抖阴社区

Entry no . 10

14 2 0
                                        

Naka upo kami ni Liyon sa isang bench dito sa rooftop , gabi na at nag paparty na sa baba , nakapalupot yung kamay niya sa balikat ko at nakahiga ako sa dibdib niya

"Goldilocks , Ayusin ko bahay mo" umalis ako sa dibdib niya at humarap sa kanya

"Huh? problema mo sa bahay ko?"

"EH kung sino sino nalang nakakapasok dun eh"

"Tsss sinimulan mo kasi bwiset ka talaga kahit kailan "

"Ayusin ko bintana mo tapos lalagay ako ng password para ako lang makakapasok hihihi" at humalakhak siya kaya naman binatukan ko siya

"Aray" napayuko siya 

"Hala sorry!" hinawakan ko yung ulo niya at hinawakan niya yung kamay ko sabay tingin sakin ng naka ngiti

"SIguro nga crush lang naramdaman ko kay Lia non hahahaha " at yinakap niya ako

"Ngayon , ipaparamdam ko sayo kung gano kita kamahal , para hindi mo ako iiwan , ipaparamdam ko sayo na magpapakatotoo ako para mag tiwala ka sakin " at hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sakin kaya napangiti ako

--

bumaba na kami at nakita namin si Cenon

"Oy Cenon!" tawag ko at napatingin ako kay Liyon naka poker face kaya naman tinabig ko siya

"Uy ano ka ba hahaha " at tumingin siya sakin at humarap ulit kay Cenon na kakalapit lang samin

"Naks Beshi!" at napangiti ako

"Liyon si Cenon , Cenon si Liyon " at pinag shakehands ko sila , pero hindi tinataas ni Liyong yung kamay niya kaya kinuha ko nalang at pinag shakehands na kay Cenon

"Teka anong ginagawa mo sa tapat ng cr ?" tanong ko

"Hinihintay Lovey ko hahahahaha , Oh yan na pala siya " napatingin kami sa kakalabas lang sa cr

"Omg Scully!" nagmadaling pumunta sakin si Lia at yinakap ako sabay bitaw ulit at hinawakan yung magkabila kong balikat

"Ang pretty mo talaga " at napatingin siya kay Liyon

"Success ba?" tanong ni Lia at napatingin ako kay Liyon naka ngiting aso at nag apir sila

"Ayan ha , pinagplanuhan niyo to lahat no?" tanong ko

"Hindi ah! tadhana lang talaga " at inakbayan na ni Cenon si Lia

"Okay Beshi , shopping lang kami" 

"Hoy tigil tigilan mo na nga yag pagbabakla mo Cenon !" sabi ko

"Hahahaha Joke lang " at pinababa niya ulit yung boses niya ( in chanyeol's voice again)

"Hahaha osiya bye , ingat kayo ni Liyon"

"Ingat ka din kay Cenon nangangain yan"

"Hala beshi ng alin?!" nag tawanan kami at umalis na silang dalawa kaya napatingin ako kay Liyon

"Hoy , tanong ko lang , kailan mo pa naging kakunchaba si Lia ha?" napatingin siya sakin

at ngumiti siya sakin

"Secret hahahaha baka kiligin ka pa eh , Lika na "

--

Nasa bahay na ako at umuwi na silang lahat , naglinis na ako ng katawan at nagbihis na sabay punta sa may laptop ko

Title : Fix my Heart and mind

bumalik ako sa title ng ginagawa ko at pinalitan ito

Title : Unexpected

Maraming pangyayaring ang hindi ko inaasahan na mangyayari sa buhay ko , Ang akala kong magiging isa lang akong Extra sa storyang ito  , Akala ko na magiging boring ang buhay ko , Ako pa pala ang makakatuluyan ng bidang karakter at makakaramdam parin pala ako ng kasiyahan

Ito ay isang istoryang umiikot sa Bidang karakter na dati ay nabigo , nasaktan at ngayon ay nagbago para sa kanyang minamahal na akala niya ay ayun na pero makakatagpo pa pala siya ng mas mamahalin niya . Once na gusto mo na talaga magbago , gagawin mo lahat , handa kang mag sacrifice para matapos na agad . At Sa ikalawang Bidang Lalaki , Natutunan natin kung paano tayo magkaroon ng lakas ng loob , Hindi masamang umamin dahil kapag umamin ka, hindi mo alam na parehas din pala kayo ng nararamdaman . 

At ang pagkakaroon talaga ng kaibigan sa buhay ay isa sa pinakamasayang regalong matatanggap natin , dahil sa kanila tayo makakaramdam ng kasiyahan , kaligayahan , at ang akala natin na wala na tayong masasandalan , SIla pa pala ang mag sisilbing balikat mo sa kanila tayo makakahingi ng advice at magpapasabihan natin ng problema.

--

Nagpalakpakan yung mga prof ko nang pinasa ko na yung storyang ginagawa ko gumawa na ako ng hardcopy at pinabasa na sa mga estudyante sa school

at napangiti ako kasi halos lahat sila natutuwa sa ginawa kong istorya , Marami rin ang naiyak dahil sa mga nangyari kay Liyon , marami rin ang kinilig , at siyempre marami na rin ang nakakakilala sa aming apat .

paalis na ako ng school at nang malapit na ako sa bahay nanlaki yung mata ko

"Liyon?" nakita ko siyang hinaharangan niya ng kahoy yung mga bintana ko at tumakbo ako papunta sa kanya

"Anong ginagawa mong Oso ka"

"Gusto ko ako lang ang Osong makakapasok dito sa bahay mo Goldilocks "

"Tss alam mo bang baliktad ? Si Goldilocks ang nakapasok sa bahay ng Oso no" at bigla siyang napangiti

"Edi Gayahin natin , Titira na ako dito sa bahay mo " at ngumiti lalo siya ng pagkalakilaki , napabuga nalang ako ng hininga at pumasok na sa bahay nang marinig ko yung boses nila Cenon at Lia kaya pumasok ako sa kwarto ko para makita sila

"Oy!" sigaw ko 

At biglang binuksan ni Cenon yung bintana at nakapasok parin sa Bintana ko 

"O-Oy!" sigaw ni Liyon at inalalay ni Cenon si Lia na makapasok sa bintana at pumasok din sa kwarto ko

"N-nagpakapagod pa ako? pa swing in pala yang bintana mo?"napangiti ako at pumunta ako sa bintana ko at hinalikan ko yung noo niya

"Pasok ka na , you did your best naman hahahaha " 

at nag tawanan kaming tatlo , si Liyon naman naka busangot na pumasok sa kwarto ko 

Unexpected talaga lahat ng nangyari samin.

"May mga bagay na hindi mo inaasahang darating sayo." 


END.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon