Lanie's Pov:
"Baby, ready?" Papa knocks.
"Coming!" Agad na sagot ko at inilagay ang tablet sa shoulder bag ko.
Mabilisang ininspeksyun ko ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto ko.
We just arrived here in Hespheria.
Tinapos pa kasi namin ang mga kailangang tapusin sa Vienna. Katulad ng napag-usapan, naiwan sa Vienna si Kuya Sage. Sa kondisyong every available time n'ya ay bibisitahin n'ya ako dito.Wala pa ding tatlong oras mula nang makarating kami dito pero naimbitahan agad kami ng kasalukuyang Mayor ng bayan.
Childhood friend ni Papa si Mayor kaya updated ang huli sa nangyayari sa buhay ng pamilya namin. Bukas na din ang flight nina Papa papuntang Russia kaya hindi na sila nakatanggi pa. Isa pa, simpleng dinner lang naman ang hiniling ng kaibigan n'ya.
At ako naman, bukas na din ako lilipat sa dormitory ng Saint Augustine.
"Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kailangang kasama ako." Nakangusong reklamo ko pa pagkababa.
Marahang tinapik ni Papa ang balikat ko. "Hindi makakasama ang kuya mo kaya kailangan kahit isa sa inyo ay makasama namin. Isa pa, gusto kang makilala ni Florante. Kasing edad mo kasi ang anak n'yang nag-aaral din sa Saint Augustine." Sabi pa n'ya bago ako pinagbuksan ng pinto sa backseat.
Hinintay din n'ya munang makapasok si Mama sa sasakyan bago s'ya pumwesto sa harap ng manibela.
Nangalumbabang tinanaw ko na lang ang ancestral mansion nila Mama habang papalayo kami doon.
Luma pero nanatiling elegante pa din ang disenyo ng bahay na itinayo ilang henerasyon na ang nakakaraan. Isa lang ang mansyon ng mga Inocencio sa malalaking bahay dito sa Hemisphere Village.
Napag-alaman ko ding dito din lang sa elite village na ito nakatayo ang mansyon ng kaibigan ni Papa. May kalayuan nga lang iyon dahil nasa bukana iyon ng village samantalang nasa may dulo ang sa amin. Hindi pa nakatulong na napakalaki at napakalawak ng buong village.
May sampung minuto din yata kaming nasa sasakyan bago tumigil si Papa sa harap ng napakalaking mansyon.
"Aronzaga." Mahinang basa ko sa kulay gintong pangalang nakaukit sa isang tablet stone na malapit sa pinaka-main gate ng bahay.
Mabilis na nagbukas ang malaking gate at bahagya pang yumukod ang mga guwardiya doon nang makita ang sasakyan namin. Muling nagpatuloy si Papa sa pagmamaneho papasok doon.
"Andito na tayo." Pagbibigay alam ni Papa sa amin pagkapark n'ya sa harap ng mansyon. May isang naka-unipormeng lalaki ang sumalubong sa amin at kinuha ang susi ng sasakyan kay Papa.
Personal valet.
Nauna na akong bumaba ng sasakyan at kahit di ko tingalain ang mansyon ay parang nakaramdam ako ng pangangawit ng leeg.
Kinusot ko pa ang mga mata ko para malaman kung tama nga ba ang nakikita ko. Malaki at mataas ang mansyon. Triple ang laki noon sa ancestral mansion nina Mama, pero may ilang minuto pa yata ang lalakadin mula sa main gate papunta sa engrandeng staircase ng mansyon.
Kakaiba lamang iyon dahil napakalawak ng lupaing sinasakop nun kahit pa nasa loob iyon ng isang village.
May malaking fountain din sa harap ng grand staircase at makulay ang paligid dahil sa napakalaking garden. Hindi ko din maipagkakailang napakaganda ng landscape ng hardin.
"Come on." Inalalayan kami ni Papa paakyat sa mansyon.
Kung marangya na ang labas, nakaka-speechless naman ang loob ng mansyon. Mula sa disenyo ng loob ng tahanan hanggang sa mga mamahaling muwebles ng mansyon.

BINABASA MO ANG
Deep Web (Tag-Lish Version)
Mystery / ThrillerMaelanie Inocencio is a senior high school student in Saint Augustine Academy, a prestigious school in Hespheria, ang bayan kung saan ipinanganak ang kanyang ina. She's a transferee. But more than that, she's a deepdiver. She loves seeking facts. Mg...