抖阴社区

CHAPTER 04: PAKIUSAP

681 28 1
                                        

MELVIN'S POV

"Prinsesa Victoria? ..." hindi makapaniwalang tanong ni Haring Visente. "W-walang dudang ikaw nga ang paslit na labing-anim na taon ng nawawala. Ng-ngunit sa maraming taon na 'yon na iyong pagkawala ... bakit ikaw ay nakatayo sa'king harapan?! Hindi ba dapat ikaw ay namatay na?!" dugtong pa nito ng mapagtanto niyang walang dudang si Prinsesa Victoria ang nasa harapan niya.

Kaagad nagsitayo ang apat na Hari at kaagad silang napunta sa harapan ni Prinsesa Victoria "A-ano ang inyong ginagawa sa labas ng Palasyo?! Masyadong mapanganib ang lugar na 'to para sa'yo!" ang sabi ni Haring Gatrel na bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Nabanggit sa'min ni Melvin na ikaw ay nakabalik na ng Palasyo. Nasaan si Felizen, hindi ba dapat siya ay kasama mo ngayon?!.. " tanong ni Haring Jil.

"Mahirap lumaban ng may pinoprotektahan" mahinang sambit pa ni Haring Fidel.

"Ngunit mas mahirap na walang pinoprotektahan" nakangiting sagot naman ni Leoford.

"Wala namang nagsabi sa inyo na kailangan niyo 'kong protektahan" rinig kong bulong ni Prinsesa Victoria matapos kong sumunod sa kanila

"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganiyan nalamang katalas ang dila mo. Ngunit dahil si Reyna Elina mismo ang nagpalaki sa'yo, at dugong Royal ang dumadaloy sa'yo ngayon... hindi ako tatalikod sa'yo" mahina at mahinahon namang sagot ni Haring Fidel.

"Nuong una ay nagduda ako sa mga salitang sinambit mo. Ngunit anong dahilan at sa haba ng panahon ay ngayon ka lang nagpakita?" ang sambit naman ni Haring Visente at napansin namin ang mahinang pagtawa niya "H'wag mong sabihin na hinintay mo ang pagkakataon na 'to-- pagkakataon na hinding-hindi kayang palampasin ng kung sino man? Pagkakataon kung kailan maaari mong pagharian ang pinakamalaking Kaharian dito sa mundo?" dugtong pa nito.

Handa na sanang sumugod si Haring Leoford dahil sa pang-iinsulto ni Haring Visente sa Prinsesa nang mismong ang Prinsesa ang nagpahinto sa kanya gamit ang mga salita "Kung ngayon lang ako nakabalik dito, kahit ako mismo hindi ko alam sa sarili ko ang dahilan. Ang tanging alam ko lang ay pinadala ako dito ng dating Reyna para protektahan ang Silvestre sa mga taong katulad mo" at naramdaman ko ang unti-unting paglakas ng Mahika niya.

At hindi naman nagpatalo si Haring Visente  "H'wag mong kakalimutang mahina ang salamin sa kidlat" kampante na samabit niya habang patuloy siya sa paglabas ng Mahika niya.

"Ooh? Gaano ka nakakasigurado?" at duon namin nasaksihan ang kakaibang mga ngiti sa labi ni Prinsesa Victoria "ᛊᚹᚨᚱᚨ  (Swara)" at mas lalo pang lumakas ang mahika na nararamdaman namin mula sa kanya. "ᚺᛖᚠᛏᛦ᛫ᚷᛚᚨᛊᛊ (hefty glass)" sunod niyang sambit kaasabay ng paglitaw ng napakakapal na salamin sa harapan ni Haring Visente na kaagad nitong nilingon. 

"ᚨᛊᛏᚱᛁᛞ (Astrid) at hindi maalis sa mga labi ni Haring Visente ang mga ngiti "ᛊᛏᚨᚲᚲᚨᛏᛟ᛫ᛚᛁᚷᚺᛏᛁᛜ᛫ (staccato lightning)" at sa isang salita nabasag ang salamin na lalong ikinatuwa ni Haring Visente ngunit nang tignan ko si Prinsesa Victoria hindi naalis ang mga ngiti nito sa labi niya at nabigla kami sa biglang pagsigaw ni Haring Visente. Sa muling pagbabalik ko ng lingon sa kanya, duon ko napansin ang mga maliliit na salamin na sumugat sa katawan niya "Nabasag mo man ang salamin ko, hindi ibig sabihin nito ay naglaho 'to. Kung hindi mo gustong tuluyan kong sirain ang mukha mo, magsimula ka ng maglakad palabas ng Kaharian na 'to" matapang na sambit ni Prinsesa.

"Tsk.Hindi ko kakalimutan ang araw na 'to"ang sagot naman ni Haring Visente  at mistula siyang kidlat sa paglaho niya.

"Ang akala ko ay huli na ang lahat" ang sambit ni Haring Leoford kasabay ng malalim nitong pagbuntong hininga.

"Hindi pa tapos ang lahat. H'wag kang maging kampante. Gatrel, alamin mo kung ilan ang sugatan at mga nasawi dahil sa insidente at ituro mo ang mga 'to kay Fidel" utos naman ni Haring Jil.

Naramdaman namin ang Mahika ni Haring Gatrel "Tatlumput isa ang sugatan at sa kabutihang palad, walang nasawi sa insidente. Fidel, ikaw na ang bahalang magpagaling ng mga sugat nila"

Handa na sanang umalis si Haring Fidel nang hawakan ito sa braso ni Prinsesa Victoria "S-sandali, gaano kalakas ang Mahika mo? Hanggang gaano katinding sugat ang kaya mong pagalingin?"

"I-ikaw ba ay sugatan, Prinsesa?!" kaunting pagkataranta ni Haring Gatrel.

Umiling ang Prinsesa at napansin ko ang mukha niyang umaasa na kaparehas ng iniisip niya ang magiging sagot ni Haring Fidel "Hindi ako" 

"Kung hindi ikaw, sino?" tanong ni Haring Leoford.

"Ang kapatid ko. Si Deonel" sagot niya na ikinabigla naming lahat.

"Kapatid? si Prinsipe Deonel ba ang iyong tinutukoy? Sandali! matagal ng patay si Prinsipe Deonel kasabay ng mga Prinsesa at Prinsipe" pagsingit ko naman.

"Hindi ako makikiusap ng ganito kung hindi siya buhay" at duon namin nakita ang disperadang mukha ni Prinsessa Victoria "Dalawang taon kong naramdaman na may mga magulang at kapatid ako, pero mabilis itong kinuha sa'kin. Labing anim na taon akong nabuhay sa kasinungalingan na tanging si Lola lang natitirang pamilya ko. At ngayon, nasa harapan ko ang kapatid ko na pwede pang mailigtas. Siya nalang ang natitirang pamilya ko ngayon ... siya nalang. Kaya naman nakikiusap ako ... kung kaya mong magpagaling ng sugat gaano man 'to katindi, nakikiusap ako sa'yo para tulungan siya. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan mo ... gagawin ko, iligtas mo lang ang kapatid ko" Hindi namin inaasahan na ganito ang gagawin ng Prinsesa. Ngunit hindi narin namin kailangang tanungin ang dahilan ng mga luhang unti-unting nabubuo sa kanyang mga mata. 

"Kung nakayanan niyang manatili sa ganoong posisyon ng labing anim na taon, nakakasigurado akong kaya niyang makapaghintay. Magkita-kita nalamang tayo sa Palasyo" at naglaho si Haring Fidel.

"Hindi ko nais isipin na ang dahilan kung bakit mo lamang kami niligtas ay upang maibalik mo si Prinsipe Deonel at hindi para iligtas ang Silvestre" mahinang sambit ni Haring Jil at handa na sana siyang lumiban nang muling magsalita si Prinsesa Victoria "Gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang ang natitirang pamilya ko"

"Kung humiling kami ng kapalit sa pagtulong na gagawin namin, kaya mo ba itong sundin? Kahit na ang hilingin namin ay ang pagiging Reyna ng Silvestre?" dugtong na tanong ni Haring Jil at lumipas ang ilang segundo ng hindi pagsagot ni Prinsesa "Hindi ko malaman kung matigas ba ang iyong puso o malambot 'to. Mas mabuti pang bumalik ka na sa Palasyo"

"Kung ano man ang desisyong bitawan ko sa inyo. Wala parin sa'kin ang huling desisyon dahil hawak niyo ang desisyon kung makakabalik ako sa dating mundo ko o hindi. Swara tara na" mahinang pagtawag niya at lumitaw ang isang salamin na kanyang ginamit para makabalik ng Palasyo.

"Melvin, alam ko na ang Mahika mo ang dahilan kung bakit niya 'yon nasabi. Sapat na rason na 'yon para sumama ka sa'min sa Palasyo. Gatrel, Leoford, ikaw na ang bahala dito" sabi naman ni Haring Jil sa'kin at naglakad siya palayo.

"Ano ang iyong balak, Gatrel?" tanong ni Haring Leoford.

"Ibabalik ko sa dati ang mga nasira. Mas mabuti pang sumunod ka na sa Palasyo upang may magpoprotekta sa Prinsesa, dahil hanggang ngayon ay hindi ko mahanap si Felizen"

"Nag-aalala ka ba para kay Prinsipe Deonel?" tanong pa nito.

"Natural na lamang ang mag-alala ako, Leoford. Dahil hindi ko inaakala na nalinlang tayo  upang palabasin na patay na si Prinsipe Deonel upang protektahan siya maging ang silvestre"

"Hindi ko man nais sabihin ito, ngunit hindi ako nagkakamali na nagkaraon ng rason si Prinsesa Victoria upang manatili dito sa Silvestre"

Hindi nagkakamali ang Hari, ngunit ano ang iyong pipiliin Prinsesa Victoria? Ngayon niyo pa lamang nakilala si Prinsipe Deonel matapos ang labing-anim na taon, kahit isang napakagandang memorya ay wala kayo ... hindi katulad ng memorya na mayroon kayo ni Reyna Elina ... ngunit ang magagandang memorya na 'yon ... nabubuhay lamang sa mundong alam mo. Ganun pa man, lahat ng memorya na 'yon ay nananatili nalamang isang memorya hindi katulad ni Prinsipe Deonel na buhay pa at maaari niyo pang makasama.


Tbc ...

Denied ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon