抖阴社区

Bound Twenty-One

201 9 0
                                    

"What are you doing here?!" Nakakunot-noo niyang tanong. Halatang gulat na gulat siyang makita ako dito.

Well, of all places.. Dito pa talaga niya ako nakita.

"She's staying with me." Boses palang alam ko na kung sino. Lumingon naman siya sa likod niya at nakita niyang nakatayo roon si Vince.

"What?!" Paasik niyang tanong. Sabagay hindi nga naman nahihiya tong mag taas ng boses dahil itong apartment ni Vince ay ang nag-iisang room sa buong 21st floor.

"Sa loob na natin to pag usapan." Sabi ni Vince at saka dumiretso papasok, sumunod naman sa kanya si Eunice.

Yung totoo? Hindi niya talaga ako napansin?

Napailing na lang ako at sumunod na rin sa kanilang dalawa.

Nakita kong dumiretso silang dalawa sa kitchen.

"So?" Nakapameywang niyang tanong.

"Humingi ng favor si Katherine sa akin. I couldn't say no." Blanko ang expression niya. Parang yung mga unang araw ko rito. Yung cold side niya ang pinapakita niya.

Parang wala ako dito kung pag-usapan nila ah. Konting hiya naman.

Nakita kong nag roll-eyes lang siya sa sagot ni Vince.

Seriously, this girl has attitude problems.

"Kailan pa at hanggang kailan?" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ano ba siya ni Vince at ganyan na lang siya maka-react?

"A couple of days ago and just for 3 weeks." Sabi niya habang niluluwagan ang neck tie niya. 3 months pa uy! Sabihin mo yan sa kanya. Tss.

"I don't approve of this."

"I didn't ask for your opinion."

Magkahalong gulat at inis ang makikita sa mukha ni Eunice.

Napabuntong-hininga na lang si Vince.

"Fine, I'm sorry. So.. What brings you here?"

Mukha namang silang dalawa lang dapat ang mag-uusap kaya aalis na ako.

"Sabrina, come here." Ngayong papaakyat na ako, dun mo ko mapapansin? Yung totoo, Vince?

"Tss. No! Naiintindihan kong kailangan niyo ng privacy. Imma just let you guys talk. Okay? Okay." The sarcasm is in there somewhere.

Paulit-ulit na lang. Tss. Habang buhay na lang bang iikot ang buhay ko sa ganitong sitwasyon?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now