“Josh?” Mahigpit na nakahawak sa braso ko si Josh simula kaninang hinila niya ako. I can smell alcohol on him, and I know he’s drunk, so I let him pull me.
Binitawan niya ako nang makalayo na kami mula sa gazebo at sa hotel. Wala na ring poste ng ilaw rito pero ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbing tanglaw namin.
He sat on the sand kaya tumabi ako sa kanya. “You’re drunk,” I said, but he didn’t bother to answer. Malayo ang mga titig niya sa kawalan at para bang malalim ang iniisip.
“Is there any problem? Tell me, I’m willing to listen.” Ang lahat ng nangyari kanina sa pagitan namin ni Kyle at isinantabi ko muna. Josh needed a friend right now, at alam kong ako iyon. Hindi naman niya ako hihilahin dito kung walang dahilan at kung hindi niya ako kailangan.
“You are my problem.” Natigilan ako dahil sa sagot niya. He looked at me, and smiled sadly.
“Nice try, Josh. Sige na, ano nga? Makikinig ako.” I tried to lighten up the situation, but it didn’t help. Mas lalong lumungkot ang mga titig niya kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.
“I love you, Saige,” he said that made me close my eyes tightly, and made me ball my fist. He held my hand kaya napatingin ako sa kanya. Nasa malayo ang tingin niya.
“I do not know when it started, but I am sure of it. Even I’m drunk now, alam ko itong sinasabi ko.” And that’s the cue when he stares at my eyes.
“I know you still love your ex, at alam ko ring may gusto sa iyo si Kyle. Gusto ko lang naman malaman mo ‘yong nararamdaman ko para sa ‘yo. I love you. I really do.”
“I’m sorry.” