抖阴社区

CHAPTER 13

8K 269 47
                                    

Chapter 13

What is love? The type of love I’m describing is the one that gives you butterflies when a certain person comes to mind. Just seeing that particular person can be enough to make one smile and make your day and all the worries go away. Right now that person comes to mind. It’s neither a crush nor infatuation and many are willing to do anything for this thing that is called love. Love can hurt in the long run, and people can also be blinded by it. Those who are ready to be loved have to ask themselves if there are emotionally ready for. Many people put up walls to guard their “heart” from being hurt again. Love teaches us many lessons. We use those lessons in our future relationships. We don’t want to make the same mistakes. @Bartleby writing.

Pinindot ko sa laptop ko ang words na print. matapos kong basahin ang napili kong meaning na love.  Isang linggo na ang lumipas nang magkaroon ako ng boyfriend. Pakiramdam ko naging makulay ang buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend para kang prinsesa na ayaw magalusan. Tiningnan ko si Coby, ang himbing ng tulog niya. Kagabi kasi nagcelebrate sila ni Kuya para sa pagiging official na magkarelasyon namin. Hindi na rin ako nag-isip na baka may bakla sa kanilang dalawa ni Kuya, dahil alam ko na ang totoo.

Pagkatapos lumapit ako sa tulog na tulog na si Coby at pinagmasdan ko siya. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Napaka-amo ng kanyang mukha at sobrang gwapo. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang mabilis na pintig ng puso ko sa kanya. Hinaplos ko ang mukha niya. “I love you.” Sabi ko.

Dumilat siya. “I love you too.” Pagkatapos hinila niya ako palapit sa kanya. Dinaganan niya ako upang siya ang nasa ibabaw ko.

Pulang-pula ang mukha ko dahil sa gulat at hiya sa kanya. Kainis! Gising na pala siya.

“K-Kanina ka pa gising?” Nabubulol kong sabi.

Sa halip na sagutin niya ako mabilis niya akong hinalikan sa labi. Siyempre gulat na gulat ang lola mo. Baka mahuli kami ni Mommy at Daddy na nagki-kiss.

“Nakapag-almusal na nga ako.”

“W-What? Ang daya mo akala ko hindi ka pa nagigising.” nauutal kong sabi sa kanya.

“I won’t miss this morning to watch you while sleeping.”

“Kinikilig ako. Shit!”

My cheeks are like red tomatoes. “Ang sweet naman ng boyfriend ko.”

“Yeah, so breakfast ka na.”

“Feel at home ka talaga dito sa’min. Ikaw ba nagluto?”

“Nope, ayaw ng kuya mo e, gusto niya siya ang nagluluto ng pagkain niyo everyday while his stay here.”

“Ang sweet talaga ng kuya Daniel ko.”

Bumangon siya at inalalayan niya ako sa pagtayo. “Kapag nagtagal pa tayo ng ilang minuto. I’m sure after nine months may baby na tayo.” Sabay kindat niya sa’kin.

“Pasaway ka talaga!” Sabay hampas ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas “Seryoso ako.” Sabi pa niya.

“Patapusin mo muna ako ng college.”

“Tumawa siya sa’kin. “Tingnan natin kung kaya kong patagalin pa ang paghihintay.” Marahan niyang pinisil ang pisngi ko at pagkatapos magkahawak kamay kaming dalawa habang papunta sa kusina.

                             

“Hoy! Girl, nababaliw ka na ba?” Tanong ni Allyson sa’kin habang nasa cafeteria kami ng school. Sinimsim ko ang softdrinks ko bago tumingin kay Allyson at matamis na ngumiti.

DON'T CALL ME UGLY #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon