抖阴社区

Chapter 17: Déjà vu

106 12 0
                                        

Sobrang saya ko nang maka-balik sa faculty. I've been given a slot to participate in KUNST Festival and I'm just a 1st year college student. Kahit hindi man ako matuloy sa mismong Festival, napaka-big deal na sa akin 'to.

But, of course, mas gusto ko na makapag-pasa ako ng ibang shots dun at short film na din.

Napansin agad ni ate Irish ang mga ngiti ko.

"Aba, mukhang good news ang sinabi sa'yo ni Sir ah." She commented.

Tumango-tango naman ako. "Ate, may kakilala ka bang magaling mag-edit ng kahit ano?"

Tumingin naman siya sa taas at hinawakan pa ang baba. "Sa committee niyo madami. Pati rin sa Art department. Pero, sa committee niyo talaga yung all-in-one na. Lalo na si Kevin at Hip."

Napangiwi naman ako dun. Kevin. I don't know why but hearing his name makes me remember the past. Kahit nakalimutan ko na 'yun kahit papano dahil sa KUNST.

"May something ba kay Kevin o kay Hip? Sumibangot ka bigla eh."

I waved my hand. "Wala lang 'to. Nag-iisip lang talaga ako ng mga members."

"Tatanungin ko na rin yung mga kakilala ko kung gusto nila sumali o kung may kakilala sila. Members nga pala saan?" she asked.

Automatic na umangat ang gilid ng labi ko. "Binigyan ako ng slot sa KUNST, ate!" I exclaimed.

Tuwang-tuwa naman siya kahit hindi pa sure kung matutuloy ba ako. But, she'll really be the greatest help kung mahahanapan niya ako ng mga members.

Bumalik ako agad sa dorm pagkatapos ng shift ko. As usual, wala na naman si Vic.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko namang ang daming missed calls ng mga magulang ko. Naka-silent pala kaya hindi ko narinig yung tawag.

I dialed their number as soon as I changed my clothes. Papa answered my call instantly.

"Anak! Congrats!" bati niya agad.

I smiled. "Hindi pa naman po sure kung makakasali ako. Sila mama po?"

"Nagpapaganda sila mama mo. At bakit naman hindi ka sure kung makakasali ka? You can do it," he answered. "This is the first time you've contacted us. Ayos ka lang ba diyan?"

I nodded. "Ayos lang po ako dito. Alam niyo naman pong hindi ako mahilig makipag-usap sa inyo thru phone kaya hindi ko po kayo tinatawagan o tinetext."

"Nga naman. I'm glad that you're fine there."

The talk was short but meaningful. In-explain ko lang naman kay Papa kung bakit hindi pa ako sure kung makakasali ako sa KUNST then we ended the call.

The day after my suicidal attempt, medyo lumayo ako sa buong pamilya ko. Our usual bond was changed due to the incident. Hanggang sa umayos na uli yung pagi-isip ko.

Vic got home afterwards. Parang pagod na pagod na ewan eh wala naman siyang klase ngayon.

"Tara sa canteen," yaya niya sa akin.

"Kadadating mo lang, canteen na agad?" I asked.

Umupo naman siya at lumipat sa tabi ko. "Ang layo kasi ng pinuntahan ko, tas hindi man lang ako pinakain."

"Saan ka ba galing? At sino ang pinuntahan mo?" I nudged. "Si Mr. Right, ba?" I smirked.

Tumawa naman siya at tinulak ako. "Mr. Right mo mukha mo."

"Eh sino nga? Pwede ka naman mag-pahinga nalang ngayong araw eh, bakit umalis ka pa? 'Yan tuloy, hindi ka na nga pinakain, pinagod ka pa." I laughed.

Falling into Space #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon