抖阴社区

VI.

98 2 0
                                    

Aerial's POV

Sa sobrang init ng araw ay pakiramdam ko naubos ang lahat ng tubig sa katawan ko. Ikaw ba naman ang magbisikleta papuntang mansyon ng tirik pa ang araw. At take note alas kwatro y media na, hustisya naman.

Kaya naman ang laki ng ngiti ko ng makita ko si Gail dito sa kusina nawala bigla ang inis ko ng makita ko ang kyut nyang muka.

Oo kyut talaga kasi bata pa sya.

Balak ko sana syang sadyain sa kwarto nya para kamustahin pero hindi ko alam kung paano. At dahil nagkita na kami dito mukang hindi na yon kailangan.

Ng makalapit ako sa pwesto nya ay nakatungo lamang ito. Nagtatampo kaya sya sa pag alis ko kahapon?

Nakangiting magsasalita na sana ako ng biglang nag angat sya ng muka. Walang lumabas sa bibig ko literal na na-istatwa ako.

Ilang beses naba nangyari sakin to? May makakapag sabi ba sakin kung ilang beses naba ako humanga sa taglay na ganda ni Gail lalo na sa malapitan. Kaya hinila ko lahat ng lakas ko na naubos kanina sa pag babike para makapag salita.

"Hi Gail." Medyo awkward na bati ko sa kanya.

Nanatiling nakatingin lang sya sakin at saka ngumiti. Nang may iba akong naramdaman sa ngiti nya parang, ewan ang hirap ipaliwanag.

.
.
.

"Hello, ahm mukang pagod ka ate." Maya mayang sabi nya.

At saka ko lang narealize, pawisan pala ako nakakahiya ang itsura ko muka akong nakipag karera sa kabayo.

"What happened to you?" Sunod nyang tanong.

"Ah wala naman nagbisikleta kasi ako papunta dito medyo mainit kaya ayan muka na akong kargador sa palengke." Walang ka kwenta kwenta kong pagdadahilan.

Narinig ko syang bahagyang tumawa at saka nag abot sa akin ng tissue na nakalagay sa kitchen counter.

"Kamusta ang araw mo?" Tanong ko kay Gail habang pasimpleng nagpupunas ng pawis.

"Ayos lang same day as usual, e ikaw?" Sagot nya pero parang may sasabihin pa sya na di nya lang itinuloy.

"Okay din naman, teka nasa bahay ka lang buong araw?" Usisa ko.

"Ahm oo? Lagi namang ganon ang routine ko everyday." Alinlangan nyang sagot.

Parang biglang nalungkot naman ako sa sagot nya. Ano ba yan! Palagi nalang ba akong malulungkot kapag magkukwento o kaya may sasabihin sya.

Kaya naman may naisip akong ideya at saka bigla ko nalang hinila si Gail sa kamay na ikinagulat nya at saka mabilis naglakad patungo sa malaking pinto.

"Teka lang ate san ba tayo pupunta?" Medyo naguguluhang tanong nya sakin.

"Malalaman mo din." Sagot ko sabay kindat ko sa kanya.

Namula ng bahagya ang muka nya saka nag iwas ng tingin. Huli na ng narealize ko ang ginawa ko. Ano ba yan Aerial pati ba naman bata.

Tumigil na ko sa pag hila kay Gail ng makalabas kami ng pintuan ng mansyon nila at saka lumingon lingon.

"Ah ate ano bang gagawin natin tsaka sino ang hinahanap mo?" Nagtataka pading tanong nya sa akin.

After All (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon