抖阴社区

VII.

98 3 0
                                    

Gail's POV

Nanatili lang na nakatayo si ate Aerial sa pwesto nya na syang ipinagtataka ko.

Lumapit ako sa kanya at nag aalalang tinanong sya. "Okay ka lang ba ate?"

Para naman syang natauhan ng magsalita ako.

"Oo naman okay lang ako." Sagot nya na hindi kumimbinsi sa akin.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Uwi nalang kaya tayo?" Suggest ko.

"No! I mean hindi pwede sinabi ko naman sayo diba na mag eenjoy tayo ngayong araw." Buong loob na pasya nya.

Minsan masyado akong nadadala sa mga salita nya na parang nagdudulot ng kakaibang saya sa puso ko pati nadin ang pagpaparamdam nya ng concern sakin.

Kaya nga kanina sobrang tuwa ang naramdaman ko ng makita ko sya. Gustong gusto ko syang yakapin, itanong kung bakit ngayon lang sya umuwi at sabihing buong araw ko syang iniintay, buti nalang ay napigilan ko ang aking sarili.

Nabigla man kanina sa biglaan nyang pag hila sa akin, napaltan naman iyon ng mas masayang pakiramdam.

Lalo na ng umangkas ako sa bisikleta nya habang nakayakap sa kanya at dinama ang pakiramdam ng makasakay sa unang pagkakataon sa ganoong klaseng sasakyan.

"Sige pero kapag hindi maganda ang pakiramdam mo ay okay lang naman sakin kung umuwi na tayo." Sabi ko na syang tinanguan nya.

Sumakay na sya sa bisikleta at inilagay sa maliit na basket na nasa unahan ang mga pinamili namin.

"Angkas kana ulit Gail, pupunta tayong bayan doon sa may park." Magiliw nyang sabi.

Dahan dahan akong sumakay at yumakap sa likod nya at saka nagtanong. "Saan iyong bayan?"

"Medyo malapit lang iyon dito, may park kasi don at maraming namamasyal kaya hindi ka mabobored madaming mga bata at may mga kalapati din na natambay don dahil madalas may nagpapakain sa kanila na ibang namamasyal." Masayang kwento nya habang nag pi-pidal.

Napa isip ako kelan ba ang huling punta ko sa mga pampublikong lugar?
Wala akong matandaan, kapag may dinner kasi kami o kaya special occasion ay sa isang mamahaling restaurants kami nagpupunta, walang masyadong tao at tahimik lang hindi din naman ako pwedeng lumabas ng bahay mag isa.

Pero itong sinasabi ni ate Aerial na park ay parang nagbigay sakin ng excitement kahit na hindi ako masyadong sanay sa mga tao. Hindi na ako makapag hintay makarating don.

Maya maya ay tumigil kami sa isang malawak na lugar. May nakita pa akong naghahabulang mga bata. Pati iyong mga nag jojogging.
Meron din na may mga kasama pang aso at tila yon ang oras nila para magbonding.

"Dito na tayo Gail." Natigil ako sa pagmamasid ng magsalita si ate Aerial.

Bumaba na kami ng bike at naglakad sa park. Malinis dito at walang kalat, may ilang upuan at lamesa pero ang iba ay mas pinili na umupo sa maberdeng damo. May mga palaruan din dito para sa mga bata.

"Mas malambot at komportable kung dito tayo sa damuhan uupo." Sabi ni ate Aerial na sya namang umupo sa damo.

Tumango ako sa kanya at ginaya ang ginawa nyang pag upo. Tama nga sya mas komportable dito.

Isa isa nyang inilapag ang binili namin at saka ako inabutan ng ice cream pati kutsara.

Tinanggap ko naman ang mga ito pero ng subukan kong buksan ay hindi ko ito mabuksan. Napatingin tuloy si ate Aerial.

After All (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon