抖阴社区

Kabanata:VII Tawad

5.7K 263 4
                                        

Binantayan ko ang kanyang bawat galaw, nakita ko ang kanyang pag bunot ng sandata. Naka tingin sa akin si Andula na may pag aalala.

"Bae Arami hindi niyo naman kailangan gawin ito, maayos lamang ang aking kalagayan." Anas niya sa akin, ngunit napa iling iling ako. Kahit ano pa ang kasalanan niya ay hindi siya dapat pag buhatan ng kamay, napa kuyom ako sa aking kamao.

"Ngunit magaling na mandirigma ang timawa ni Ginoo Makisig." Napa tingin ako kay makisig, kaya naman pala mayabang.

"Wala ka ng panahon upang umatras bae Arami kung kaya naman ay bibigyan kita ng tyansa, isang kamay lamang ang aking gagamitin." Anas sa akin ng timawa, tinaasan ko siya ng kilay ngunit ano pa ba ang aking magagawa?

"Kung gayon tinatanggap ko ang iyong kabutihan." Wika ko sa kanya, napa tingin ako kay Andula na inutosan siya gamit ang aking mga mata. Hindi naman siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan, mabuti naman at kaagad niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Napa tingtin ako sa kalaban na nasa aking harapan, masasabi kong maraming naka bukas sa kanya na maaaring atakihin ko lamang na magiging kanyang kamatayan. Sinimulan na niyang igalaw ang kanyang mga katawan, nag simula siyang mag lakad kung kaya naman ay mabilis kong pinaikot ang kampialn gamit ng aking isang kong paaat kasabay ng pag patong nito sa harapan ng aking paa ay kaagad kong hinagis pataas at sinalo ng aking kamay. Paikot ikot kami sa bilog sa may buhangin habang binabantayan ang bawat galaw ng isa't isa, Siya ang unang gumawa ng aksyon, itinaas niya ang kanyang kampilan at tumakbo papalapit sa akin para hiwain ako pero iniwasan ko iyon kaagad at dahil isa lang na kamay ang gamit niya hindi niya agad nabawi ang kanyang kamay, hinawakan ko ito sabay malakas na sinipa gamit ng aking tuhod ang kanyang tiyan at kaagad na pinatungan ng kampilan ang kanyang leeg.

Marahan niyang inangat ang kanyang tingin sa akin, itinaas ko ang aking isang kilay. Narinig ko ang kanyang pag daigsa sakit, nakita ko naman ang gulat ng mga taong nanonood sa amin.

"Subukan mong gumawa ng kahit anong galaw, at hindi ako mag aaksaya ng panahon upang pugutan ka ng ulo." Wika ko sa kanya, nagulat naman siya at kaagad na lumuhod sa buhangin.

"Patawad Bae Arami..." Anas niya sabay taas ng kanyang dalawang kamay.

"Hindi ka nararapat sa akin humingi ng tawad." Anas ko, napa tingin naman siya kay Andula at humingi ng tawad. Napa buntong hininga naman ako, at napa ngiti.

"Ako na rin ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ang aking uripon, kung iyong mararapatin ay handa akong handogan ka ng kahit ang halaga bilang pag hingi ng paumanhin." Wika ko, lumapit ako sa isang timawa kung saan ko nakuha ang kampilan na aking hawak.

"Maraming salamat." Anas ko sa kanya, hinila ko na si Andula paalis sa naturang eksena at bumalik na kami sa pag ligo sa ilog. Hindi ko aakalain na gagamitin ko ang mga natutunan ko sa Arena, wala akong balak na gamitin ang mga iyon laban sa iba ngunit ayaw ko rin na walang ginawa. Nilagpasan ko lamang ang ginoo at naka tingin sa amin at hindi na siya muling tinuonan man ng kahit anong pansin. Sinabi kong huwag siyang mangi alam ngunit hindi ko akalain na wala talaga siyang gagawin, at pinag masdan lamang akong makipag laban. Mukhang wala talaga itong paki alam kay Arami.

Kahit pa siguro mamatay ito sa harapan niya ay wala siyang gagawin kundi ang panonoorin lamang ito, siguro iniisip niyang hadlang si Arami sa kanilang pag iibigan sa babaeng mahal nito. Hindi ko maisip ang nararamdaman ni Arami kung siya mismo ang naka saksi sa aking nasaksihan, at kung paanong ginawa lahat na makisig na maitago lamang iyon upang protektahan ang taong kanyang iniibig.

Napa lingon ako kay Andula na naka yuko at hindi maka tingin sa akin, nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak.

"Patawad bae Arami kung dahil sa akin ay muntik na kayong mapa hamak, hindi ko alam ang dapat kong gawin kapag nagkaroon man lamang kayo ng kahit na anong galos o sugat." Wika niya sa akin, sunod sunod ang pag tulo ng kanyang luha hindi ako makapaniwala. Napa tingin ako sa kanyang kamay na nanginginig, hinawakan ko naman iyon.

"Patawad dahil labis kitang pinag alala, ngunit wala kang kasalanan at kaya ko ang aking sarili." Wika ko, napa tango tango naman siya sa akin. Ginulo ko naman ang kanyang mahabang buhok, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Na may umiiyak sa akin, na may kaibigan. Hindi ko alam na ang sarap pala nito sa pakiramdam, nais ko na lamang maging maka sarili.



Sinuklayan ni Andula ang aking mahabang buhok habang naka harap kami sa salamin, matapos naming maligo at mag laba sa ilog ay kaagad din naman kaming umuwi.

"Bae Arami maari bang mag tanong?" Napa tingin ako kay Andula.

"Oo naman, ano ba iyon?" Wika ko.

"Wala na ba talaga kayong nararamdaman para sa ginoong makisig? Hindi niyo lang naman siya nagawang lingonin kanina, narinig ko sabi ng kanyang kanang timawa tila nag iba na raw kayo ng tuloyan." Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot kay Andula.

"Sabihin na lamang natin na nais ko na talaga siyang kalimutan, alam kong hindi iyon magiging madali ngunit buo na ang aking desisyon." Alam kong wala ako sa pwesto para mag desisyon para kay Arami ngunit ano ang dapat kong gawin? Ayokong mag panggap, at ito lang ang naiisip ko sa ngayon.

Napagpasyahan kong libotin ang buong banwa kasama si Andula nag babakasakaling mahanap ko ang matandang nag bigay sa akin ng singsing, maaaring konektado sa kanya ang nangyayari sa akin.  At upang mas makilala ko ang naturang lugar, sagana ang naturang kabuhayan pansin ko kahit na nasa pinaka mababang uri ng mamamayan may may suot suot na ginto sa kanilang katawan, nakikita ko rin ang matinding paggalang nila sa kababaihan. Wika ni Andula malaki ang ginagampanan ng mga kababaihan sa naturang banwa, at kahit na sino sa panahong ito ay maaaring mamuno kapag may sapat kang lakas babae kaman o lalaki. Hindi ko mapigilang mamangha dahil ibang iba ang panahon na ito sa kasalukuyan, sa panahong ito hindi parausan o isang alipin lamang ang tingin nila sa mga kababaihan. Sa panahong ito isa sila sa malayang namumuno, at gumagawa ng desisyon. May nakita akong paghahabi ng mga tela, nabanggit sa akin ni Andula na paboritong gawin iyan ni Arami.

Nag patuloy kami sa pag lalakad, hanggang sa kapwa kami natigilan ni Andula ng nakita ko si Makisig nag lalakad papunta sa amin, napa kunot noo ako at gusto siyang taasan ng kilay pero hindi ko magawa dahil nasa harapan kami ng maraming tao.

"Hindi ko akalain na magkikita kita sa labas ng iyong silid aking asawa, nasisiyahan kaba sa iyong pamamasyal?" Tanong sa akin ni Makisig, nginitian ko naman siya pabalik.

"Salamat sa iyong pag tanong, ngayon hindi na este oo naman aking bana." Sarcasmo kong saad, napatango tango naman siya.

"Kung gayon ay sasamahan kita sa iyong paglalakad." Napa taas kilay aki, ano daw? Nabingi ata ako at kung ano anong naririnig ko na lumalabas sa bibig ng Makisig na ito.

"Hindi na aking bana, mukhang abala kapa kung kaya naman hayaan mo na akong mag isa." Nag patuloy na ako sa pag lakad, sumunod naman sa akin si Andula ngunit nagulat ako dahil bigla na lang hinawakan ni Makisig ang aking pulsohan.

"Marami akong oras para sa iyo aking asawa, kung kaya naman hayaan mo akong samahan ka." Napa tingin ako sa kanyang kamay, napa tango tango na lamang ako at napa ngiwi.

"Sabi mo ey." Anas ko at kaagad na pilit kinukuha ang aking kamay, binitawan naman niya iyon salamat naman. Imbis na magkasabay, ay napansin kong nasa likod sa akin si Makisig. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita. Napalingon ako at bilang napa hinto ng napansin kong hindi ko na pala kasama si Andula, hindi napansin ni Makisig ang pag hinto ko kung kaya naman ay nabangga niya ako. Bahangya akong nawalan ng balanse ngunit kaagad din namang naka bawi, nakita kong akma niya na akong sasaluin pero hindi natuloy dahil naihakbang ko ang aking paa mabalanse muli ang sarili.

"Aherm!" Tanging saad ko at nag patuloy sa pag lalakad.

"Wala ka bang sugat na natamo?" Ang buong akala ko ay hindi na siya magsasalita pa at hindi ko akalain na tatanungin niya ako.

"Huwag kang mag alala, kaya ko ang aking sarili." Anas ko sa kanya.

"Hindi ako nag aalala." Napa irap ako, sabi ko nga.

"Sabi mo ey." Kibit balikat na anas ko, may biglang dumaan na gilid ko na may malaking dala dala na kahoy. Bago pa ako mabangga nito ay mabilis akong hinila ni Makisig, napa hinto naman ang lalaking muntik  na akong mabangga at mabilis humingi ng tawad. Napa iling iling naman ako at kinaway kaway pa ang dalawang palad sa ere.

"Maayos lamang po ako, kung kaya hindi niyo na kailangan manghingi ng tawad." Wika ko sa kanya, tinulungan ko naman siya sa muling pag buhat ng kanyang dala dala ganun din si Makisig. Pagkatapos umalis nito ay ramdam ko ang titig sa akin ni Makisig kaya itaasan ko siya ng kilay sabay naunang maglakad.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon