抖阴社区

07: Disappointment

26 2 1
                                        

Scylla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Scylla's Point of View

"Moira hindi muna kayo makakauwi ni Scylla"

Natigilan si Moira at napangisi sa narinig. Hindi siya naniniwala

"Prank ba to? Hindi magandang biro ito" ani Moira na natatawa pa

I feel Moira, ganyan din ang naging reaksyon ko kanina nung sinabi yan sa akin nila Arethusa, lalo na at hindi nila inexplain kung bakit hindi pa kami pwede umalis

Ano ba kasing problema? Bakit ayaw kaming palabasin dito?

Napatingin sa akin si Moira na nagtataka

"Moira hindi sila nagbibiro"

"A-ano? Scylla hindi pwede to! Kailangan na nating umalis dito! Kung hindi tayo aalis ngayon, hindi na tayo makakabalik ng Manila agad-agad! Maiiwan na tayo ng classmates natin!" sigaw ni Moira

Napayuko nalang ako sa sinabi ni Moira, hindi ko alam na sasabihin ko ito pero

Ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito kami ngayon, wala dapat dito si Moira kung hindi dahil sa akin

" Moira huminahon ka, gagawan namin ng paraan para makaalis din kayo dito pero hindi pa pwede ngayon" mahinahong sambit ni Arethusa

Napatingin si Moira kay Arethusa na akala mo ay pinapatay na niya ito sa kanyang isipan, pero hindi naman nagpatinag si Arethusa dito

Bagay silang dalawa! Hihi I lowkey ship them

"Bakit hindi pa ngayon!? Ano bang meron?"

Napabuntong hininga si Arethusa bago muling nagsalita

"Look, alam ng lahat na kayong apat ang baguhan lang dito, kaya sa ganitong sitwasyon kayo lang talaga ang magiging suspect" pagpapaliwanag ni Arethusa

Anong ibig niyang sabihin?

"In short kayo lang ang kahina-hinala kaya kayo ang tinuturo ng students na involve sa pagkawala ni Brenda" dagdag pa nito

Si Brenda? Siya ba yung nasa panaginip ko? Paano?

Posible bang totoo yung mga napanaginipan ko?

"Ano? Ni hindi nga namin kilala yang Brenda na iyan eh! Tapos kami pa ang sinisisi?" dabog ni Moira

Natigil kami sa paguusap nang biglang may dumaan na grupo ng mga estudyante, na agad namang nagbulongan nang makita kami

Sullivan University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon