[ROMINA’S P.O.V]
“So, siya ang girlfriend ni Coby?” Tanong ko sa naging classmate ko noong nag-aaral ako ng high school sa pilipinas.
Pasimple tiningnan ni Leslie ang dalawang babae na nasa kabilang table. Nasa isang coffee shop kami dahil sinundan namin ang dalawang babae na sinasabi ni Leslie na kilala niya ang girlfriend ni Coby at isa doon sa dalawang iyon.
“Yung babae na nakasuot na puting maong na short siya yung babae at yung isa bestfriend niya.”
“I see… hindi naman pala maganda ang kinahuhumalingan ni Coby. Kaya ko pa siyang takutin mukha naman silang coward.” Sabay tawa ko.
“Kailangan ba talagang takutin siya?”
“Yes.” Sabay tingin ko sa dalawa. “Hindi ko na kayang utuin si Coby baka ang girlfriend niya pwede pa.
Nagkibit-balikat si Leslie. “Ikaw ang bahala basta if you need my help nandito lang ako.”
“Watch me friend.” Sinimsim ko muna ang ice tea ko bago ako tumayo at lumapit sa dalawa na abala sa kwentuhan. Tumayo ako sa harapan nila at nameywang at sinadya kong itaas ang kanang kilay ko.
“Hey!” Agaw atensiyon ko sa kanila.
Sabay silang tumingin sa’kin pagkatapos muling pingpatuloy ang kwentuhan na parang wala ako sa harapan nilang dalawa. Nakaramdam ako ng inis sa dalawa dahil sa pandedeadma sa’kin. Hindi man lang ba sila natakot sa aura ko.
Kinuha ko ang softdrink ng girlfriend ni Coby. “What a cheap drink.” Tinapon ko iyon sa harapan nila.
“Girl, pigilan mo ako away ang hanap ng babaing ito.” Sabi ng kaibigan ng girlfriend ni Coby na si Dianne.
Lihim akong napangiti dahil napagtagumpayan ko silang inisin. Ito yung gusto ko talagang mangyari ang mag-away kami.
“Chill ka lang girl masira ang beauty mo.” Sabi ni Dianne.
“May beauty ba kayo? Pareho kayong ugly. Ugly lady.” Sabay tawa ko ng malakas.
Tumayo si Dianne at gigil na humarap sa’kin. “Say it again!” Gigil na gigil nitong sabi.
“Ugly! Ugly!Ug— ouch!”
Sinampal ako ni Dianne.
“Sabihin mo na ang lahat ng masasakit na salita wag lang ang salitang ugly.” Galit na galit na sabi ni Dianne.
“How dare you!” Sasabunutan ko sana siya pero nahawakan niya ang kamay ko. “Let me go!” Sigaw ko.
Naging agaw eksena tuloy kami sa loob ng coffee shop na iyon.
“Bitch! Kung sakit ng katawan ang gusto mo dapat sinabi mo agad!” Pinisil ni Dianne ang braso ko. Napasigaw ako sa sakit. Pilit kong hinihila ang kamay ko.
“Let me go!”
“Okay!” Sabi ni Dianne. Patulak akong binitawan ni Dianne. Muntik na akong bumagsak sa semento kung hindi ako nakakapit sa security guard na lumapit sa’min.
“Manong guard, pakialis nga ang babaing ‘yan.” Utos ni Dianne.
“Maam kailangan niyo na pong umalis.” Hinawakan siya ng security guard.
“Bakit niyo pinapalabas ang kaibigan ko?” Tanong ni Leslie.
Nakakainis ang babaing yan kanina ko pa kailangan ng back up ngayon lang dumating.
“Lumayas kayo sa coffee shop namin O baka gusto niyo kami ang kakaladkad sa inyo!” Sabi ni Dianne.
So sila ang may-ari ng coffee shop na ito, kaya pala ang lakas ng loob letche!
“May araw ka rin!” Habol kong sigaw. Habang hawak-hawak ako palabas ng guard.
“Wala akong pakialam!” Pang-asar na ngumiti si Dianne sa kanya.
***
“Damn it! Damn it!” Naghihisterikal kong sigaw. Pinagbabato ko pa ang mga gamit na nahawakan ko sa loob ng condo unit.
“Pinahiya niya ako! Hindi ko papalampasin ito!”
“Hindi mo muna kasi inaalam na sila pala ang may-ari ng coffee shop. Mabuti pala hindi kita tinulungan kanina mukha rin sana akong nakakahiya.” Sabi ni Leslie.
Sumama siya sa’kin sa condo unit ko. Habang ako nagwawala sa galit si Leslie kampanteng kumakain ng ice cream.
“Isa ka pa! Akala ko pa friends tayo! Hinayaan mo akong mapahiya!”
“Malay ko bang bigla-bigla kang gagawa ng eksena. Obvious naman kasi ang pagiging warfreak mo.”
“Babawian ko siya at sisiguraduhin kong hindi siya maging masaya sa gagawin ko!”
“Anong plano mo?”
Kuyom ang kamao ko habang nakatingin kay Leslie.
“Sisirain ko ang relasyon nilang dalawa ni Coby! Hindi ako papayag na maging masaya sila!”
“Gusto mo rin maghanap ng kasama sa pagiging heart broken mo. Tsk! Tsk! Pathetic.”
“Akala ko ba kakampi kita kanina mo pa ako kinokontra!” Sigaw ko sa kanya.
“Calmn down.” Tinaas pa ni Leslie ang kamay niya.
“Get out!” Itinuro ko pa sa kanya ang pintuan.
“Okay! Bye!” Pang-asar pa siyang ngumiti sa’kin pagkatapos umalis na si Leslie.
Palibahasa si Leslie walang problemang love life dahil easy go lucky siya. Hindi niya sineryoso ang love para sa kanya naglalaro lang siya.
Nang hindi ko na matanaw si Leslie. Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko na nasa loob ng SPIA. Hindi ako estudyante ng school na iyon kaya hindi ako makakapasok sa loob para bantayan ang dalawa ngunit hahanap ako ng tao na nasa loob ng school para sabihin kung ano ang ginagawa ni Dianne at Coby doon.
“Hello! Terrance. This is Romina.”
Sabi ko nang marinig kong sinagot niya ang tawag ko.
“Romina?” Halos hindi makapaniwalang sabi ng nasa kabilang linya.
“How are you?”
“Kailan ka pa bumalik ng pilipinas Romina?”
“Hindi mo na kailangang malaman. Tumawag ako sayo para humingi ng tulong.”
“Psh! Tumawag ka sa’kin para humingi ng tulong pero tinatarayan mo naman ako. Do you think tutulungan pa kita sa ginawa mo?”
Sumimangot ako. “Kailangan mo akong tulungan na pabagsakin si Coby.”
“Coby Santiago?”
“Yes, may girlfriend na siya at ayokong magkatuluyan silang dalawa.”
“Well, pareho tayo ng ginagawa gusto ko rin pabagsakin si Frits para makuha ko si Allyson.”
“Oh, really? Small world.” Sabay ngiti ko.
“Yes, kung hindi tayo magkapareho ng layunin sa magpinsan hindi kita matutulungan. Anyway, anong tulong ang kailangan mo?”
“Gusto kong mammanan mo si Coby at Dianne dahil may binabalak akong plano para sa kanila.”
“Sure.”
“Salamat. Hindi pala ako nag kamali ng tinawagan.”
“Wag kang magpasalamat agad.”
“Well, advance thank you ‘yan. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo I can’t say no to you.”
“Okay.”
“Good bye!” Sabay putol ko sa tawag.
“Pulpol!” Sabi ko sa hawak kong cellphone. “Kapag nagtagumpay ako sa plano ko idedepatsahin na rin kita.” Ngumiti ako sa salamin na nasa loob ng kwarto ko pagkatapos humalakhak ako ng malakas dahil may taong tutulong sa'kin para matupad ang plano ko.
