抖阴社区

                                    

Nginitian ko na lang sya at muling hinila ng makita ko na ang hinahanap ko.

Narating namin ang bisikleta ko na kakapark ko lang sa gilid ng mamahaling kotse na ginagamit ni papa sa pagmamaneho.

Binitawan ko ang kamay ni Gail at saka sumakay sa bike ko. Nagtatanong ang mga mata ni Gail na nakatingin sa akin.

"Sakay kana Gail!" Excited kong sabi kay Gail.

"Saan?" Walang ideya nyang tanong.

Natawa ako sa tanong nya dahil ang kyut nya idagdag mo pa ang pagiging inosente nya.

"Upo ka dito ng patagilid." Tukoy ko sa upuan ng bike sa likod ko.

"Ah sige." Hindi siguradong sagot nya at saka dahan dahang umangkas na syang inalalayan ko naman.

"Gail yakap ka sakin para di ka malaglag."

"Ha? Hindi okay nako dito hindi nalang ako maglilikot." Medyo mahina lang ang boses nya ng sabihin nya yon.

Tinanggal ko na ang stand na nag aalalay sa amin. Mukang nagulat sya kaya bigla nalang syang napayakap sakin ng mahigpit. Narinig ko pa ang impit nyang tili.

"Sabi ko naman sayo e yumakap ka dahil baka malaglag ka." Naiiling na nangingiti kong sabi at saka inayos ang mga paa ko para balansihin ang bigat namin.

"Nagulat kasi ako." Nahihiya nyang sabi habang nakasubsob ang muka sa likod ko at bahagya lang na nakakapit sa dulo ng aking damit. Bigla naman akong nahiya ng maalala ko na pawisan nga pala ako kanina. Hay.

Ako nalang din ang umayos ng kamay nya at iniyakap ito sa bewang ko.

"Okay na ah kapit kang mabuti." Hindi na sya sumagot pero naramdaman ko ang pag galaw ng muka nya sa likod ko indikasyong tumango sya.

Nagsimula na akong mag pedal, ng marating namin ang malaking gate ng mansyon na bahagyang nakabukas ay nakita ko si papa kausap si mang Indyo na syang isa sa mga guard dito na syang nakatoka sa gate.

"Pa lalabas lang kami ni Gail!" Sigaw ko kay papa na kunot noong lumingon samin, maya maya ay tumango sya nang mapag tanto kung sino kami.

Talaga tong tatay ko hindi ako nakilala hindi manlang ako nabosesan pati nadin ang bisikleta ko ay hindi nakilala, pambihira talaga.

"Mag ingat! At bumalik agad kayo ikaw na ang bahala kay Gail." Paalala ni papa ng makalampas kami sa kanila dire - diretso palabas ng gate.

Medyo mabilis ang takbo namin kasi pababa ang kalsada. Ramdam na ramdam ko ang hampas ng hangin na sumasalubong sa amin. Hindi na ganon kataas ang araw, saglit akong napatingin sa suot kong relo. Mag aalas singko na pala kaya medyo malamig na.

Napansin ko ang paghigpit ng pagkaka yakap ni Gail sa bewang ko. Nang linungin ko sya ay para syang batang ang lawak ng ngiti habang pinagmamasdan ang mga dinadaanan namin.

Automatic na napangiti din ako. Masaya sya at masaya din ako na makita syang masaya.

Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang main gate ng subdivision.

"Ate san tayo pupunta." Nagtatakang tanong nya ng mapansin na palabas kami.

"Mag gagala tayo may araw pa kaya dapat enjoyin natin." Sagot ko.

Ng makalabas kami ay tumigil ako sa kalapit na grocery store. Inilalayan ko si Gail na makababa at saka ko inayos ang bike ko.

"Bakit tayo tumigil?"

"Bibili tayo ng pagkain." Hila ko sa kamay nya saka kami pumasok sa loob ng store.

Kumuha ako agad ng basket ng makapasok kami sa loob at naghanap hanap ng pwedeng kainin namin. "Anong gusto mo Gail?" Lingon ko sa kanya.

"Ano ate wala kasing akong dalang pera." Bulong nya.

Natawa ako sa kanya na ipinagtataka nya.

"Ako syempre ang bahala dahil ako ang nagyakag sayo." Ngiti ko.

"Pero ayoko nakakahiya." Nakapout na reklamo nya.

Ibang klase talaga, anak mayaman sya pero hindi sya spoiled brat. Anak mayaman sya pero hindi kagaya ng iba na sunod sa layaw. Anak mayaman pero napaka down to earth mas magastos pa ata ako sa kanya.

"Dali na treat ko to." Pilit ko pa sa kanya at saka nagpa awa.

"Sige ah sabi mo yan." Nangingiti nyang sabi at ako naman ang hinila nya.

Inikot namin ang lahat ng stalls at kumuha ng kung ano ano. Paminsan minsan inaasar ko sya tuwing nakikita kong seryoso syang namimili ng bibilhin.

Ng makutento na kami sa mga nabili namin ay nagbayad na ko sa counter. Habang pina punch ng kahera ang mga pinamili ko ay hinanap ng mga mata ko kung san ako hinihintay ni Gail.

Nakita kong nakatayo sya sa tabi ng bisikleta ko.

"Ma'am 348 po lahat." Nabalik ang atensyon ko sa kahera ng sabihin nya ang presyo ng napamili ko. Kumuha agad ako ng pera sa wallet at saka nagbayad. Ng matapos ay saka na ko nagtungo sa pintuan.

Napatigil ako sa paglalakad papunta sa direksyon ni Gail ng napansin kong nakatanaw sya sa malayo at hinahawi ng mabining hangin ang kanyang mahabang buhok.

Ano kayang iniisip nya?
Ramdam ko sa mga mata nya ang lungkot.
Hindi bale hindi naman ako papayag na matapos ang araw na to ng di ko nakikita na masaya sya.

Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla syang lumingon sa akin at ngumiti.

Ito nanaman yung pakiramdam na hirap akong isipin kung ano, animoy tumigil ang lahat ng nasa paligid ko at sya lang ang nakikita ko. Tanging nakakarinding tibok ng puso ko lang ang naririnig ko ngayon.

Anong ginagawa mo sakin Gail?

After All (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon