It shouts nothing but wealth.
"Leandro!" A muscular man in his forties with a sophisticated woman in his side approached my paraents.
"Florante, man!" Ganting bati ni Papa at niyakap din ang lalaki.
Napangiti ako ng makitang magkasundong magkasundo sila. Pati si Mama at ang sopistikadang babaeng kasama ni Mayor na panigurado akong asawa n'ya.
Nilapitan ako ni Papa at hinila palapit sa mag-asawa. "Here's my Maelanie, my daughter." May pagmamalaking pakilala nya sa akin. "Anak, he's the Mayor of this town, Florante, and his wife, Laura Aronzaga."
"Such a beautiful young lady. Just call me Tita Lau hija," Mrs. Aronzaga held my hands.
"Sayang nga lamang at nasa labas si Yshmael. Mabuti sana kung magkakakilala kayo." Nakangiting dagdag pa ni Mayor.
Kiming tango lang ang isinukli ko sa papuri ng mag-asawa. Despite their aura of power and authority, komportable ako sa presensya nila. At kahit na unang beses pa lamang na nakaharap ko sila, alam kong mabuti silang tao.
May kalahating oras din yatang nagkwentuhan sila bago nagyaya si Mayor na maghapunan.
Nanatili lamang ako sa buong durasyon ng pagkain. Hindi din naman ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila.
Eksaktong natapos akong kumain nang marinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko.
"Excuse me po." Paalam ko sa kanila.
"Go on. Have a tour here. Kaysa naman ma-boring ka sa pakikinig ng usapan ng mga matatanda." Nakangiting taboy sa akin ni Tita Laura.
Muli akong yumukod sa kanila bago lumabas ng dining. Muntik pa akong maligaw mahanap lang ang palabas ng mansyon.
Agad na bumaba ako ng hagdan at sumandal sa haliging nasa pinaka- ibaba nun.
"What took you so long, Lil Pup?" Agad na tanong sa akin ng nasa kabilang linya.
"What is it Page? Anong problema mo?" Ganting tanong ko sa kanya.
"Wala akong makulit. Where are you?" Simpleng sagot n'ya at dinig ko pa ang pagtipa ng mga kamay n'ya sa keyboard. Sigurado akong may pinapasok na naman na system ang lalaki.
"Neighbor." Maikling sagot ko at naglakad-lakad. Lumapit ako sa fountain at pinanood ang mapagmataas na tubig na inilalabas noon.
"Do you have your tablet with you?"
I heard excitement in his voice.Mabilis na kinuha ko ang headset ko at isinaksak sa cellphone ko. Inilagay ko ang cellphone sa bag at kinuha ang tablet.
I know this, may ibibigay na naman na link o mga impormasyon ang lalaki. Dahil katulad ng isa kong laptop, ang tablet na hawak ko ay alternative ko sa deepdiving. Inayos na din ni Page ang tablet ko kaya wala akong dapat na ikatakot kung sakali mang sensitive ang impormasyong ipapadala n'ya.
"I just sent it. Take a look." Kung kanina ay excited, ngayon ay parang kinakabahan na ang boses n'ya.
"May problema ba?" Tanong ko. Nakakapagtaka din kasi na tinawagan n'ya ako. Sabagay, sa DWD's, s'ya lang naman ang binigyan ko ng numero ko.
I heard him sigh. "I'm curious at the same time worried. What I sent to you is about Hespheria, Lanie."
Natigil ang tangka kong pagpindot sa link na ipinadala n'ya ng marinig ang sinabi n'ya.
"What do you mean?"
Muli kong narinig ang paghinga n'ya ng malalim bago sumagot. "Isa sa pinakatahimik na bayan ang Hespheria. Ni kahit minsan ay hindi ito nasangkot sa kahit anong krimen pero iba ang sinasabi ng article na iyan."
Napakunot ang noo ko at tuluyang binuksan ang link na ibinigay n'ya.
