抖阴社区

                                    

Pagkarating namin sa apartment ay agad akong umakyat sa taas at dumiretso sa kwarto ko. Unti-unti kong nararamdaman ang sakit sa may kamay ko. Nang lingunin ko ito ay medyo namumula pa.

Hinimas-himas ko na lang ito. Baka sakaling mawala ang sakit.

Dumiretso ako sa banyo at nag shower na. Hindi ko alam pero bigla na lang akong umiyak.

Tuwing na lang may ganitong pangyayari.. Bumabalik yung nakaraan.. Bumabalik lahat.. Lahat lahat ng sakit..

Napapikit ako at unti-unting napa-upo sa tiles, niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at umiyak doon.

Pagkalabas ko ng banyo ay parang hinang-hina ako. Parang lahat ng lakas ko ay na-drain mula sa katawan ko.

Bukas ko nalang siguro iisipin ang mga problema ko.

Pagkapatay ko ng ilaw ay agad agad akong dinalaw ng antok. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa kwarto ko parin ako ngayon at nakaupo sa kama. Mukhang hindi naman pala talaga ako inaantok. Masyadong maraming iniisip.

Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko? Parang may mali?

Napalingon ako bigla sa pinto. Parang may nakamasid sa akin.. Pero wala naman akong nakikita.

Ano ba tong iniisip ko?

Tumingin ako sa relo at nakitang 2:37 na ng madaling araw. Napailing na lang ako. Kailangan ko ng matulog.

Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko gamit mga kamay ko.

Napabuntong hininga ako. Pipilitin ko na lang matulog.

Pag angat ko ng ulo ko ay nakita kong may isang pigura ng tao pero hindi ko makita ang mukha niya. Parang anino lang.

Hinawakan niya ang wrist ko at hinihila ako ng marahas. Sino ba to?! Anong nangyayari!

Pinipilit kong pumiglas mula sa pagkakahawak niya pero napaka lakas niya.

Nang mapabaling ang tingin ko sa kama ay nakita ko ang sarili ko na natutulog. Agad na nanlaki ang mga mata ko. Shit!

Mas lalo ko pang pinilit na makawala. Isa lang ang nasa isip ko. Hindi niya pwedeng kunin ang kaluluwa ko.

Sigaw ako ng sigaw sa sarili ko na gumising na pero parang walang nangyayari. Mas lalo pa akong nagwala at sumigaw ng mas malakas upang magising na ako.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang kalahati ng katawan ko na gumagaya na sa pagpiglas ngunit parang pinipigilan parin nito ang pag gising ko at pag balik sa realidad.

Hindi to pwede. Kailangan mong gumising!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Parang akong muling nabuhay ng magising ako mula sa panaginip na yun. Ang posisyon ko ay yung posisyon ko mismo sa panaginip ko.

Napahilamos ako ng mukha gamit kamay ko. Thank god nagising ako.

Ngayon ko lang napansin na wala pala si Vince para gisingin ako. Wala siya..

Paglingon ko sa orasan ay nakita kong 3:56 na ng umaga. Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Agad ko itong pinahid at saka tumayo na.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng kitchen. Nagtimpla ako ng green tea, pampakalma man lang.

Habang umiinom ng tea ay naisipan kong mag-ikot ikot sa buong apartment.

Sa paglilibot ko ay nakita kong meron pala siyang parang mini gym dito, kumpleto nga yung equipment niya eh.

Naglakad ako patungo sa isa pang pinto at pinasok yun. Music room. Punong-puno ng iba't ibang instruments, sound systems, records at iba pa. pero yung isang instrument na gusto ko ay wala rito.

Paglabas ko ay sa living room naman ako dumiretso. May nakita akong isang bagay na tinatakpan ng puting tela.

At dahil na curious ako ay tinanggal ko ito. Tumambad naman sa harap ko ang isang napakagandang piano. Ito yung hinahanap ko kanina.

Napakakintab, itim na itim at talagang napaka ganda. Inikutan ko ang buong piano at hinaplos ito ng buong paghanga. Napapangiti ako sa bawat haplos ko rito. Simula bata ako ay pinangarap ko ng magkaroon ng ganitong kagandang instrumento.

"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Vince. Maitim pa rin ang aura niya hanggang ngayon.

"H-hindi kasi ako makatulog.." Naka-poker face lang siya habang nakatitig sa akin.

Unti-unti siyang lumapit at pinulot ang tela. Nilapitan niya ang piano at muli itong tinakpan.

Lumakad na siya papalayo pero bago siya umakyat ay nagsalita siya.

"Hindi ka papasok bukas." He said with his cold tone.

With that, he left . Leaving me shocked and dumbfounded.

He's still mad as hell.

I need to think of a way to make it up to him. But how?

NOTE: Please share your thoughts about the story for every update. Your reactions are highly appreciated! Thanks. 

P.S. I'm open for any comments, suggestions or violent reactions.

-Scripter

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now