"o niel anong nangyare sa kamay mo?"
"po? ah nahulog po ako sa kama..."
"bah! ang lakas naman ata ng pagkakabagsak mo't nagkaganyan!!"
"haha ou nga po"
un lang ang nasagot ko sa nanay ko matapos niyang mapansin ang bali kong braso
siguro nga malakas ang pagkabagsak ko mula sa punong malapit sa bintana ni jaja....
sa tuwing naaalala ko ang nangyare halos mapakamot ako sa ulo ko...hindi ko alam kung ano na mangyayare....bakit ko ba naman kasi ginawa yun?? siguro ito na ang katapusan ng pagkakaibigan namin....ou....magkakailangan na...mas malala....baka hindi na kami mag usap nun.....hala...baka kulitin pa ako ni nanay....lagot.....hindi ko alam ang gagawin ko,,,,,....
"nay sige po aalis na po ako"
"ah...hindi mo ba kasama si jaja?? me practice ba kayo ngayon??"
"ah opo...geh po alis na po ako.."
"geh ingat ka"
JAJA POV
grabe buong gabi ata akong hindi nakatulog
anong nangyare
ano na mangyayare???
hindi ko alam kung ano sasabihin ko
kung paano siya kakausapin
ah!!!
uuna na lang ako pumasok
masaya akong lumabas ng bahay syempre hindi na ako mamomoblema
nakangiti pa akong naglalakad e
pero pagtungo ko
siya na agad ang nakita ko
hala
pano na?
NIEL POV
hindi ko man lang inasahan na makikita ko pa rin sa kabila ng pag iwas ko
nakangiti pa siya noong nakita kami
hindi ko alam kung bakit
pero nahihiya talaga ako sa kanya
sa buong buhay na magkasama kami ngayon ko lang naramdaman to
JAJA POV
sinasabi na nga ba eh
ano na?! hala ang hirap naman pag nandito sa situasyon na to...hindi naman pedeng iwasan ko
pero hindi rin tamang palabasin na nagustuhan ko ung nangyare kagabi
babae ako ang landi ko naman
pero siguro nga ganito talga sa simula
pero hindi rin maiiwasan ang magnet na nagdidikit sa ming dalawa....
mukang hinintay pa niya akong makatapat sa kanilang bahay
ako namang si tunggek eh tumigil sa tapat niya humarap
pero mukang ito na ang tamang panahon para pag usapan yun
lalong walang mangyayare kung hindi namin mapag uusapan kung ano na nga
"aga mo ata" sabi niya...
"hehe napaaga ng gising e...kaw?"
"ganon din...."
yun lang ang napag usapan..... ano ba yan?! sabi ko ito na ang oras para pag usapan eh pero bakit ala sa ming dalawa ang nag sisimulang buksan ang topic na yun

BINABASA MO ANG
Cupid's Victim
Teen FictionKUng dadating ka sa point na pinag-aagawan ka ng iyong best friend at ng dati mong boyfriend....Sino ang pipiliin mo?? Ung dating minahal mo pero niloko ka lang at pagkatapos ngayon ay binabalikan ka at sinasabing mahal ka pa rin niya?? O dun sa ta...