抖阴社区

05: That Night

176 17 15
                                        

Scylla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Scylla's Point of View

"N-nawawala si Rhea"

Nagulat kaming lahat nang biglang mabitawan ni Charmaine ang mga soju na hawak niya dahilan upang mabasag ito at lumikha ng sobrang lakas na ingay. Pati nga si Charmaine nagulat din

"Ah putangina!" malakas na sigaw ni Moira

"Paano siya nawala?" nagaalalang tanong ni Charmaine

"Pagpunta namin kanina ni Acantha sa clinic nakita naming wala na siya doon, hindi rin alam ng nurse kung nasaan siya kasi nag cr break lang daw siya tapos pagbalik niya wala nang nakahiga sa higaan ni Rhea" paliwanag ni Moira

Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang nalilito na ako sa nangyayari, nilapitan ko nalang ang umiiyak na Acantha at marahan siyang niyakap

"Alam na ba ito ng mga nasa taas?" tanong ni Charmaine

Nagtataka namin siyang tinitigan ni Moira

Nasa taas? Ano yun? Yung mga nasa second floor? May taas pa ba tong university na toh?

"I mean alam na ba ito ng Student Government?" pagkaklaro ni Charmaine

Nagkatinginan kaming dalawa ni Moira? May ganun pala? Kasi yung SSG namin sa school masyadong tahimik, active lang pag foundation day

"Hindi eh, ang sabi sa amin nung nurse wag kaming magkwekwento sa iba, pero dahil sa ginulat mo kami napasabi tuloy ako!" ani Moira

"Well tama ang nurse wag kayong magkwekwento kahit kanino kung ano ang nangyari sa kaibigan niyo" utos ni Charmaine

Huh? Paano namin makikita si Rhea kung ganon?

"Bukas na ang alis namin, anong gagawin namin? Iwan si Rhea dito?" pataray na sambit ni Moira

Inayos muna ni Charmaine ang kanyang boses bago muling nagsalita

"Here in our school, hindi namin pinapaalam sa mga teachers ang nangyayari sa mga students, mga ssg ang humahanap ng solusyon para dito. It's cuz, student ang nagcause ng mess so dapat kapwa student din ang magaayos nito" pagpapaliwanag ni Charmaine

Medyo weird yung patakaran nila ha, pero bet ko

"Paano kami hihingi ng tulong sa Student Government? Paano namin sila malalapitan?" tanong ni Moira habang nakapameywang

Attitude talaga tong babaeng to kahit kailan

" Well you don't have to find them, dahil isa sa kanila ay nandito sa inyong harapan!" ani Charmaine sabay posing

Sullivan University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon