Naglalakad si Alyson sa kanto nina Reanne nang makita ko siya na tila binagsakan ng langit at lupa sa hitsura pati sa posing niya.
"O bakit ka nakamungot dyan? May problema ba?" tanong ni Alyson.
"OO! MALAKI!" sagot ni Reanne.
"WEH? Ano naman yun? Ay, nga pala, kamusta ang monthsary?"
Natahimik siya. Tila may nasabi ata si Alyson na hindi maganda.
"Uy, sorry. Tungkol doon ba yung malaking problema?"
Sumagot na si Reanne. "Oo. Tungkol nga doon..."
"E ano ba nangyari kagabi? Nag-away kayo or something?"
"Walang away na naganap. Kasi wala siya kagabi eh. AT YUN ANG BAD TRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIP!"
"Grabe naman, girl! Of all times na pwede siyang di sumipot, bakit kahapon pa?"
"Yun nga eh. Gusto ko nang magmura, umiyak, magbuhos ng sama ng loob pero... pero....."
"Pero, ano?"
"Pero...."
"Shocks, Reannne... Makakagraduate ka na ng high school bago mo pa man sabihin!"
"Pero hindi pwede... Kasi kasama ko si Andrew sa isang resto kagabi..."
"SHOOOOCKS! SERYOSO BA YAN? AS IN OW DOT OW KUNG TITIGNAN SA TEXT?"
"Yes. Seryoso ito. Nagkataong nandun din siya sa lugar kung nasaan ako nakatengga. And ang funny niya, siya rin, hindi rin sinipot ng mga kasama niya. NG KASAMA NIYA, RATHER."
Dahil doon, napakanta pa si Alyson.
"♫ Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
How you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways ♫"
"Kahit kailan ka, Ally! GAGA KA PA RIN!" natatawang sabi ni Reanne sa kaibigan.
"Thank you, Sis! I love you!" sabi ni Alyson kay Reanne. "Just stating the truth... kasi MMM!!!!"
"What MMM?"
"Malay mo madevelop?"
Speechless si Reanne for a while. Parang gusto at ayaw niya na yung sinabi ni Alyson.
"Pwede... But I hope na may mangyari... Basta, bahala na si Batman..."
"So for now, si Batman na lang talaga savior mo?"
"Oo naman... THE BRAVE & THE BOLD!"
Para maiba naman ang subject at hindi kay Batman ang tuunan ng pansin, niyaya ni Alyson si Reanne lumabas ng village nila.
"O Reanne, labas naman tayo ng Carmen oh..."
"Bakit?"
"Para makalanghap naman ng kakaibang hangin... Parating gym-bahay-gym-bahay... Gusto mo na ring mag-ice cream?"
"BAKIT? LIBRE MO? TARA GAME!"
Wala pa ngang sinasabi eh. Pero, naunahan niya si Alyson kasi gusto na rin niyang pasayahin ang batang ito dahil lagi na lang sama ng loob ang ichinichismis niya sa kanya. Maiba naman.
"LANGYA. Inunahan mo ako ng sasabihin eh. O siya. Yun nga yun..."
"Manlilibre ka? WOOOOOW!" sabi ni Reanne. "Next time, ako naman. Nahihiya na nga ako sa iyo, Ally eh. Puro tungkol sa misadventures namin ni Rolly ang kinekwento ko... Samantalang ikaw, wala ka masyadong sinasabi kundi negations or agreements sa sinasabi ko... Sorry talaga, Allylot ha?"
"Ano ka ba, Relot? THAT'S WHAT FRIENDS ARE FOR! Wag ka na mahiya sa akin. I study Human Behavior and pati feelings mo na-aaninag ko rin. Don't worry. I can read your thoughts... Minsan kasi ang mga single at ang mga taken, nagkakaintindihan sa iba't ibang aspeto ng buhay. Kaya okay lang yan!"
"Awww. Thank you so much, Allylot. Yung Relot, parang relo lang eh!"
"Siyempre!" sagot ko. "PAUSO KO EH!"
Lumabas na sila para mag-ice cream nang mahimasmasan naman yung tensyon nina Roland at Reanne. Pero, habang sila ay nasa labas ng village nila, nagulat silang dalawa sa nakita. At yun pa ay si Andrew na nag-eemo sa may kanto!
"Sis, you seein' what I seein'?" tanong ni Alyson kay Reanne.
"Oo. I'm seeing him. Pero, naaalala ko pa rin yung paghatid niya sa akin kagabi eh. Alam kong alam niya na pinag-uusapan natin siya pag nag-gigym tayo... Pero I don't know why..."
"Baka naman kalahi ni Madam Auring kako?"
"Hoy, Ally! Baka ikaw yung nambuko?"
"ASA-NESS! Kahit friend kami niyan, wala akong ibubuko diyan! E di kung ano pa isipin nun! Sabihin, stalker pa tayo niyan!"
"Oo nga no..." sagot ni Reanne sa akin.
"Seee?"
"Wag na natin pag-usapan. Maghihinala pa lalo yun... Pagpunta na natin ng Carmen Homes saka tayo mag-usap nang matagalan..."
"Sure thing, Sis!"

BINABASA MO ANG
When You Look At Me
Teen FictionMinsan, di mo alam... sa simpleng tingin... ang nararamdaman ay basta-bastang iigting.... Sa tuwing sinisilayan ka niya, mayroon na siyang pakiramdam.... Pero isang araw, malaman mo lang.... Ang lagkit ng tingin niya ay isa lang ang uuwian... Paano...