9:00 A.M. Kulang pa rin ang tulog ko. Sana lang maasikaso ko ng maayos ang mga pasyente ko ngayon.
Nandito ako ngayon sa study ko, inaayos ang mga papers ko at naghahanda na ring umalis.
Habang inaayos ko ang gamit ko ay may nalaglag mula sa isa kong notebook. Nang pulutin ko to ay nakita kong ito ay ang birthday invitation na binigay sakin ni Ysabel. 20 lang pala ang naibigay ko.
Napailing na lang ako. Tsk, Bahala na.
Pagkalabas ko ng study ay nakita kong nakatungo lang siya sa may kitchen counter habang nakaupo.
Nilapitan ko siya hanggang sa makarating na ako sa tabi niya. Pero parang di pa rin niya ako napapansin.
"Sabrina." Nag-angat siya ng ulo at saka tumingin sa akin. Naamoy ko naman yung green tea na tinimpla niya. Akala ko ba mahilig to sa coffee?
"Hmm?"
"Aalis na ako. May pasok ka ba?" Tumango lang siya. Ayaw ba nitong magsalita?
"Marami akong gagawin, baka hindi na kita masundo mamaya. Okay lang ba?" Tumango lang ulit siya. Para naman akong nakikipag usap sa hangin nito eh.
Aalis na sana ako ng may maalala ako.
"Here. It's my birthday this coming monday. Bahala ka na kung gusto mong pumunta. Ayoko din naman ng party, si Ysabel lang ang mapilit. It's your choice. Pwede kang pumunta, pwedeng hindi. Bye." Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako patungong elevator at sumakay na.
I may not sound like I was inviting her but I still want her to come. I'm hoping she would.
Please.. I hope you can come Sabrina..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabrina
Nagsinungaling akong may pasok ako. Day-off ko ngayon kung tutuusin. Ayoko lang talagang usisain niya pa yung tungkol kagabi at lalong ayaw ko muna siyang makausap. Nahihiya na ako sa kanya.
Dahan-dahan kong inabot ang bagay na nilapag niya sa mesa. Invitation? Birthday Party?
Birthday niya sa August 18. Sa monday. Pero wala man lang akong kaalam-alam at wala rin akong regalo.
Pero bago yun... Pupunta ba ako? Kaya ko bang pumunta? Siguro kaya ko naman siyang pagbigyan sa araw niya.
And about the gift.. What do you give a man who has everything? I mean he's rich, famous, hot and everything else. Wait.. Did I just say hot?

YOU ARE READING
Bound and Broken
RomanceI've never met anyone like her. She's way too different from all the girls that I've encountered. She's so secretive, it's like she locked herself inside a box for some reason. She's a mystery, and I wanna discover her... Everything about her. She's...
Broken Ten
Start from the beginning