2:00 A.M. na ng huli kong namasdan ang relo pero heto parin ako at nakatitig lang sa kisame.
"Stop it Vince. I'm already torn apart... Can't you see? There's nothing you can do... I'm bounded by my past... I'm broken."
Parang isang record lang na paulit ulit na piniplay sa utak ko yung mga katagang sinabi niya.
Ano bang ibig niyang sabihin? Ano bang nakaraan niya?
Nagpagulong-gulong na ako sa kama ko. Halos mabaliw ako kakaisip kung ano bang ibig niyang sabihin.
Imbis na magmukmok ako sa kwarto ko ay lalabas na lang ako at pupunta ng kitchen para mag kape.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay siyang paglabas naman ni Sabrina mula sa guestroom kung saan siya natutulog dati.
Bale magkaharap kami ngayon at may dala-dala siyang libro.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagtitigan. Nabawi lamang yun ng biglang kumulog ng malakas. Umuulan parin pala.
Nakita kong nagtakip siya ng tainga niya at pumikit ng marinig yun, nanginig din pati katawan niya habang ako naman ay walang reaksyon.
Nang lalapitan ko na siya ay bigla siyang umatras na parang takot na mahawakan ko.
Yumuko lang siya at sinimulang paglaruan ang mga daliri niya kahit may hawak siyang libro.
Napabuntong hininga na lang ako at naglakad patungong hagdan upang doon na lang sa study room pumunta at gumawa ng paper works.
Nakita kong alas tres na ng madaling araw pero gising pa rin ako. Napailing na lang ako. May limang appointments pa man din ako bukas. Tsk.
Si Sab kaya gising pa?
Muli akong umakyat at naglakad patungo sa kwarto niya. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Buti naman at hindi na niya nilock. Unti-unti akong sumilip at nakita kong mahimbing na siyang natutulog. Sana hindi na siya magka-nightmare.
Nightmares... Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. I can still remember those horrific nights. Seeing her so scared and so weak just doesn't seem right.
Seeing her so calm and peaceful is something I would wanna see everyday. If I could just buy her happiness...
I shook my head lightly. What am I saying?
I shut the door softly and went back to my room. I lied down on my bed and stared at the ceiling.
I felt my eyelids dropping as my system shuts down out of exhaustion.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

YOU ARE READING
Bound and Broken
RomanceI've never met anyone like her. She's way too different from all the girls that I've encountered. She's so secretive, it's like she locked herself inside a box for some reason. She's a mystery, and I wanna discover her... Everything about her. She's...