抖阴社区

09

93.4K 2.5K 125
                                        

Michelle's POV


Nanatili parin akong nakatayo dito at hindi makagalaw. Pakshet! anong klaseng halimaw 'to?

"Rawr!"

Nakatingin ito sa akin na naninilsik ang mga mata.

"Anong kailangan mo?!" Sigaw ko.

"Rrraaawwrr!!" Lalo pang lumakas ang ungol niya.

"Sagutin mo-----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya nalang akong hinampas gamit ang kanyang buntot kaya tumilapon ako at tumama ang aking likod sa trunk ng puno.

Ouch! Ang sakit men! Humanda ka saki'ng pangit ka! Argh!

Third Person's POV

Gumawa agad si Michelle ng maraming fire ball at tinapon lahat ng 'yon sa dragon kaya nakatamo ito ng sugat.

"Rawr!" Sigaw ng halimaw at nagbuga ng apoy.

Agad namang gumawa ng isang water barrier si Michelle para protektahan ang kanyang sarili. Hindi agad nag-aksaya ng oras ang dragon at nagpalabas ng isang itim na mahika at pinatama kay Michelle kaya gumawa ito ng maliit na pagsabog na siyang ikinadahilan ng pagkasira ng ginawang water barrier ni Michelle.

"Ice blades!" Sigaw ni Michelle. Tumama naman ang kanyang atake sa ibang parte ng katawan ng dragon kaya napaluhod ito sa sakit.

Hindi pa nag-aksaya ng oras si Michelle at pinaikot-ikot ang kanyang kanang kamay at nakagawa ng isang malaking ipo ipo. Sinangga naman ito ng dragon gamit ang kanyang dark magic.

Naglabas ulit si Michelle ng isang malaking fire ball at pinatama sa dragon kaya lumikha ito ng isang napakalakas na pagsabog. Ginawa pa ulit ito ni Michelle ng pa-ulit ulit kaya napuruhan ang dragon ngunit agad din itong nakabawi. Nagpalabas ang dragon ng isang napakalakas na itim niyang kapangyarihan at pinatama 'yon kay Michelle kasabay ng pag-atake niya.

"Aiysh! I have no choice but to call her, pagod na ako." sabi ng dalaga sa kanyang isipan at pumikit.

"Mystic, I need you." bulong ng dalaga.

Akmang sasaksakin na sana siya ng itim na dragon ngunit tumalsik ito papalayo kasabay ng paglitaw ng isang puting dragon. Nagulat ang Itim na dragon sa nakita sapagkat ang prinsesa lang ng Irish ang maaaring pagsilbihan ng isang puting dragon.

"Attack that f*cking dragon!" Galit na sigaw ni Michelle.

Nagpalabas naman ng puting mahika ang puting dragon at pinatama 'yon sa Itim na dragon. Gumawa naman agad ang itim na dragon ng isang Dark Barrier para protektahan ang kanyang sarili. Subalit, nasira parin ito dahil sa lakas ng atake ni Mystic kaya tumalsik na naman ito papalayo sa kanila.

Malaki ang tama ng itim na dragon sa ulo kaya nanghihina na ito. Bigla nalang napangisi si Michelle sa kanyang natuklasan.

"I finally found your weakness, loser." saad ng dalaga sa kanyang isipan.

"I can handle this mess now. Thanks for the help, Mystic." sabi ng dalaga sa puting dragon sabay ngiti.

Naglaho naman ang puting dragon kaya nagsummon si Michelle ng dalawang sword na gawa sa yelo at sumugod sa itim na dragon.

Hindi na namalayan ng itim dragon ang pagsugod ni Michelle dahil sa lakas ng impact na nagawa sa kanya nung puting dragon.

Agad namang sinaksak ni Michelle ang dalawang espada sa dalawang ulo ng dragon kaya unti-unti itong naging abo at naglaho.

'Tsk. Sabi ko na nga ba. Nasa kanyang dibdib ang utak at nasa kanyang ulo naman ang kanyang puso.' sabi ng dalaga.

"Michelle! Ms. Alvarez!"

Michelle's POV

"Michelle! Ms. Alvarez!"

What the?

Napatingin ako sa likuran ko ng wala sa oras. Nakita kong nakatayo ilang metro mula sa akin sila Head Master, buong faculty teachers, si Nathan at ang mga kaibigan niya at sila Keisha. Like seriously? Nakita ba nila akong nakikipaglaban dito? Nakita ba nila si Mystic? Kanina pa ba silang nakatayo diyan?

"What is this mess all about?" Tanong ni H.M.

"May sumalakay dito na Itim na dragon at----"

"What?!" Gulat na sigaw nilang lahat habang nanlaki ang kanilang mga mata.

"Wag nga kayong sumigaw at pwede bang patapusin niyo muna ako?" sabi ko. Tumango naman sila kaya nagsimula na akong magkwento. Hindi ko isinali sa kwento ko si Mystic dahil bukod sa akin, walang ibang dapat makaalam na napaamo ko na ang isa sa pinakamalakas na dragon dito sa magic world. 'Yan ang napagkasunduan namin.

"Talaga? Natalo mo ang dragon nang mag-isa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vince, I just nodded as an answer.

"Kung hindi lang siguro kami nakarinig ng isang malaking pagsabog, malamang hindi namin malalamang sinugod na pala tayo ng kalaban dito." sabi ni Sir Cristoff.

Nakaramdam ako ng biglaang pagkirot sa aking kaliwang bewang at napagtantong marami rami narin pala akong sugat. Tsk! Hindi ko man lang namalayan.

"Faculties," sabay turo ni H.M kina sir Cristoff. Hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi ni H.M nang bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa aking kaliwang bewang. Matutumba na sana ako nang may sumalo sa akin.

"N-nathan," mahinang bulong ko. Ito ang pangalawang beses na sinalo niya ako.

"Don't worry. From now on, I'm going to protect you from everything." napangiti nalang ako sa sinabi niya.

And everything went black.

Xander's POV

Dinala agad namin sa hospital si Michelle matapos niyang mawalan ng malay kanina. Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawa ni Nathan kanina kay Michelle, binuhat niya siya mula gubat hanggang dito sa hospital at pinagbantaan pa niya ang nurse kanina na kung hindi niya uunahin si Michelle ay tutustahin niya daw ito. Haha! Inlababo na ang gago.

Ngayon, kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa sa loob ng kwarto ni Michelle kasama 'yung mga kaibigan niya. Si Nathan? Ayun, nasa tabi ni Michelle habang hawak hawak pa ang kamay niya. Ayie! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao.

"Hoy! Anong ngini-ngiti ngiti mo d'yan?" Tanong ng mukhang unggoy na si Lance. Hihihi.

"Masamang espirito, lumabas ka sa katawan ng pandak na 'to, ngayon na!" Sabi ni Vince habang nakahawak ang mga kamay sa ulo ko at nag haharlem shake pa. Gago! Takot lang ng multo sa akin noh!

"Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita natin kanina." seryosong saad ni Frost kaya tumigil si Vince sa kanyang ginagawa at bumalik sa kanyang upuan.

"Oo nga, pano niya natalo 'yung twin head dragon nang mag-isa lang? Hindi ba't napaka-imposible naman no'n?" Ani ni Lance habang nakakunot ang kan'yang noo.

"Hindi kaya.... siya yung matagal na nating hinahanap na prinsesa?" Vince stated.

"May tattoo ba siyang pulang rosas sa kaliwang bahagi ng likod niya, ha?" Sabi ko.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin titingnan." Sabi naman ni Frost.

Sana ikaw na nga Michelle. Sana ikaw na yung matagal na naming hinahanap.

***

itsmaidenblack

Scarlet Academy (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon