抖阴社区

Kabanata:XLV Inumin

2.6K 93 18
                                        

        Third Person's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        Third Person's POV

Kasalukoyan ngayong naka upo si amira sa kanyang higaan habang kaharap si ginoong maisog, umiinom ng tubig na naka salod sa baso na gawa sa kawayan. Nilunok niya ang tubig at tinignan ang ginoong maisog. May araw na ng nagising siya dahil sa pag kakaiyak, at si maisog agad ang bumungad sa sa pag gising niya hindi pinag kaka ila na kamukhang kamukha nito ang kanyang dating kasintahan sa makabagong panahon, halos pareho din sila ng personalidad, ito din ang maging sandalan niya tuwing siya ay nalulungkot. Ngunit nagtataka siya, bakit napaka bait ng isang ginoo sa isang hamak na katulad niya? Isang uripon na wala namang maipag mamalaki.

Inilapag niya sa sahig ang baso at tinignan sa mata ang ginoo, ilang saglit ang nakalipas ay tuloyan na niyang inilabas sa kanyang bibig ang kanyang katanongan.

"Maging totoo ka sa akin ginoong maisog. Bakit napaka buti mo sa akin?" tanong ni amira sa ginoo.

"Hindi ko lubos maisip kung bakit ang isang hamak na ginoo ay napaka bait sa akin, hindi ko alam kung anong dahilan, ano ngaba ang dahilan?" nais niyang malaman kung bakit, upang malaman niya kung paano ito masuklian. Hindi muna ito sumagot ng ilang sandali.

"Dahil tinatangi kita arami." walang kung anong pag alinlangan na saad nito, na nag patigil kay amira.

"Anong ibig mong sabihin?" nanlalaking mata ni amira, hindi maari, tinatangi siya ni ganda. Hindi maaring magustohan siya nito, alam ni amira kung bakit gustong gusto ni ganda itong si ginoong maisog at hindi niya nais na mawala lang ang lahat ng pinag hirapan nito. Hindi niya maaitim. Hinawakan ng ginoo ang kamay ni amira habang naka tingin ito sa dating binukot.

"Kung kailangan kong ulit ulitin ng pang ilang beses ay gagawin ko, alam kong hindi mo ako magawang magustohan dahil may iniibig kana. Ngunit hindi ko din kayang walang gawin na lang. Nais kong ipakita sa iyo na sinisinta kita." Saad nito sa kanya, napa pikit naman ng mariin si arami. Talagang nagimbal siya sa sinaad ni ginoong maisog, hindi niya akalain na ganito. Marahas na umiling si amira sa ginoo at kinuha ang kanyang kamay sa kamay nito.

"Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin ginoo, ngunit hindi mo ako maaring magustohan. May iba na akong sinisinta, may isang babae na labis kang tinatangi, at hindi ko nais na biguin siya. Mas may hihigit pa sa akin maisog. Hindi ako ang nararapat na iyong pag alayan ng pag ibig dahil may iba pang may karapatdapat sa iyong pag ibig." Saad ni amira kay maisog, hindi niya nais na masaktan si ganda. Nais man niyang sabihin sa ginoo ang lahat ng kanyang nalalaman ay hindi niya maaring gawin, hindi niya maaring pangunahan si ganda at ang ginoo. Nalilito lang ito marahil ngunit hindi dapat si amira.

"Ngunit ikaw ang aking sinisinta." pag pupumilit ni maisog.

"Nalilito ka lamang  ginoong maisog, nalilito ka lamang." pag patuloy na saad ni amira.

"Ngun---"

"May ibang nag nanais na angkinin ang iyong puso ginoong maisog, at hindi ko nais na masaktan siya. Kaya naman huwag mo nang ipag pilitan ang iyong nais." pag puputol niya sa ginoo, akmang mag sasalita pa sana ito ng bigla na lamang dumating ang ina nito. Nalilito itong naka tingin sa kanila, ngunit agad naman nitong sinaad ang nais na sabihin.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon