Everybody knows Delvalle except the way Emma Gomes does. Cars dashing in the streets, people walking past each other, lights that never go out, and kids that never do drugs. Nothing interesting happens around the town until the entire student body o...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ito ba ang modus ng tao—ang magnakaw ng mga valuable tapos ibenta online? How is he able to run shis business seamlessly? Gaano na niya ito katagal ginagawa? Wala mang relevance ang mga ito sa kung paano siya nakatakas pero malaki ang tulong nito sa paghahanap namin sa kanya.
Nahirapan na akong i-reorient ang sarili ko. Kung sino itong taong sinasabi ni Aldridge, kailangan namin siyang makausap agad. Sabik akong ibahagi nito ang mga nakalap niyang impormasyon. Anu-ano kaya ang aming matuklasan? Samu't sari ang mga hinuha ko—probable, potential, likely—pero ang nakakasabik, karamihan sa mga ito ay hindi pa naisip siguro ng kahit kanino.
"Masyado ka na ata inaaliw ni Peter Pan," komento ni Aldridge kinabukasan pag-upo ko sa front seat. "Parang sabik kang bigyan siya ng thimble."
"Marshall Ramirez ang pangalan ng tao."
"Until we find out how he pulled his disappearance, let's leave it to that name,"—sumulyap siya kay Learsi na kalalabas lang mula sa gusali ng apartment niya—"Out of curiosity, does Learsi know about this?"
"Does she need to?" Umiling ako. "Mas mabuting oblivious siya sa mga nangyayari. 'Wag na natin siyang isali rito, Al."
"I'm glad that you said that,"—sinenyasan niya akong suotin ko ang seatbelt ko—"because I don't want another person to know our dealing—less breadcrumbs left behind. Better this way." Binuhay niya ang makina. "The guard, the receptionist. With our speculations, people might suspect we're heading toward dementia."
Sumimangot ako. "I'm beginning to think you don't want to have anything to do about this."
"Hindi sa ganoon, sweet." Bumuntong-hininga siya saka tumingin sa akin. "Kagaya lang ni Learsi, wala rin akong balak na malaman pa 'to ng pamilya natin." Tumigil siya sandali. "And speaking of them, there's something you must know."
Natigilan ako. "Bakit, may nangyari ba? Tungkol ba 'to sa association?"
Tumango siya. "Nalaman ko lang din 'to kagabi nang tumawag si Ate sa'kin para mangamusta." Tumigil siya sandali. "Financial drought, 'yan ang sabi niya—mag-iisang linggo na raw nila itong sinusubukang ayusin."
"Pero hindi 'yan ang totoong dahilan, tama ba ako?" Sumulyap ako saglit kay Learsi na naglalakad na papunta sa amin. "Ang dami nilang affiliates—mga tao sa iba't ibang propesyon at estado. Imposibleng ma-overlook nila ang bagay na 'to."
"'Yan din ang iniisip ko." Ngumiti siya nang mapakla. "Whatever this problem they're facing, it must be profound for the entire association to be asked complete cooperation and compliance."
_____
Hindi ko dapat pinayagan si Aldridge na magbitiw ng ganoong salita, dahil magmula nang pumasok kami sa Unibersidad ay hindi na ako tinatanan ng bagay na ito.
Ang network kung saan miyembro ang mga magulang namin ay isang maliit na pangkat lang kung ikumpara sa buong association—isang web ng mga organisasyon, lokal at international, industrial at research, mula sa field ng Agriculture hanggang sa field ng Space Exploration. Desidido akong hindi pera ang problema dahil kung pera man, sa anong currency unit—Philippine Peso o British Pound? Hindi man lang ba ito napansin ng mga economist? At maliban sa pagtulong sa mga third world countries at sa mga bansang umuunlad pa lang, saan napupunta ang malaking halaga ng ang perang nililikom nila?