yan"

"Alam niya na siguro ang mga tanong"

Hindi niya gusto ang huling narinig niya. Ayaw niya ng gulo e pero ayaw niya rin na hayaan nalang na ganoon ang tingin sa kanya.

Nilapitan niya ito.

"Excuse me po. Hindi po ako nandaya at hindi ako mandadaya. Kung alam ko na ang itatanong sa akin edi isang salita lang na bibigkasin nila ay tinaasan ko na ng kamay? Pwede ba bago kayo magsalita ng kung ano-ano kayong mga tao kayo, alamin niyo muna ang buong storya ha? Nakakagawa kayo ng gulo e." Sabi niya na ikinatigil naman nila.

Umalis nalang siya nang wala siyang makuhang feedback sa kinakausap niya. Ayaw na ring madagdagan ang sakit sa ulo niya.

Dini-digest pa siguro nito ang sinasabi ko. Magka empatso sana.

Paglabas niya sa gym ay siya namang sulpot ng salarin. Salarin dahil may ninakaw ito—ang puso niya.

Ay ano ba si Paris lang 'yan kung ano nanamang kabaliwan ang sinasabi ko.

Magsasalita sana siya ng bigla nanaman siyang kinaladkad.

Ang hilig talagang manghila

"May kasalanan na naman ba ako president?" Malumanay na tanong niya na ikinatigil nito. Oo malumanay dala na rin siguro sa effort na sinayang niya sa pagkausap niya sa isang mapanghusga kanina at sa sakit ng kanyang ulo.

"You—are you okay?" Pag-alala nito sa kanya.

"Hindi nga e. Masakit ang ulo ko. Kung ano man ang naging kasalanan ko ulit, pwede bukas nalang natin pag-usapan? Magpapahinga lang ako.

"Ihahatid na kita" insist nito

"Hindi na. Nakakahiya naman may kasalanan pa ako" at may mapanghusgang tao nanaman ang makakita sa atin

"No. Kinaladkad kita kanina—"

"Okay lang talaga hindi mo naman alam e" sagot niya

"I bet hindi mo kayang maglakad ng ilang metro sa infirmary sa kalagayan mo" inirapan niya ito

"Masakit lang ang ulo ko at hindi paa kaya, kaya kong maglakad"

"Brain functions everything on your body. At dahil masakit ulo mo, mahihirapan kang makakapunta sa infirmary. Nagmamagandang loob lang ako na ihatid ka." Anas nito.

Aba. At pinapangaralan pa ako.

Pero may bahid ng pagkalungkot sa kanyang mukha dahil nagmagandang loob lang ito. Hindi dahil gusto siya nito. Well, bakit naman siya magugustuhan nito? Puro mali ang pinapakita niya sa kanya kaya imposible ang iniisip niya.

"Believe me kaya ko na tala—AY!" Impit siyang napatili ng bigla siyang ibuhat na parang sako ng bigas.

Mas lalo tuloy siyang nahihilo sa ginawa nito—at mas lalong nahuhulog ang loob.

Kaya siguro di niya napigilan mapangiti rito at di niya napansing nakatulog na pala siya.

------
A/N: nakalimutan ko na ang sunod kaya dito nalang tayo... XD

If I Fall...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon