Kabanata 13
Music
Halos magsasara na kami bago pa umalis sina Maddisson at Ryler kaya bagot na bagot ako habang nagpupunas sa mesa. Kinulit pa ako ni Enzo tungkol sa kay Maddisson pero ini-snob-an ko lang ito.
Pabagsak kong isinabit sa kanang balikat ang backpack ko sa inis. Busangot ang mukha habang naglalakad palapit kay Enzo na nakakunot nga ang noo pero pinipigilan naman ang ngisi. Halatang nang-iinis lang eh.
Tulad ng nakasanayan na nito, binuksan ni Enzo ang passenger seat tsaka ito tumayo ng tuwid at nag-cross arms ng makalapit na ako.
"What's with that face?" I snorted because of Enzo's question but I heard him chuckled. "Is that because of our last two customers?"
Nanggigigil ko itong inirapan tsaka pumasok na sa passenger seat. Humalakhak naman muna si Enzo bago sinara ang pinto at pumunta sa driver's seat. He even whistled that irritates me more. Ngali-ngali ko itong batukan kaya mas lalo pa ako nitong inasar.
"E-ban mo nga 'yong dalawang 'yon sa coffee shop mo. Nakakainis!" asik ko kaya tinawanan ako ni Enzo.
"You're really that pissed huh. Bakit?" nanunuyang tanong ni Enzo.
Nag-iwas ako ng tingin dahil ayaw kong malaman nito ang dahilan kung bakit inis na inis ako sa dalawa, lalo na kay Maddisson.
"Siguro crush mo iyon tapos may girlfriend na kaya ka naiinis," dagdag ni Enzo kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"H-Hindi 'no!" alma ko. Enzo's lips stretched for a clever smile.
"Talaga ba? So ano ang dahilan at nauutal ka?" Enzo teased me even more.
"K-Kasi binu-bully ako ni Maddisson sa school. Oo! Binu-bully niya ako!" Muntik pa akong mapapalakpak dahil sa palusot ko. Well, totoo naman 'yon.
"Kailan? Why didn't you tell me that?" usisa nito sa akin.
"Ah... kasi nakalimutan kong ikwento sa 'yo. Tsaka matagal na 'yon! 'Wag na lang," natataranta kong paliwanag tsaka inismiran si Enzo. Alam ko kasi na kokomprontahin na naman nito ang kung sino man ang nang-bully sa akin tulad dati.
Pagdating namin sa boarding house ay agad binuksan ni Enzo ang pinto ng sasakyan. Bumaba ako at niyakap ako nito bago nagpaalam na aalis na.
"I'll go now... good night," sabay halik ni Enzo sa noo ko.
"Ingat!" Kaway ko.
Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Enzo ay tsaka lang ako tumalikod para pumasok na.
Muntik pa akong matumba dahil sa gulat. Paano ba naman, nakatayo sa likod ko si Ryler at sobrang seryoso ng tingin sa akin.
Napalunok ako nang hindi pa rin ako nito binitiwan. Nakahawak ito sa beywang ko para hindi ako matumba.
Dali-dali akong umayos ng tayo at tumikhim. I awkwardly looked away. Ryler's stare was damn intense! It sent a thousand voltages of electricity through my entire body.
"U-Uhm..." I uttered tsaka bumaling sa kaharap. Seryoso pa rin itong nakatitig sa akin. "Uhm... e-excuse me... dadaan lang po," mahinang saad at akmang hahakbang pakanan pero agad din akong hinawakan ni Ryler sa siko na ikinakislot ko.
Sobrang init ng palad nito pero parang nanlalamig ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
I stepped backward, takot na baka marinig nito ang kabog ng dibdib ko.
Ryler looked uneasy because of my sudden reaction. I can't help it! I can't handle his presence! Sa sobrang lakas nang pintig ng puso ko, para na tuloy akong sinasakal dahil ang hirap huminga.
"I-I'm sorry," Ryler said kaya napakunot ang noo ko.
"U-Uhm... okay lang, nagulat lang ako."
I bowed my head at ngumuso.
"Not that... I mean..." pagputol nito sa sasabihin dapat dahilan upang magtaka ako lalo.
"Sorry saan?"
"Uhm... sorry about what happened at the coffee shop." Nag-loading pa ako dahil sa sinabi ni Ryler. Hindi ko malaman kung alin doon ang hiningian neto ng sorry.
Maybe it's too obvious in my face, that's why Ryler explained it to me. I just nod at him. Wala naman kasi akong karapatang mag-demand ng explanation why he's with Maddisson. In fact, I was shocked when he said they are not in a relationship.
I shouldn't feel happy, right? But what can I do if it is really what I feel? Yes! I am happy, yet... afraid.
But what can I do if my heart says it all?
"I... have something to tell you." Tumango ako. Kinakabahan pa rin.
"I like—"
Naputol ang sasabihin sana ni Ryler nang may biglang nagpatugtog ng kanta.
My heart skips a beat when a familiar music played. Para akong na-istatuwa sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
No... please, not this time.
Kasabay nang pagbigkas sa chorus ng kanta ay ang paglaglag ng luhang naninirahan sa mga mata ko sa loob ng ilang taon.

BINABASA MO ANG
I Was Once Like You - COMPLETED
RomanceSTATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne Lhourense's life as a college student was turned upside down when she decided to grab the opportuni...