Dalawa iyon. At halos kumabog ang dibdib ko ng mabasa ang title pa lamang ng article.
The fake and cruel town of Hespheria.
Wilemna Salazar: The missing heiress.
"Where did you get this Primo?" Tanong ko sa lalaki. Katulad n'ya, tinatawag ko lamang ang s'ya sa pangalan n'ya kapag seryoso na ang usapan namin.
Pamilyar din sa akin ang pangalang nabanggit sa title ng article. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko narinig iyon.
Hindi s'ya sumagot. Kilala ko na si Page, kapag sensitibo ang paksa, hindi s'ya sasagot. Mananahimik lang talaga s'ya at kahit pigain ko s'ya, wala akong makukuhang sagot sa kanya.
"Page..."
"Don't ask me the details Maelanie.
Read that article. Binigay ko sa'yo iyan dahil naisip kong kailangan mong malaman ang tungkol dyan. But, walang makakapagpatunay sa impormasyong nand'yan kaya maaaring hindi iyan totoo at pawang paninirang puri lamang. Just read it. And do nothing." Pinal sa sabi n'ya at binabaan na ako."This jerk." Inis na sabi ko na lang.
Itinuon ko ang atensyon ko sa tablet ko. Ngayon ko din lang napansin na nanginginig ang kamay ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at muling tinitigan ang dalawang pamagat ng article.
Hindi iyon katulad ng mga ordinaryong link na pag pinindot ay magkasamang lalabas ang title at nilalaman noon. Paniguradong may ginawa na naman si Page para maihiwalay ang content ng article sa title nito.
Page is somewhat brusque, but I know that he cares. Kaya nga ganito ang ginawa n'ya para kahit paano ay maihanda ko ang sarili ko sa maaaring mabasa ko.
At ginagawa n'ya lamang ito kapag sensitibo ang mga impormasyong ibinibigay n'ya.
"Who are you?"
Natigil ang tangkang pagpindot ko sa naka-highlight na title nang bigla na lang may lalaking lumitaw sa harap ko.
"Oh! Damn it!" Hindi ko napigilang mura ng mahulog sa fountain ang tablet.
"Who are you?" Muling tanong ng matangkad na lalaki.
Salubong na salubong ang kilay n'ya at malamig ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko din maiwasang hindi s'ya tingalain dahil sa tangkad n'ya, hanggang balikat n'ya nga lang yata ako.
Inismiran ko na lang s'ya at sinubukang kunin ang tablet kong nag-swimming sa fountain. Iyon nga lang, ni kahit anong abot ko ay hindi ko makuha iyon. Malalim kasi ang tubig at mababasa na ang manggas ng damit ko.
I heard him chuckled.
Naramdaman ko na lang ang paghila n'ya sa akin palayo sa fountain. Nagtatakang napatingin ako sa kanya nang itupi n'ya ang long sleeve nya.
Dumako ulit sa akin ang mga malamig n'yang mata bago walang imik na inabot ang tablet.
"Stop wandering in my place. Such a klutz." Malamig na sabi n'ya at basta na lang iniabot sa akin ang basang tablet.
Napamaang na lang ako sa sinabi n'ya. Hindi ko na din s'ya nasagot dahil agad na tinalikuran n'ya ako at umakyat sa mansyon ng mga Aronzaga.
***
Dedicated to MissAuthoraTine. Dito na kita dinedicate-an haha. Soon pa ang Faraway eh. Thanks sa pagsuporta.YoungLily💞

BINABASA MO ANG
Deep Web (Tag-Lish Version)
Mystery / ThrillerMaelanie Inocencio is a senior high school student in Saint Augustine Academy, a prestigious school in Hespheria, ang bayan kung saan ipinanganak ang kanyang ina. She's a transferee. But more than that, she's a deepdiver. She loves seeking facts. Mg...
Chapter 1- Aronzaga's
Magsimula sa umpisa