Sooan's POV
I was running in the middle of the dark and a group of people were catching me
I'm really afraid that i might die that night
I'm still running while a familiar face appeared in front of me
I felt safe when i saw him
He smiled at me and said that i must run as long as i can
He said that he will protect me no matter what happen
I cried in front of him and he fought with those people
Nakatulala ako ngayon sa bintana habang nagtuturo ang Geometry teacher namin. Natandaan ko ang lahat ng alaala na hindi ko dapat matandaan. Lalo tuloy sumakit ang puso ko. Bakit hnd sinabi sakin nila mama ang tungkol sa nakaraan? Tama nga si Azee, we were together back then. And tama rin si Cade, i'm a cruel bitch.
Natapos na ang walang kwentang subject namin at dumiretso na ako sa labas. Wala akong gana, nagpapalakas pa ako. Nasan naman kaya sila Eireen? Nagiging busy sila ngayon ah tsk tsk
Naglalakad ako ngayon pababa nang makita ko ang taong nagpapalakas sakin na ngayon ay nagpapahina sakin. Lalo pa nadurog ang puso ko ng makita ko na kasama nya si Sasha na tuwang tuwa. Bakit sila magkasama? Mababalewala lang ba ang sakripisyo ko?? Ahh tama siguro secretary kasi si Sasha kaya kasama nya si Azee. Pero bakit hinahawakan sya ni Sasha?? At Ok lang sa kanya?!! Bullshit!
Bahala nga sila! Oo nga! Ano bang pake ko? Kung mamatay sya dyan! Wala akong pake!!
Naglalakad ako ng makasalubong ko si Cade. Hindi katulad dati na nakakatakot sya ngayon ay nagbalik na sya sa dati.
"You did a great job" nakangiting sabi nya at tuloy tuloy naglakad
"Can you tell me all about the past?" Tanong ko at napahinto sya sa paglalakad
Humarap sya sakin at seryosong nakatingin
Ngumiti sya ulit at nag "Ok" at naglakad ulit, sumunod naman ako sakanya
Huminto kami sa liblib na bahagi ng school, nananatili syang nakatayong seryoso at nakaharap sa akin
"Bakit gusto mo malaman?" Tanong nya
"May mga bumalik na alaala ko na hnd ko masyadong maintindihan, gusto kong malinawan" Sagot ko
Huminga sya ng malalim at umupo
"Where should i start?" Tanong nya
Umupo na rin ako medyo malayo sa kanya
"Mula sa umpisa" I said
"Baka hnd mo kayanin"
"No! Tell me please! Tatanggapin ko lahat"
"Lumipat kami sa isang village noong bata pa kami ni kuya. Palagi kasi kaming nabubully kaya palipat lipat kami ng lugar. Masaya naman ang pamilya namin noon kahit ganon ang nangyayari. Hindi kami lumalabas, takot kami makipagkaibigan. Iniisip namin na aawayin lang kami. Hanggang isang araw, dumating ka. Palagi na sumisilip si Kuya sa bintana. Tumingin naman ako at nakita kita. Nakangiti ka samin at kumakaway, niyayaya mo kami lumabas at maglaro. Noong una ayaw pa ni Kuya pero kalaunan lumabas na rin sya. Sumama ako sakanya, mabait ka. Napakabait mo samin. Pinagtatanggol mo kami pag may nag aaway samin. Madalas na kayong magkasama lagi hanggang lumaki kayo. Ikaw ang nagpabago kay Kuya. Ang dating malamig ko na kuya ay unti unti nang nilalabas ang kanyang emosyon. I think naging kayo? Tama ba?"
"Ahh Oo"
"Oo naging kayo nga! Ang sweet nyo nga eh. Kaso madalas ka napapaaway at si kuya ang nagliligtas at nagtatanggol sayo. Hnd mo man lang naisip na mapapahamak si Kuya sa ginagawa mo. Isang araw muntik na mamatay si kuya at dahil doon nagalit si mama. Ayaw nya sayo! Sinabi nya sayo na wag ka ng magpapakita kay Kuya, sa amin! Lumipat kami ng bahay. Pero nagpumilit ka parin na makita si Kuya. Napaka selfish mo talaga" at mahina syang napatawa
"Bilib ako sayo talaga. Hanggang isang araw, that fucking nightmare na kinakatakutan ko ay nangyari. Pumunta ka ulit sa amin. Nagpumilit ka pumasok at hnd sinasadya ni mama na matulak ka. Nawalan ka agad ng malay at nakita iyon ni Kuya. Doon ko nakita ang unang paglabas ng kademonyohan ni kuya. Lumabas ang other side nya. Wala syang kilala kundi ikaw lang. Nagwala sya at muntik na akong matamaan ng hinagis nya. Dinala ka agad ni kuya at nagmamakaawa si mama sakanya. Humihingi sya ng tawad. May kinuha sya sa aparador at agad na tumakbo papunta kay kuya. Nasagasan si Mama" bigla naman tumulo ang luha nya
"Nasagasan si mama at hnd man lang lumingon si Kuya. Wala si papa ng panahon na yon at bata pa ako kaya hnd ko alam ang gagawin ko. Dahil sayo lahat ng bagay na iyon ay nangyari. That's why i hate you so much! Lahat ng bagay na iyon ay nangyari dahil sayo! Nagbago si Kuya! Namatay si Mama! Nabaliw si Papa at napunta kami dito dahil sayo, Dahil sayo!"
"I-i'm so sorry" naiiyak na sabi ko
"Walang magagawa yang sorry mo dahil nangyari na, at dapat mo na lng gawin ay wag mo na dagdagan ang kasalanan mo samin.." Sabi nya at tuluyan na umalis
Naglalakad lakad ako ngayon at hinahanap si Essie, nagkahiwahiwalay kasi kami nung may humabol samin na grupo ng lalaki.
Nasan na kaya sila? Aishh ang dilim pa naman at ang lamig pa.
Naglalakad lakad ako ng may sumalubong sakin na grupo ng lalaki. Hala! Ang dami nila! Hindi ko sila kaya!
Tumakbo ako pabalik at agad nila akong hinabol. Bigla naman may tumakip ng bibig ko at hinila ako sa gilid.
Sisigaw sana ako ng maamoy ako ang pamilyar na pabango.
Agad na tumulo ang luha ko at hinarap nya ako sakanya. Pinunasan nya naman yung mga luha ko
"I told you i will still be your knight" malungkot na sabi nya
Hnd ko na napigilan na lalong umiyak! I missed him! I missed him so much!!
"I-i'm s-so sorry.."
Agad naman nya akong mahigpit na niyakap. I can't help myself but to hug back.
"Don't say sorry.. Ako dapat ang magsorry. I'm so sorry baby.. Please come back now. Hindi ko kaya ang nangyayari satin. Feeling ko mamamatay ako pag wala ka. Please let's be together. Please baby.." Malungkot na pakiusap ni Azee
"Pero masama ako! Madami na akong nagawang kasalanan! At ayokong may mapahamak pa dahil sakin at ayokong mapahamak ka dahil sa akin. Ayokong mamatay ka dahil sakin!" Umiiyak kong sabi
"Mas mamamatay ako pag wala ka! You are my life! You are the reason why i'm still breathing! You are the reason why i'm still alive! Please baby trust me! Please ako na bahala sa lahat just trust me! Matatapos din ang lahat just stay by my side. You give me strength! Let's fight together! I love you! I love you so much Sooan, You still love me right?"
"O-of course i love you! But--" hnd ko na natuloy ang sasbhn ko dahil bigla nya akong hinalikan at kasabay ng pag agos ng luha ko

BINABASA MO ANG
Descend Into Hell
Mystery / Thriller[Revising] Four girls dared to enter the most dangerous and mysterious school in the whole world which is "South Academia". What do you think will happen to them?