抖阴社区

Prologue

8.8K 238 35
                                    

Two weeks ago

Lanie's Pov:

"'Ma, hindi nga ako pwedeng mag-transfer. I am a college student na 'Ma, ayokong mag-aadjust na naman. Lagi na lang akong nag-aadjust."

Sinilip ko lang ang nag-aalburuto kong kapatid bago umakyat sa kwarto ko.

Itinuloy ko ang pag-eempake ng gamit ko habang pinapakinggan ang Fliptop battle ni Kuya at ni Mama.

"Jerico Segismundo, huwag mo akong hinuhugutan!" Our mother exclaimed.

Muntik na akong mapahagalpak ng tawa ng marinig ang buong pangalan ni Kuya Sage.

"'Ma naman!" Kuya again, throw a tantrum.

Sinalpakan ko na lang ng headphone ang tenga ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Alam ko naman kasing kahit abutin pa hanggang bukas ang diskusyon nina Mama ay mananalo pa din si Kuya. May point naman kasi ang magaling kong kapatid. Hindi maganda kung pati s'ya ay lilipat ng eskwelahan lalo pa't nasa huling taon na s'ya sa kolehiyo. Hassle talaga sa part n'ya yun.

I sighed. Ganundin naman sa akin. Senior na ako at nasa kalagitnaan na ngayon ng second semester. Nakapagtataka pa ngang na-process agad ang transfer papers ko.

Sabagay, maimpluwensya ang parents ko. Isang Chemist si Mama at isa namang AL specialist si Papa at kilala sila pareho sa mundo ng science at mga robots. At sapat na iyon para mas maging magaan ang buhay naming magkapatid. Lalo na't dinadala namin ang isa sa mga kilalang apelyido dito sa Vienna.

Iyon nga lang, siguradong magbabago na iyon. Pareho kasi silang magkakaroon ng assignment sa Russia kaya kailangan din naming lumipat sa Hespheria, ang bayang pinagmulan ni Mama at ang pinakamalayong bayan dito sa Vienna.

Someone took my headphone. "Ibababa ko na ang mga gamit mo, Lanie. Ito na lang ba lahat?"

Nakangiting mukha ni Papa ang natingala ko.

"Yes 'Pa. How about Kuya Sage?"

Kumakamot sa ulong napaupo s'ya at problemadong tiningnan ako.
"Gustuhin ko mang isama ang kuya mo sa bahay natin doon para may makasama ka ay hindi naman pwede. Magiging alanganin ang sitwasyon n'ya lalo na ngayon"

I held my father's hand. "Okay lang 'Pa. Kaya ko namang mag-isa. Saka hindi ba, weekly lang naman ako
mag-i-stay sa bahay? I heard that one of the school's policy is to stay at the dorm during weekdays"

"You already did your assignment huh" He chuckled na ikinatawa ko.

Once in two years ay dumadalaw kami doon. Lalo na't nandoon ang bloodline ni Mama pero hindi kami nagtatagal kaya hindi pa din ako pamilyar sa lugar.

Tanda ko pa na para laging nanalo sa lotto si Kuya Sage sa tuwing bibisita kami doon. At minsan pa nga ay nalalaman namin na bumibisita s'ya doon kahit hindi bakasyon. But for the past three years, nakakapagtakang ni kahit minsan ay hindi na s'ya tumapak pa doon.

Isang asensadong bayan ang Hespheria. At kilala bilang isa sa pinakamayamang bayan ng Vienna.

Even Saint Augustine, the elite school na lilipatan ko ay kilala din dito sa Vienna. Base sa mga impormasyon na nakuha ko, foreign policy ang sinusunod ng eskwelahan. Na kahit gaano pa kalapit ang tirahan mo sa school, mandatory pa din ang pagtigil sa dormitory tuwing araw na may pasok. Madami din akong nalaman dun. Well, I have my ways and connections.

"I'll be okay, 'Pa" I assured him.

Tumango-tango naman s'ya at hinawakan ang dalawang maleta ko.

Deep Web (Tag-Lish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon