Dahil sa di nila pinagkakaunawaan, nagpasiya na si Roland na pakawalan na si Reanne dahil wala nang punto pag nag-away, nagtalo o nagbangayan sila.
"Okay, Reanne. Alam ko wala akong oras sa iyo at inuuna ko pa ang DOTA kaysa ang relasyon natin… Humihingi pa ako ng isa pang pagkakataon sa iyo…”
“Pero kung pinagbigyan pa kita, baka abusuhin mo na… Roland… ano ba talaga ako para sa iyo? dekorasyon na lang ba? Nakalimutan mo kasing girlfriend mo ako eh… Lalo na nung 5th monthsary natin, di ka man lang sumipot? Anong klase kang nilalang?”
“I’m really really sorry, Reanne… kung masyado kitang nasaktan noong panahong tayo… Siguro nga dapat na lang maging friends na tayo no? mahirap din para sa atin ito eh…”
“Good. Buti alam mo… so, pwede na ba ako umalis? Kasi may lakad pa ako kasama si Ally eh…”
“Sige….”
At umalis na si Reanne. Ito ang theme-song nila.
“♫ Oooh… Nanghihinayang!
Nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi n asana, hindi na sana iniwan pa…
Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa…
Na sana’y patawarin na…♫”
“Ooh. I’m single and available once again…”
Tinawagan niya si Alyson. Medyo matagal ito nagreply.
“Ally!” sabi niya.
“Oh, Reanne? Saan ka galing?”
“Guess what!”
“O? Ano nangyari?"
“Break na kami ni Rolly!”
Nasamid si Alyson sa narinig niya. “HA? SERYOSO KA? INISPLITAN MO NA ANG MOKONG?”
“Oo. Wala na akong future pag kasama siya… I mean, wala na akong magagawa pa pag kasama ko pa siya… TAMA NA… OKAY NA AT SUMOSOBRA NA SIYA… LETSE SIYA!!!!!!!
“Sige na, Reanne at magpahinga ka na… alam ko gaano kahirap ang dinaranas mo… I told you… being single has its own benefits na rin! Kaya nga sabi ko kay Nato, mag-antay siya hanggang college graduation namin… Baka kasi sakalin ko siya pag nachugi ako sa college life ko…”
“Si Tropang N! HAHAHA! You’re really right about one thing, Ally… MAS MASAYA TALAGA MAGING SINGLE… KAYA BUTI KA PA, HINDI KA PA MUKHANG MATANDA…”
“Gaga! Ikaw din kaya, di bakat na matanda ka… okay lang yan… it’s part of life… sige na, baba mo na yung phone… Mauubos load mo, sige ka.”
“UNLI150 to, Mare…” sagot ni Reanne.
“Sige. ingat!”
Habang naglalakad pauwi, nakasabay na naman ni Reanne si Andrew!
“Andrew?”
“Reanne? Swerte at lagi mo akong nakikita!”
“Oo nga eh. Tadhana ba ito o sadyang nagkakataon lang…”
“Both! Pauwi ka na ba?”
“Oo. Nakipagkita lang kasi ako kay Rolly at umuwi na ako…”
“E anong pinagusapan ninyo?”
“Wala naman. Inisplitan ko na… wala ring mangyayari pag kami pa eh… wala na siyang oras sa akin, parating DOTA ang priority… tapos, lagi na lang kaming magtatalo… mga ganun…”
“Jackpot ito, Andrew! Pormahan mo na kaya?”
“Ah… HAHAHA!”
“E ikaw… pauwi ka na rin ba?”
“Oo… Kaya lang, boring din sa bahay eh…”
“Ay. Define boring… lalo na sa akin… kaya nga gusto ko parating hawak yung gitara ko…”
“Marunong ka rin mag-gitara?”
“Oo… Kaw ba?”
“Marunong lang… pero di magaling…”
“Tara! Magsoundtrip na lang tayo…”
“Good idea, Reanne…”

BINABASA MO ANG
When You Look At Me
Teen FictionMinsan, di mo alam... sa simpleng tingin... ang nararamdaman ay basta-bastang iigting.... Sa tuwing sinisilayan ka niya, mayroon na siyang pakiramdam.... Pero isang araw, malaman mo lang.... Ang lagkit ng tingin niya ay isa lang ang uuwian... Paano...