抖阴社区

01

171K 3.6K 895
                                        

Michelle.

Omygash, ayan na! Hahalikan na ako ni Jimin mylabs! Waahh!

5 inches

4 inches

3 inches

Waah! Sheett!

2 inches

1 inch----

"Objection your honor!"

Langya! Why?! 

"Anak, gumising ka na." Rinig kong sabi ni Mama habang niyuyugyug ako.

"Mama naman, eh! Ten minutes more!" Sabi ko sa tinatamad at inaantok na tono tsaka tinakpan ang mukha ko ng unan.

Huhuhu, panira si Mama ng moment eh. Magki-kiss na sana kami ni Jimin mylabs! Huhuhu! Alam niyo 'yung feeling na ang ganda ganda na sana ng panaginip mo tapos bigla ka nalang gigisingin ng kung sino? Shet! Anshaket no'n besh!

"Bumangon ka na d'yan at mag-ayos." Hindi ko parin pinakinggan si Mama at nagpatuloy lang sa pagtulog. Gusto kong ipagpatuloy ang ginawa namin ni Jimin, hehe.

Ilang minuto ang lumipas ay wala na akong narinig na salita galing kay Mama. Haist! Mabuti naman at hindi na niya ako binulabog.

Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay bigla nalang akong napabalikwas ng bangon nang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. "Grr~" Nanginig ako at niyakap ang aking sarili dahil sa lamig.

"Michelle Alvarez! Gumising ka na! 7:35 na at 8:00 ang klase mo!" 

Napasimangot ako. "Mama naman, eh, ang aga aga sumisigaw ka." Pagrereklamo ko.

Tumaas ang isa niyang kilay at nilagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang beywang.
"Tatayo ka o tatayo? Bilisan mong kumilos dahil malelate ka na sa school." Masungit na saad niya. Mas lalo akong napanguso at napilitang tumayo.

"Ma? Asan po si Papa?" Biglaang tanong ko sa kanya. Matagal narin kasi simula noong huli kong makita si Papa.

Ano kayang pinagkakaabalahan niya? 

Teka nga...

Hindi kaya myembro ng sindikato si Papa kaya kami mayaman?! Or nagbebenta siya ng drugs at gumagawa ng mga illegal na gawain?! Omyghad! So kung ganoon jino-joke time lang ako nila Mama at Papa ng itanong ko sa kanila kung anong business nila?! Waaah! Huhuhu. Ang bad nila! Akala ko ba bottling business lang ang meron kami?

"H'wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. Hala, maligo ka na at magbihis." 


"Okay, kokey." Sabi ko.

Hindi makapaniwalang bumaling si Mama sa 'kin. "Ano? Ako kokey? 'Wag kang gan'yan anak, baka nakakalimutan mong like mother like daughter?" Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Excuse me, hindi kaya ako kokey!

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Mama at pumunta agad sa banyo para maligo. Siyempre! Alangan namang magbasketball ako sa loob, 'di ba? 

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa baba. Pagkarating ko sa dining area ay naabutan ko si Mama na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

Napailing ako. Para siyang si Papa kung umasta.

"Good morning, Mom." Bati ko sa kanya. Agad naman niyang binaba ang dyaryo at nginitian ako.

"I think sa school ka nalang kumain dahil malelate ka na, magbaon ka nalang ng sandwich. Hurry up! Time is running!" Sabi ni Mama kaya nagmamadali akong kumuha ng sandwich. Teka nga! May oras bang tumatakbo?! Holoooo! Malala na yata 'tong si Mommy! Alam kong baliw ako pero hindi naman ako kasing lala niya, no! 

Scarlet Academy (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon