抖阴社区

Would He

5 0 0
                                    

"Ate!!! Kinikilig ako." Nagising siya sa biglaang pagsigaw nito. Bigla tuloy sumakit ang kanyang katawan dahil dinaganan siya ng kanyang kapatid.

"Ay! Ano ba Cynthia ginugulo mo ang tulog ko!" Reklamo niya rito. Hindi pa man din siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa masyadong pag-iisip. Kayo na ang bahala kung sino 'yon pero alam niyo naman kung sino ito.

"Ayiee bakit? Napanaginipan mo ba si kuya Paris?" Nakakalokong ngiti nito at umupo na nang maayos.

"Bakit mo ba kinukuya ang Paris na 'yan? Di natin siya kapatid." Isa pa 'yong lalaking iyon. "At ano ba? Ano iyong sinabi mo kanina na kinikilig ka bwisit bakit mo pa ako kailangang gisingin?!" Inis niya rito.

Imbis na sumimangot ito ay lumaki lang ang ngisi nito.

"Hindi mo kasi sinabi sa'min na si Paris na pala maghahatid sa'yo sa school."

Napabangon tuloy siya ng wala sa oras.

"WHAT?!" Gulat na pahayag niya.

"What-watin ko iyang mukha mo maligo ka na ate masama pa namang paghintayin ang bisita." Ani pa nito.

Wala siyang pakialam kung ano ang iniutos nito sa kanya dahil basta na lamang siyang lumabas at tiningnan kung nandito ba talaga ito.

At nandito talaga ito kausap ng kanyang ama! Hindi siya makapaniniwala sa kanyang nakita!

"Sydney? Bakit di ka pa naliligo? Di mo pa sinabi sa'min na ihahatid ka pala ni Paris." Untag ng kanyang ina nang makita siya nito.

Dahil hindi naman malayo ang sala nila sa kanyang kwarto, naputol ang pag-uusap nina Paris at ng kanyang ama. Napadako tuloy ang tingin nila sa kanya.

Nagtama ang kanilang mata—shit! Ang itsura niya!

"Ate sabi nang maligo—"

Agad siyang pumasok sa kwarto—sa kanyang banyo at nagkubli doon.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang nakipagkarera siya sa kabayo.
Agad din naman siyang naligo at nagbihis.

Ano kayang ginagawa rito ng lalaking 'yon? Para ba ipaalam sa parents ko na may violations ako?

Napasinghap tuloy siya sa kanyang naisip. Ganun na ba talaga ang galit ni Paris sa kanya?

Para naman siyang maiiyak dahil naisip niya ulit yun. Ano ba itong iniisip niya. Basta bahala na. Haharapin nalang niya kung ano man 'yon.

Lumabas na siya sa kanyang kuwarto at nakitang kumakain na sila. Nawalan tuloy siya ng gana.

"Aalis na ako ma, pa" pagpapaalam niya.

"Hindi ka ba kakain?"

"Sa school nalang. Kailangan kong maging maaga."

"Baka naman excited ka ng makasabay si kuya Paris?" Tuksong sabi ni Cynthia.

Tiningnan niya ito nang matalim at inirapan lang saka humarap sa kanilang magulang.

"Mama, papa, huwag niyo akong matulak-tulak sa kanya dahil wala naman yung gusto sa akin. Mahulog pa ako'y walang sasalo sa'kin n'yan." Paliwanag niya rito.

"So nafall ka na sa kanya ate?" Singit ni Cynthia. Sinamaan niya ulit 'to ng tingin.

"Bye" iyon lang at umalis na siya sa kusina.

Sa sala ay nandoon pa rin si Paris. Gusto niya sana itong sigawan kaso lang ay nandito ang kanyang mga magulang.

"Anong oras ka pumunta rito?" Agad na tanong niya. Nagulat tuloy ito. Tsk. Cute.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Jun 24, 2019 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I Fall...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon