AN - As promised, mag update ako ng Sunday, yey!
♡
I busied myself roaming around the store. Iniwan ko siyang nakaupo sa harap ng vanity mirror. Aba'y nakakahiya naman kasi ang ginawa niya eh.
Lagay nalang ako ng lagay sa maliit na basket ng kung anong makita ko without even testing it. Hindi na ako makapag concentrate.
Ang plano ay siya ang pag ti-tripan diba? Pero it turns out na ako ang napag tripan. Nag backfire lang ang plano ko.
Matapos kong mag bayad ay kinalabit ko na siya at agad namang sumunod sa akin.
He didn't bother to help me with my paperbag. He knew me afterall, ayoko ng masyadong pabebe, i have my own hands that's why kaya kong hawakan ang mga dala ko. Not unless sobrang madami talaga at hindi ko na kaya.
Don't get me wrong, hindi lang talaga ako fan ng mga nakikita ko na kahit hand bags ng girls, ay lalaki ang may dala. Hindi lang naman kasi sa pag bitbit ng bag ng mga babae pwedeng ipakita ang pagiging gentleman.
Sakto namang tumawag na ang derma clinic to confirm my appointment. I texted them na dalawa na kaming magpapagawa. Ayaw na ayaw ni Nathan ng ganun eh. Pero this time, wala siyang magagawa.
" Good afternoon Miss Torres and Mister Aldama." Bati sa amin ng receptionist.
"Good afternoon." Sabay naming bati rin sa kanya.
"For me, diamond peel with RF, laser hair removal on underarm and facial hair."
Bigla namang natawa si Nathan sa sinabi ko.
Oo, bakla ako, mukha rin akong babae, pero paalala lang na lalaki parin ako at kahit manipis, ay tinutubuan parin ako ng balbas at bigote, pero manipis na manipis lang. Hindi kagaya ng kay Nathan na makapal kapag tumutubo.
Tinapakan ko ang sapatos niya. Nagreklamo ang mga mata niya pero hindi niya magawang magalit. Subukan niya lang.
Umilaw bigla ang bumbilya sa utak ko.
"You have waxing right?" Tanong ko sa receptionist.
"Yes mam." Sabay tango niya sa akin.
"Good. For my... for hi..." he cutted me.
"Her boyfriend. But she'll say that I am his ex boyfriend and I'll say that I am his future boyfriend and her currently manliligaw." Proud na proud naman niyang sabi and I can say that he's enjoying it.
Pwede ko bang iuntog nalang yung ulo ko sa counter? Sumasakit na ang ulo ko kay Nathan.
Bahagyang natawa ang babaeng receptionist.
"Diamond peel and beard waxing." Sabi ko sa kanya and smiled sweetly.
As for Nathan, I saw his eyes almost popped out of its socket. Syempre joke lang yun, pero nanlaki talaga ang medyo singkit niyang mata.
"Ahh Miss, No! Hindi ako nagpapaganun. Sinamahan ko lang talaga siya." Natataranta niyang paliwanag.
"You need diamond peel Nathan. Lumalaki ang pores mo ngayon."
"Oo, matatanggap ko pa yun, pero hindi ako nag papa wax ng balbas! I'm shaving it." Reklamo niya sa akin.
"Kaya miss, NO! Wag kang makinig sa magandang nilalang na ito ha? Nababaliw lang yan, busog kasi eh." He said sabay akbay sa akim.
"Ay hindi, magpapawax siya." Paglilinaw ko sabay lingon kay Nathan.
"Diba Babe?" I said and used my puppy eyes again.

BINABASA MO ANG
Your Love (transgenderXstraight)
RomanceIs he still the same guy I used to know? The same guy I met years ago? The same guy I fell in love? The same guy I'm still in love with. This is a story of a transgender and a straight guy. About wrong decisions and mistakes in life, regrets, second...