Everybody knows Delvalle except the way Emma Gomes does. Cars dashing in the streets, people walking past each other, lights that never go out, and kids that never do drugs. Nothing interesting happens around the town until the entire student body o...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumaba na kami ni Aldridge sa kotse ni Alvis. Ngunit bago pa maisara ni Aldridge ang pinto ay dumungaw na ako sa harapang bintana—natigilan si Alvis pagkakita sa akin pero kapagkuwan ay binigyan ako ng masiglang ngiti.
"Salamat sa pakikipagkita sa'min." Ngumiti ako nang pilit pabalik. "At pasensya na rin kung inaaksaya namin ang oras mo."
"Think nothing of it." Sumulyap siya kay Aldridge sa likuran ko. "Masaya akong may natulungan akong mga batang kagaya ninyo."
"Pero meron pa ring bagay na hindi mo sinabi sa'min." Tiningnan ko siya nang diretso. "Ba't ka narito sa Delvalle? Pinapunta ka ba rito ng Association?"
He raised his eyebrow. "At ba't mo naman nasabi 'yan?"
Saglit akong lumihis ng tingin. Ba't nga ba? Kasi sa kabila ng mga nangyayari sa loob ng Association, natural na ito ang unang papasok sa isip ko.
Kaso walang pinagkakaiba kung aaminin kong umasa akong pinapunta siya rito nina Mama at Papa para ibigay ang pagbati nila. Gusto ko lang marinig ang mga boses nila.
Nang ibalik ko tingin ko ay hinintay pa rin ni Alvis ang aking tugon. Humakbang ako paatras.
Sumulyap siya sandali sa relo niya saka ngumiti nang tipid—halatang gusto niyang nasa ibang lugar siya ngayon kaysa ang narito.
"For some reason, I see myself in you, Em, both of you." Bumuntong-hininga siya. "Noong kaedad ko lang din kayo ay hindi ako natatakot na pasukin ang mga mahihirap na database, sinubukang i-penetrate ang mga firewall nito.
"Naintindihan kong naghahanap lang kayo ng aliw sa buhay ninyo." Tumigil siya sandali. "Pero itong kagustuhan niyong mahuli si Marshall Ramirez—don't you think this is rather extreme?"
Palihim akong napatikhim. Taliwas sa inasahan ko itong kinalabasan ng aming pag-uusap. Paano namin siya kumbinsihin na hindi lang aliw sa amin ang pursuit na ito?
"Maaari pa naming baguhin ang isip mo," wika ko nang akma na niyang itaas ang windshield. "Paano kung sasabihin ko sa inyong tumalon ang magnanakaw sa bintana ko—na anim ang palapag mula sa aspalto. Pero walang nakitang katawan sa ibaba."
Tiningnan lang niya ako sandali, pinag-aralan kung nagbibiro lang ako. "That's not what Aldridge said in the telephone,"—sumulyap siya kay Aldridge—"Ang sabi niya ninakaw raw ang relo mo noong naglakad kayo pauwi ng apartment mo. Sino ba sa inyo ang nagsasabi ng totoo?"
"Nagsinungaling ako." Humakbang si Aldridge at pasimpleng kumibit-balikat. "Inisip ko lang kasi na hindi ka papayag na tulungan kami kung 'yon ang paliwanag ko."
"Well..." Huminga si Alvis nang malalim at itinuon ang tingin niya sa harapan.
Namayani ang katahimikan. Ilang sandali na ang nakalipas pero naiwan pa rin sa ere ang salita niya. Pero kahit ganoon ay kampante akong nakuha namin ang atensyon niya. Hindi lang niya ito basta-basta isawalang-bahala.