抖阴社区

Entry no. 8

15 2 2
                                        

Nasa school na ako at nag didiscuss na yung prof namin at binanggit niya ulit yung about sa party kaya nag hiyawan yung mga kaklase ko kasi excited na raw sila kasi makakasayaw na daw nila yung mga jowa nila kaya naman napatingin nalang ako sa bintana

at wala akong nakitang nakahiga sa may bench , at bigla akong kinalabit ni Lia

"Scully , gusto mo mag shopping tayo para sa isusuot natin?"napatingin lang ako sa kanya at medyo natagalan ako sa pag sagot sa kanya

"Ah eh b-baka hindi kasi ako makapunta"

"Ha? bakit naman?ano ka ba , mamaya bili tayo okay?" at ngumiti siya sabay tingin ulit sa harapan napabuntong hininga ako

Nang mag dismissed na yung klase pinuntahan na ako ni Lia sa may cr

"Oh ready ka na?"

"Ah e p-pwede ba nating isama si Cenon?"

"Ha? Okay" at ngumiti siya

"tawagan mo na siya Scully" kinuha ko na yung phone ko at tinawagan na si Cenon at maya maya dumating na rin siya

"Tara na?" masayang pag yaya ni Lia at nanguna na siya sa paglalakad at nagkatinginan lang kami ni Cenon

maya maya nasa Mall na kami at nagtitingin na ng mga dress para sa party . Pili dito pili dito , sukat nito , sukat non

pero ang napapansin ko bakit sakin niya pinapasukat lahat ng pinipili niya

"Ah eh , h-hindi naman tayo magkasize Lia ha?"

"Ano ka ba , Bibilhan kasi kita kaya nag titingin ako kung anong bagay sayo"nanlaki naman yung mata ko

"Ha? b-bakit? m-may pera ako nakakahiya Lia "

"Sus , hahahaha oh ito sukatin mo na to dali" at pinapasok niya ako sa fitting room at nang lumabas na ako bigla napatayo si Cenon kaya sinenyasan ko siya na Uy para kang lalaking napatayo hinay hinay ka lang look kaya naman umupo siya na pang babae at pumalakpak

"Ay kabog beshi , bet ko yan hahahaha"napatikom agad si Cenon at tumawa si Lia

"Hahahaha Sabi ko sayo eh , ayan yung bagay para sayo" at maya maya binili na nga ni Lia

kaya nung nasa sakin na

"Ah e p-para saan ba to Lia?" tanong ko sa kanya

"Wala lang sobrang saya ko kasi naging kaibigan kita " at ngumiti siya sakin , pero ako hindi ko alam bakit hindi ako makangiti sa kanya

pa uwi na kami nang biglang umistop si Lia

"O siya , may pupuntahan pa ako , ingat nalang kayo ha?" at nakita kong nilagay niya yung phone niya sa tenga niya at nagmamadaling umalis kaya naman napatingin ako kay Cenon nang bigla niyang hinawakan yung likod ko

"SIguro si Liyon yung kausap niya" napalunok ako at napatingin ako sa binili sakin ni Lia

"Siguro Cenon kailangan ko nang igive up si Liyon no? ayoko kasing masira yung pagkakaibigan namin ni Lia"at hinimas himas niya yung kamay niya sa likod ko

"Hay nako , susuko ka na agad ? eh hindi ka pa nga lumalaban?"

"Kahit naman lumaban ako , alam ko namang talo na agad ako"

"Beshi tuktukan kaya kita? ako nga tong ilang taon nang lumalaban hanggang ngayon hindi parin sumusuko"

--

Naglalakad na ako papunta sa bahay ko at pumasok na , wala ako sa katinuan ngayon at malapit na yung party hindi ko alam kung makakapunta ba ako o hindi sayang naman yung pera ni Lia kung hindi ako pupunta

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon