抖阴社区

Chapter 3 (Name)

182 6 3
                                        

(just click the video if you want.....nasa right side...hanapin nio na lang...)

Parang isang batallion kung sumugod ang aking mga alaala...lahat lahat ng nabaon ay biglang naglutang...bkit? Dahil lang ba sa isang insidenteng iyon...unti-unti ring bumabalik ang lahat ng magagandang alaala namin ni Jopet?? mga sandaling KAMI pa.....

Parang pelikula lang sa sine....

Tulad ng una naming pag-uusap...sya din ang unang lumapit sa akin....Computer ang subject namin noon...Sa pagkakaalala ko, pag natapos ka na sa gawain mo....pede ka nang maglaro ng typing master (bawal kasi mag-internet)...Nakaupo lang aku nun...Hindi kasi ako mahilig sa kahit anong laro sa computer kaya nagmasid-masid na lang ako....

Since unang taon ku din sa college nun...kaya sabik na sabik pa ako makakilala ng bagong kaibigan..(o kaaway?) kaso dahil marami pa rin ang hindi pa tapos sa activity, nahirapan ako at nabagot na din....Hanggang napansin ko na si KUYA (unang tawag ko ke Jopet before maging kami)....Naglalaro pa siya nun....

Luka-luka pa ang lola nio nang mga panahong iyon....Dahil sa gustong-gusto kong makuha ang attensyon ng lalaking ito....ay todong papansin ako....

"Ay!!Naku!!!! SAyang!!!"pabulong na nabulaslas ko...

Habang naglalaro siya at sa tuwing nagkakamali siya.., nag-iingay ako dun sa likod...Binibigyan ko siya ng pressure...Minsan chini-cheer ko siya pag nakakpoints pero kadalasan puro taob ang score niya (XD) Papalit palit nga siya ng laro....at laging hindi niya tinatapos...hahaha...pressured nga siya!

Kakatuwa talaga un....pero mas natuwa ako nung makita ko ang reflection niya sa monitor....NAKANGITI SIYA!!! hindi ko alam kung ano tumakbo s isip niya noon...basta ang alm ko hindi siya napipikon...

Kaso hindi nagtagal, nagsawa din ako sa kakapanood ko sa kanya...hanggang napalingon na nga ako sa iba.....

Natapos ang klase nang ganon lang...Papetiks petiks at paunat-unat....kakabagot kasi!!

Nung paalis na kami...sabi ko sa sarili ko....

"ayaw kong mauna siya (JOpet) sa paglalakad....maaalala ko lang ang kalukahan ko"

Halos iniwanan ko na ang kabarkada ko...dali-dali kong kinuha ang bag pagkatapos ay umalis na....kaso me tumawag sa kin sa likod...Shit! hindi ko to pedeng baliwalain....First year pa lang ako..baka ang maging first impression nila sa kin ay suplada....so ayun...lumingon ako....

Sa pagkalingon ko, natanaw ko na agad ang isang matangkad na lalaki...maputi at naka-gel...Grabe!!!! eto na nga type ku!!!! Pero alam ko na hindi siya ang tumawag sa ken....Nakakaasar lang dahil ang ganda ganda ng view ko pero hindi naman siya ang tumawag sa ken...

Habang hinihintay kong lumapit sa kin ung tumawag....hinihintay ko din ang paglampas ng lalaking ito...hindi ko alam kung anong itsura ko nun...basta pinilit kong hindi siya pansinin....parang wala lang...parang walang nangyari kanina.....

Sobrang lapit niya na!!! Hala!!!! Be calm!!!! WAg magpahalata!!!! 

"Ah...Miss....ano pangalan mo?"

Huh?! Tumigil siya sa harap ko?!!!! Akala ko ba lalampas ka?!!?! Ano daw ang sabi??!!! Pangalan ko?!!! Tinatanong mo ang pangalan ko?!?!! Teka muna!! teka muna!!! Hindi ko to inaasahan....

"Aah...."

Mejo natagalan din ako sa pagsagot....sasabihin ko na e....kaso biglang may tumugon...

"Si JAJA yan!!! si Jajang cute!!!" sabay tawa....

Ngumiti naman si Jopet kaso...

"Tara, Jopet bilis!! baka hindi na naten maabutan... "

Sayang talaga...hindi nga ako naka-imik tapos aalis na agad siya!!! Kaasar talaga!!! pero nakuha ko din ang attensyon niya noh? kahit konti at sandali lang yon.......

Ganito ang takbo ng isip ko noon....Baliw na baliw....tanga kung tanga.....Pero magagawa ko ba? Ganon e....ganon pag inlove....... 

Hindi tulad ngayon halos lumipad na ako para lang magkaroon kami ng halos 200 kilometrong layo sa isa't isa..... OA noh? pero ganito talaga ang nararamdaman ko...gustong-gusto kong lumayo....gustong-gusto kong maglaho siya sa paningin ko.....isang taon ang ginugol ko para lang magkalimutan siya pero bakit kung kelan okey na ako saka siya ule babalik? Saka niya ule guguluhin ang natutulog kong pagmamahal sa kanya?? 

Ano bang gamot sa sakit na to? Antibiotic ba? Anong brandname? Dali!! bibili agad ako!!! Hindi ko na kasi mapigilan pa at baka mahulog na naman ako....ayaw ko na magsaktan!! Ayaw ko na magpaloko!!! Please lang....wag ka uleh lalapit....baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at mapamahal ule aku sa yo....PLEASE LANG.....

Cupid's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon