抖阴社区

[30]

140 9 1
                                        

[ a/n: thank you sa lahat ng umabot hanggang dito. naka trentang chapter na pala ako. madami dami na rin pala akong nagayuma na basahin itong storya ko. gusto ko lang iannounce na magkakaroon ako bagong story. sana suportahan niyo yon kagaya ng pagsuporta niyo sa 'nights with you' ]

























sofia

lumipas ang ilang linggo puro school works, practice sa cotillion, kain sa labas, paulit ulit lang. pero habang natagal parang nalulungkot ako. parang hindi na kasing saya kagaya ng dati.

oo nandyan si zild, si arisa, si koi pero yung best friend ko asan na? magkasama nga kami pero parang yung isip niya wala naman.

bumalik nanaman siya sa hindi pagbisita sa akin. pag tinetext ko siya isang tanong, isang sagot. namimiss kona siya, namimiss kona ang best friend ko.

wala si arisa at zild ngayon may family outing. tinext ako ni koi para mag ice cream, bagay na namiss ko. mag ice cream kasama si blaster sa mini stop.

nauna na ako don sa mini stop nagpalamig muna ako, wala naman kasing tao dun sa spot namin kaya dun muna ako tumambay.

habang nakaupo ako dito ngayon. mag-isa, biglang tumugtog ang paborito naming kanta ni blaster.

[ a/n: play close to you - the carpenters ]

naalala ko lahat ng masasayang ala-ala namin ni blaster. nung nag travel kami dati eto yung pinapakinggan namin. sinasabayan namin yung bawat liriko ng may ngiti sa mukha.

naalala ko rin nung high school kami napagalitan kami parehas dahil late kami pumasok, ano pang bago don? hahaha pati yung mga unang beses namin mag ice cream sa mini stop na 'to. napaka memorable nun kasi ang tanga niya nung araw na yon. natapon yung ice cream niya, cone nalang yung natira.

tinatakot ko pa siya na siya yung paglilinisin dito sa mini stop kasi nag kalat siya. tawanan kami ng tawanan non.

para akong tangang naka ngiti dito mag isa habang naka tingin sa labas. mapansin kong biglang kumulimlim, mukhang uulan.

asan naba si koi?

bumuhos na nga ang ulan at wala pa rin si koi. naknang! iimbitahin ako tapos wala naman pala.

hindi ako agad umalis sa mini stop, naglaro muna ako ng games sa cellphone ko. plants vs zombie to be exact, gaano kamature? hahaha

bumili nalang ako ng ice cream mag isa at tinuloy ko ang paglalaro ko sa cellphone. habang tutok na tutok ako sa nilalaro ko biglang bumukas ang pinto.

tumingin agad ako dahil nag babakasakali akong si unique na yon. pero nag kamali ako. hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

"ter!" tawag ko sa lalaking pumasok sa pinto. nabasa siya ng ulan kaya siguro sumilong muna.

[ a/n: stop music ]

tumingin siya sa akin pero di niya ako pinansin. kumunot naman ang noo ko. ano bang ginawa ko?

maya maya ay pumunta siya sa counter bumili ng tissue at chichirya. pagkabayad niya ay patungo siya sa kinauupuan ko.

"bakit mag isa ka?" tanong niya sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang mukha at katawan

"kasi wala akong kasama" pang babara ko sakanya

hindi naman umimik si blaster. umupo siya sa tapat ko at binuksan niya ang binili niyang chichirya.

busy parin ako sa paglalaro sa cellphone ko pero di kona kaya ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

eto yung sinasabi ko sainyong, nandyan siya pero parang wala parin akong kasama.

nights with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon