抖阴社区

CHAPTER 07: IMBITASYON

521 20 0
                                        

Kung ganiyang mga mata at ngiti ang ipapakita niyo sa'kin, hindi ko malalaman kung masaya ba kayo ngayon. Kaya pwede po bang ngumiti nalang kayo palagi? dahil alam ko na hindi ko na kayang palitan ng saya ang lungkot na nararamdaman niyo ngayon. Pero, dahil sa ipinapakita niyo sa'kin, naiisip ko na masaya kayong nakabalik ako sa Silvestre at nakilala ko si Deonel maging ang mga taong nasa likuran ko ngayon na sobrang disperadong protektahan ako at napakadisperadong maging Reyna ako. Haha, pero thankful po ako dahil hinayaan nila ako na makita kayo ulit kahit sa kakaunting oras lamang. Pero lola, sana po ay h'wag kayong magalit sa desisyon na ginawa ko at gagawin ko ulit. Dahil kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo, hindi mababago ang desisyon kong pagtanggi sa trono. At hindi ko rin hahayaan na maupo rin sa trono si Deonel. Dahil ang gusto kong buhay naming dalawa, ay katulad ng buhay na ipinaramdam niyo sa'kin. Salamat Lola ...

Sa pagdilat ko, siyang pagdaan ng malamig na hangin na para bang yumakap sa'kin.

Sa paglingon ko sa likod ko, napansin ko na hinihintay nila ako. Sinalubong nila ang paglingon ko ng may mga ngiti.

"Sa loob nalang tayo magpalipas ng oras" at pinunasan ko ang luha ko atsaka kami naglakad pabalik sa loob.

Dahil nanduon pa ang mga kagamitan namin, at mayroon pa kaming ilang edible na pagkain, napaghanda ko sila.

"Hindi ba dapat ay kami ang gumagawa niyan, Prinsesa?" tanong ni Delvin.

Ngumiti naman ako, "Sa mundong 'to, hindi ako Prinsesa kung hindi isang hamak na simpleng tao lamang" at umupo ako sa tabi nila na para ba tilang dito na kami nakatira.

"Napakapayapa ng mundong pinili para sa'yo. Hindi na nakakapagtaka kung bakit mas pipiliin mo ang mundong ito kumpara sa Silvestre" mahinang sabi ni Haring Jil.

Napalingon ako sa labas "Hindi lang dahil sa kapayapaan ng mundong 'to, kung hindi dahil ang mundong ito ang saksi sa mga magagandang ala-alang mayroon kami ni Lola"

Sa ilang minuto, nakwento ko sa kanila kung anong klaseng buhay mayroon kami dito ni Lola. At nandito na kami ulit, sa Silvestre-- sa loob ng Palasyo.

Ngayon, nasa loob ng Mahika ko na ulit ang bato na pinipigilan ulit ni Melvin habang hindi parin nawawala ang mga nakabalot na ugat sa bato.

"Hanggat nasa iyo ang bato, eepekto ito. Ngunit kung iba ang susubok na gamitin 'to, hindi nila 'to magagamit" Pagpapaliwanag ulit ni Melvin.

"Paano mo 'to nasabi? Nasubukan mo na bang gamitin ang bato?" tanong ni Haring Leoford at tumango naman si Melvin "Sinubukan ko 'to bago ko ibalik ang bato sa Prinsesa"

Sumira sa usap ang biglang pagkatok at pagtawag ni Felizen mula sa labas "Pumasok ka na" utos ko naman.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa kwarto ka ni Deonel?" tanong ko kaagad pagkapasok niya.

"Ipagpatawad niyo Prinsesa, ngayon ay may nagbabantay sa kanya na kasambahay at mga kawal" sabi niya matapos niyang magbow.

"Anong dahilan ng pagpunta mo rito?"tanong ni Haring Jil.

"Dumating ang tagapagmensahe mula sa maliit na kaharian ng Silvestre---" putol ko kanya.

"Maliit na Silvestre?"

"Ang itinayong maliit na Kaharian ng dalawang taksil na anak ng dating Reyna. Ang mga taksil na Prinsesa at Prinsipe" sagot naman ni Haring Gatrel.

"Ano ang nais nilang mensaheng makarating dito?" tanong ni HaringJil.

"Nais ni Reyna Cathalina na magtungo si Prinsesa Victoria sa maliit na Silvestre--"

"Reyna? .. kailan pa naipasa ang Trono sa tagapagmana ...? At wala akong alam na mayroon palang tagapagmanang naghihintay para sa trono" mahinang tanong ni Leoford.

"A-at ang bilis makarating sa kanila ng balita" mahinang sambit ni Haring Fidel.

"Kung may kailangan man sila sa Prinsesa, bakit hindi nalamang siya ang magtungo dito?" tanong ni Haring Jil.

"Dahil galing sa pagpapagaling ang Reyna. Hindi pa siya maayos na nakakalakad hanggang ngayon dahil sa naganap na paglusob ng mga halimaw" sagot ni Felizen.

"Paano 'yon nangyari kung nanduon ang dalawang anak ng dating Reyna na kayang patayin ang marami pang Prinsesa at Prinsipe na mismo niyang mga kapatid?" tanong ko naman dahil kung nagawa ng dalawang taksil na anak ni Lola na patayin ang mga magulang namin maging mga iba pa nitong kapatid, paniguradong malakas na sila sapat para protektahan ang Kaharian na itinayo nila.

"Matagal ng hindi naninirahan sa maliit na Silvestre ang dalawang anak ng dating Reyna sa hindi paring malaman na dahilan. At ngayon, ang maliit na Kaharian ay pinamumunuan ng naiwan na anak, si Reyna Cathalina" sagot ni Felizen.

"Anong araw ang ibinigay niya?" tanong ni Haring Fidel.

"Tatlong araw mula ngayon, dahil hindi niya rin nais na makita siya sa kanyang kalagayan ngayon"

"Walang makakapagsabi kung magiging ligtas ang pagpunta mo ruon, magsama ka ng mga taong magpoprotekta sa'yo" ang sabi ni Haring Jil.

"Mas mabuti pang isama mo si Melvin. May kakayahan siya na mailayo ka sa panganib. Ngunit Melvin, asahan mo na na maaaring maging kapalit ng kaligtasan ng Prinsesa ay ang buhay mo" dugtong naman ni Haring Leoford.

"Hindi niya hahayaan na mamatay siya, dahil alam niyang nasa kamay niya ang kapalaran ng Silvestre. Babalik na ko sa kwarto ni Deonel. Kung may kailangan kayo, duon niyo nalamang ako puntahan" at iniwan ko na sila sa duon.

"Masaya ako at kahit ilang oras lamang ay nadalaw niyo ang dating Reyna" ang sabi ni Swara na nasa tabi ko na naman at nakangiti.

Ngumiti din ako at tumango.

"Ngunit Mahal na Prinsesa, kinakailangan niyo ng mag-ingat sa puntong ito. Hindi mabuti na basta-basta nalamang kayo sa mga bagay dahil maaaring mapahamak kayo. At isa pa, hindi natin kilala kung anong klaseng tao ba ang nalikha ng mga anak ni Reyna Elina. Bago lamang sa aking pandinig ang ngalang Cathalina. Mag-iingat ka, Prinsesa"

Hindi nagkakamali si Swara, dahil simula nang makabalik ako dito.. maraming bagay ang puno ng katanungan. Pero ganon pa man, sinusumpa ko sa sarili ko na hindi ako mamamatay dito... hindi sa mundong ito...

"Prinsesa?.... Mahal na Prinsesa Victoria" muling pagtawag ni Swara dahilan para lingunin ko siya. Kahit maliit siya, kita ko ang pag-aalala sa kanya "Ayos ka lamang ba?"

Tumango ako "Okay lang ako. Kung tungkol naman sa kaligtasan ko, wala na tayong dapat problemahin" at napatingin ako sa batong balot ng ugat na nasa palad ko.

Naniniwala akong sila ang mga taong uunahin pa ang buhay ko kaysa sa sarili nilang buhay...



Tbc...

Denied ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon