Pagkatapos ng show ay nag-marathon uli silang lahat. Akala ko pagod na sila sa kaka-ayos ng venue pero madaling araw na at hindi pa rin sila nagpapahinga.
Tumayo muna ako at pumunta sa kusina. Nagpa-deliver uli kasi sila ng 10 fries sa Jollibee at McDo—5 each. Tawang-tawa nga sila nang magkasabay na dumating ang order. Both delivery boys were smiling awkwardly at each other.
Kumuha ako ng isa at nilamon 'yun. I checked my social media accounts. Pagkatapos ng guesting ni Zeal dun kay Craig, humupa na ang mga namba-bash sa akin at pawala na rin ng pawala ang videos. Pina-delete siguro.
"So? Pupunta ka na ba bukas?" Nilingon ko si Kevin na kumukuha ng fries ko.
"From the looks of it, oo. Pero depende pa din." I answered at inagaw ang fries sa kaniya.
"Bakit depende? Wala kang gagawin bukas diba? And Zeal is going to be there, so you better be there." He laughed.
I cracked a smile. "We need to thank him big time for saving us."
"Well, kasalanan niya rin naman. Pero oo. We need to thank him big time." He smiled.
--
Since it is already pass curfew, hindi na sila makakabalik sa mga rooms nila kaya no choice sila kundi magsiksikan sa living room. Paunahan pa nga sila sa sofa kaya sa huli, tatlong tao ang nagsiksikan dun.
"Napaka-gentleman niyo po." Hip said sarcastically.
Sila Mark kasi ang mga naka-upo at nauna.
"Hayaan niyo na, dun naman kayo sa kwarto nila Vic eh," sabi noong isa.
Pinabayaan nalang namin sila dun at natulog na rin. Tanghali na kami nagising kinabukasan at mabilis pa sa alas-kwatro kami kumilos.
Kailangan pa kasi nilang bumalik sa rooms nila bago pumunta sa venue ng exhibit. Kami naman, kailangan na naming umuna para gawin ang final touches.
I decided to go, for the news have subsided already. At tsaka, masyado nang nakakahiya kapag hindi ako pumunta. Ang arte ko kapag ganun.
Pag-kalabas namin, medyo natitiis ko na ang mga tingin nung iba. Wala namang nag-lakas loob na kausapin ako.
"Let them judge you. Pero 'wag mong papatulan ha." Payo sa akin ni Vic. I just nodded.
Pagkadating namin sa garden ng E building, nakita ko kaagad ang pinaghirapan nila. It was truly breath taking.
"Oh teh, ang bibig nakanganga." Vic laughed kaya agad kong sinara ang bibig ko.
"Pano niyo 'to ginawa? Ang galing." I clapped my hands since I was really amazed.
May arko sa entrance na sobrang laki. Nakadugtong naman sa tuktok ang mga tali na ginamit para pagsabitan ng bubuong na gawa lang sa mga tarpaulin. Sa gilid naman ay may iba't ibang sculptured shelves na pinaglalagyan ng mga camera.
"Saan galing ang mga 'yan?" I pointed at the shelves.
"May ibang octoberian na taga-Fine arts ang ginamit ang opportunity na 'to para makahabol sa requirements nila. Kaya may mga prof na pupunta dito mamaya."
Tiningnan ko pa ang buong garden. May iba't ibang laro na ang nakahanda at ang mismong exhibit ay pinapalibutan ng Christmas lights. Meron ding screen kung saan sinasabi ang synopsis ng exhibit.
I saw Gray standing near it kaya pinuntahan ko siya. He was editing something kaya hindi niya agad ako napansin.
"Hey!" I greeted.
"Oh fuck!" he cursed. Lumingon siya sa akin at umirap. "Don't surprise others who are seriously doing their work."
Taray.

BINABASA MO ANG
Falling into Space #Wattys2017
Teen FictionLight Gomez hides behind the shadows. She doesn't like any attention at all. But with her name, it is hard to avoid the light. 1 2 3! Everything changes like that.