抖阴社区

Chapter 4

38 1 0
                                        

"Ako na magdadala niyan." sabi ko kay Katie habang sinusundan siya, dala-dala niya ang bag niya.

"Wag na kaya ko naman, hindi to mabigat." sabi niya sakin habang nakatalikod pa rin.

"Ako na, ayokong mahirapan ang prinsesa ko." tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin, nagpacute naman ako sa kanya.

Panigurado effective, ako pa!

"Prinsesa mo mukha mo, ohh eto!" bigla niyang hinagis sakin ang bag niya pero 'di ko nasalo kaya nahulog sa buhangin.

"Sablay ka men!" sabi ng puso ko, remember? my body organs talk haha!

5:30 p.m na.

Nandito kami ngayon sa beach resort namin para sa family outing. Buo ang aming pamilya at mas dumami pa kami dahil may family na si kuya, si ate naman at ang asawa niya ay kakatapos lang maghoneymoon habang ako ay ilang buwan na lang magpapakasal na.

Dati lagi akong bored kapag may outing kami, paano kasi nakakasawa na pagpilahan ako ng mga babae para imassage ako halos mabali na nga ang mga buto ko sa sobrang dami nila.

Pero ngayon lang siguro ako makakapag-enjoy dahil kasama si Katie. Alam ko naman na napilitan lang siyang sumama pero sisiguraduhin kong makakapuntos ako sa kanya ngayon.

"Hindi kita ituturing na asawa ko at hindi mo makukuha ang puso ko."

Ang mga katagang iyon ang nagpabago sa akin. Ang dating chickboy ay na-love at first sight sa isang babae pero kinaiinisan naman siya.

Isang buwan na ang nakakaraan simula nang magkakilala kami ni Katie at hindi naging maganda ang unang tagpo namin. Kaya sa loob ng isang buwan na iyon ay lagi niya akong iniiwasan at tinatarayan.

Sa buong buhay ko ay hindi ako sumusuyo sa mga babae. Ni hindi nga ako nanligaw sa mga ex ko, sila pa nga ang nanliligaw sakin kaya kahit naninibago ako sa pagbabago ko gagawin ko ang lahat para kay Katie. Alam kong mapapasakin din siya pero pangarap ko din naman na magkaroon ng happy family.

Nasa loob na kami ng rest house namin, dahil sa marami kami ngayon at apat lang ang kwarto dito ay hinati-hati kami ni mama.

"Eto ang mga susi ng mga kwarto natin. Von and your family sa room 141 kayo, Veronica and Kenneth room 142 naman kayo, room 143 sa future mag-asawa at room 144 kami ng papa niyo. Magpahinga muna kayo, tatawagin na lang namin kayo if dinner is ready." sabay abot samin ng mga susi.

Ganyan talaga mga rooms namin nagsisimula sa room 141, ewan ko ba kay mama apat lang naman mga rooms dito.

Yung future mag-asawa syempre kami ni Katie yun.

Napatingin ako sa kanya, nakabusangot ang mukha niya pero maganda pa rin. Mukhang badtrip siya, sabagay nakakainis nga naman kapag kasama mo sa isang kwarto yung kinaiinisan mo.

Lumapit ako sa kanya.

"Okay ka lang ba?" inirapan niya lang ako at umakyat agad.

Binuhat ko ang bag namin at sinundan ko siya.

Nang makarating kami sa kwarto namin ay nilapag ko ang bag namin sa sahig at sinusian ko ang doorknob. Binuksan ko ang pinto at kukunin ko na sana ang bag kaso nawala ang bag ni Katie. Nagulat ako nang biglang sumara ang pinto at napansin ko na wala na siya kaya naisip ko na baka pumasok na siya sa kwarto.

Hayy! Ang hirap naman kapag kinaiinisan ka ng mahal mo. Oo, minahal ko siya agad simula nang makilala ko siya. Kahit na patuloy siyang naiinis sa akin nandito pa rin siya sa puso ko.

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon