Blaster
What a boring day in this boring house. Simula nung bumalik ako ibang iba na ang lahat. Parang naiilang na ako, bawat kilos ko nakabantay na sila. Akala ko ba kaya nila ako pinauwi kasi okay na?
Si papa, minsan lang ako kausapin pasungit pa. Si mama, alam kong tinatry niya yung best niya kaso. Ugh ewan ko! Mas maganda pa kung dun nalang ako kila sofia eh. Paampon nalang kaya ako sakanya.
Hindi na ako naka tiis. Tinawagan ko na si sofia. Inayos ko ng konti ang aking buhok para mag mukha naman ang cute. Dalawang beses lang nag ring sinagot niya na ito agad.
"What's up ketchup" masigla kong bati sakanya "Ano 'to kavideo call ko ung kisame?" Naka tapat kasi ung camera niya sa kisame
"Eh ampanget ko" hala siya? Nahiya pa hahaha
"Sanay nanaman ako sa ganyang itsura mo eh" tumawa ako ng malakas bigla niyang binaba yung tawag. Nainis siguro hahahaha!
Tinawag ko siya ulit agad naman itong sinagot
"Uyyy di ako matiis"
"Heh! Porket alam mo talaga eh!" Awiiee kilig naman ako
"Namiss kita madam. Ano ba pinag kakaabalahan mo?" Finally! Tinapat niya na rin ang kamera sa kanyang mukha
"MADAM! Kala koba panget ka? Ganda ganda mo nga oh" compliment ko sakanya
"Diretsuhin mo nga ako mitchelle. Do you need something?" Tinaasan ako ng kilay aba
"Wala naman madam, namiss lang kita" nag pout ako kasi alam ko di niya matitiis yung cuteness ko "punta kaya ako dyan?"
"Okay lang naman kaso gabi na" pag aalala niya
"Parang hindi tayo nalabas ng gabi ah? I'll be there in 15 minutes, see you!" Binaba kona ang call.
Nagpalit muna ako saglit ng damit at kinuha ang wallet ko sa study table. Agad akong bumaba, mukhang umalis nanaman sila mama ng walang pasabi.
Bumili muna ako ng tsitsirya at maiinom para saming dalawa ni sofi. Iniisip ko kung bibilhan ko siya ng ice cream kaso baka matunaw pag dating don.
***
"Hiii!" Bati sakin ni sofi pagkabukas niya nung pintuan "dami mong dala ser" kinuha niya ang bit bit kong paper bag at nilapag ito sa dining table
"Bat ka napapunta dito bigla?" Tanong niya habang nilalabas ang mga pagkaing nasa loob ng paper bag
"Gusto kita bisitahin eh bakit ba?" Sinaksak ko ang dala kong usb sa kanyang tv naisip kong manood ng palabas kasama siya dahil boring naman kung ako lang magisa
Tinabihan niya ako dito sa sofa at ipinatong niya ang paa niya sa maliit na center table nila.
"So anong papanoorin natin?" Inopen ko ang TV at kinuha ang remote.
"Ikaw mamili" ani niya
"Ikaw na oh" inabot ko sakanya ang remote
"Napanood na natin to lahat eh? Wala kabang bago?"
"Di ko na pasa yung bagong movies hehe" sagot ko sabay nagkamot ng ulo
"Ay nako mitchelle kahit kelan ka talaga" nginitian ko nalang siya at naka isip ako ng mas brighter idea
"Labas tayo" yaya ko sakanya
"San naman tayo pupunta?"
"Runaway with me"
"GAGO!! MAG TATANAN TAYO?" Hala ano sinasabi neto
"Sofia kumalma ka nga! Bat ka ba nasigaw? Hahahaha ibig ko lang sabihin labas tayo"
"Naknang di nalang kasi diretsuhin eh" natawa ako kaya naman natawa din siya parang mga baliw lang kami no?
The usual, eto lang naman lagi naming ginagawa. Naglalakad lakad, naglilibot libot kahit san kami dalhin ng mga paa namin basta magkasama kaming dalawa hindi kami natatakot.
May bitbit akong backpack dahil dinala namin yung mga pagkain na binili ko kanina tsaka nag dala rin ng tubig si sofi. Actually di ko talaga alam san kami papunta eh basta tuloy tuloy lang yung paglakad namin. Habang nagkwekwentuhan kami ng mga walamg kwentang bagay.
Nagtatawanan kami habang naglalakad sa kalsada na para bang walang kaprobleproblema. Mga totoong ngiti sa aming mukha, ayoko na tong mawala.
Habang patuloy parin ang paglakad namin hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit. Napatingin naman siya sa akin at ako'y ngumiti. Hinila ko siya at tumakbo kami papunta sa ilalim ng isang malaking puno.
Madilim dahil malayo na ang pinakahuling street light sa daang ito. Umupo kami sa ilalim ng puno at tanging ang buwan na lamang ang nag sisilbing liwanag sa aming dalawa.
"Ter" sambit ni sofia habang naka tingin sa buwan at ako naman ay naka tingin sa kanya
"Oh?" Sagot ko
"Gumawa ako ng tula o parang sulat para sa taong nagugustuhan ko" nagulat naman ako dahil eto ang unang beses na magkukwento siya tungkol sa taong gusto niya eh
Sasagot na sana ako ng bigla siya ulit nag salita "ngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan
pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan
kailangan nga ba kita makakamtan?
mukha mo lamang ang aking nais titigan" nanatili parin ang kanyang mga mata na nakatitig sa buwan, ako naman ay namangha."Mas maganda pa yan sa kantang ginagawa ko ah"
Tumawa siya "parang hindi naman! Syempre mas magaling ka sakin"
"San mo naman nahugot yan?" Tanong ko pa
"Dito" sabay turo sa puso niya. Teka bat parang naiiyak na siya? Kahit buwan na lamang ang nag sisilbing liwanag kita ko parin ang kanyang mukha.
"Tuwing nakikita ko kasi siya alam ko namang never niya ako magugustuhan kahit ilang beses ko pa siyang hilingin sa buwan never naman akong pinagbigyan. Lagi nga siyang nandyan pero kahit kelan di niya man lang ako nakikita. Pero kagaya ng pag tingin ko sa buwan, masaya ako tuwing nakikita ko siyang andyan" tuloy tuloy niyang sabi at napayuko naman siya. Nakapagtataka sino kaya yung lalaking yon? Ang swerte naman niya iniiyakan pa ni sofi.
"Sofi wag ka mag alala nandito ako nag mamahal sayo" pinipilit kong pagaangin ang kanyang kalooban at hinagod ko ang kanyang likod.
Bakit parang wala naman akong kilala na ibang nakakausap ni sofia na lalaki bukod sa akin at kay nikkoi.
"Matanong ko lang, si koi ba yung lalaking tinutukoy mo?"
Umiling lamang siya. SO AKO BA? Hindi. Hindi niya ako magugustuhan dahil best friend niya lang ako. Best friend nga lang ba?
---
Author's Note
Super sabaw netong chapter na 'to pero gagalingan ko pa sa susunod! Hahaha medyo di lang ako makapag isip ng maganda ganda ngayon.
HAPPY 100 READS NA DIN HAHAHAHA DI KO ALAM NA MAY MAGBABASA TALAGA NETO PERO THANK YOU!

BINABASA MO ANG
nights with you
Fanfictionngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan kailangan nga ba kita makakamtan? mukha mo lamang ang aking nais titigan