抖阴社区

Chapter 5

27 1 0
                                        

Katie's P.O.V

"Hindi ako titigil na suyuin ka, kahit na hindi ko 'to ginagawa dati gagawin ko lahat para sayo. Ikaw ang nakapagpabago sakin, ikaw ang nagturo sakin kung paano magmahal. Je t'aime Katie."

*BOOOGSHHH!*

"Ay sunog! Nasaan ang sunog?!" bigla akong napabangon sa kama.

"Haa? Anong sunog? Walang sunog dito." sabi ni Vince na nakaupo sa sahig sa kabilang side ng kama.

Haayyy! Salamat!

Buti panaginip lang 'yon.

Imposibleng tumino ang playboy na yan!

Duh! Maluwag ang turnilyo niya sa utak kaya hindi siya magbabago. Hilig pa rin niya ang makapanakit ng damdamin ng ibang tao!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa kaibigan ko, pinaglaruan niya lang ang nararamdaman nito.

At hindi rin ako papayag na paglaruan niya ako!

Grrrrrr! Bakit kasi siya pa ang mapapangasawa ko? >___<

"Sorry nagising ata kita." Psh! pahumble pa, 'di bagay sayo!

Wala ng magagawa yang sorry mo!

"Bakit kasi ang ingay!" maldita ako, pero sa kanya lang.

"Nasanggi ko kasi yung bowl kaya nahulog, sorry."

Tatayo na siya nang bigla siyang napa-aray.

Automatic na naglakad ang mga paa ko sa kanya at inalalayan siyang makaupo sa kama.

Tss! Bakit ka lumapit sa kanya paa, may virus ang lalaking yan eh!

"Mag-ingat ka kasi."

Hala! Bakit ako biglang naconcern sa kanya?

Magpaparty pa nga ako kapag natuklaw siya ng ahas na may lason eh. Hahaha!

"Opo my princess." ngumiti siya ng kaunti.

Teka! Bakit kinikilig ako?

Ay hindi Katie! Naiihi ka lang kaya go! go! go! sa banyo!

Sa c.r ...

Habang nasa bathtub ako ay hinihilot ko ang sentido ko. Medyo masakit ang ulo ko.

Uminom kasi ako kagabi dahil sa pesteng halimaw na mapapangasawa ko. Tapos ay nagising pa ako dahil din sa halimaw na 'yon.

"... Je t'aime Katie."

"Ang nightmare na iyon... (hindi siya panaginip dahil nandun si Vince halimaw haha!)

Bakit parang totoo?" sabi ko sa sarili ko sabay hawak sa noo ko.

"Ano kaya ang ibig sabihin nun?" 

Puso: Mahal ka ni Vince!

Utak: 'Wag kang maniniwala jan Katie, pinagtri-tripan ka lang ni Vince gaya ng ginagawa niya sa iba.

Puso: Hindi! Totoong mahal ka niya.

Shaataaap! Hindi ako makikinig sa inyo!

Tiyan: Tama ka Katie! Sa akin ka makinig, nagugutom na ang mga alaga mo dito! 

Ahehe! Oo sayo ako makikinig.

Tumayo na ako sa bathtub at nagshower saglit. Sosyal nga ng bathtub dito eh, may pinto pa na gawa sa glass.

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon