This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual event is purely coincidental.
This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors.
Warning: Not suitable for 15 years below. This may contain violent scenes. Read at your own risk.
---
"Don't even dare to look back...
It's dangerous..."
Nagising nanaman ako na pawis na pawis. Bakit ba lagi ko na lang napapaginipan iyong lalaki na nakatayo sa harap ko at sinasabi niya na "Don't even dare look back, It's dangerous" Hindi ko naman makita ang hitsura niya kasi laging blurred. Tapos laging natatapos ang panaginip ko sa may sasaksak sakanya mula sa likod.
Ano ba mga napapaginipan ko?! Siguro dahil iyon sa mga napapanuod ko na mga thriller and action movies.
Sigh.. Makaligo na nga lang
"Kain na" sabi ni mama saakin pagkababa ko ng hagdanan
"late na ako ma, sa school na lang ako kakain"
"Nako! Kumain ka muna! Ano naman kung late ka? Mas importante na busog ka"
Wala na akong nagawa kundi kumain, dahil alam ko na hindi ako papapasukin ni mama pag hindi ako kumain
"Nandyan pa naman si kuya mo kaya sumabay ka na lang sakanya" patuloy ni mama
"Sige po" sabi ko na lang
Maya maya bumaba na si kuya na nagmamadali, hindi pa maayos iyong pagkakabutones ng damit niya hahaha
"Ikaw! Kumain ka na rin!" Sabi ni mama kay kuya
Dumiretso na si kuya sa hapagkainan at mabilis na kumain
"Giann, ihatid mo na muna kapatid mo sa school niya"
"What?! Late na ako!" Sabi naman ni kuya
"Ang damot mo!" Sabi ko sakaniya
"Sige na tss kung hindi lang kita mahal ehh" sagot ni kuya
"Oh my ang sweet daw hahaha"
"Tama na iyan! Mataba ka na! Alis na tayo" sabay tayo ni kuya at nagpaalam na kami kay mama
Dumiretso si kuya sa kotse niya at sumakay na rin ako. Buti walang traffic kaya nakarating na ako agad sa school.
Pagpasok ko, nakita ko na agad iyong mga kaibigan ko sa tambayan namin pero napansin ko na parang umiiyak si Khloe?
"Anong nangyari?" Tanong ko sakanila
"Nawala na si Gio" Malungkot na sagot ni Eireen habang pinapakalma si Khloe
What?! Parang kahapon lang eh kasama pa namin si Gio pero ngayon isa na rin siya sa mga lalaki na nawawala na parang bula.
Bigla ko nanaman tuloy naalala si Evan. Kahit na almost 1 year na ang nakalipas, naaalala ko pa rin sya.
Lahat kami nagtataka kung bakit isa isang nawawala ang mga lalaki sa school namin or siguro sa ibang school din.
Ang nakapagtataka sa lahat ay bakit hindi man lang nababalita ang misteryong pagkakawala ng mga lalaki? At kahit anong gawin ng mga magulang nila para mahanap sila ay wala pa rin nangyayari?
Kaya wala kaming nagagawa dahil wala rin naman tumutulong sa amin.
Masakit dahil hindi man lang namin alam kung nasaan sila, kung ok lang sila or worst baka patay na sila.

BINABASA MO ANG
Descend Into Hell
Mystery / Thriller[Revising] Four girls dared to enter the most dangerous and mysterious school in the whole world which is "South Academia". What do you think will happen to them?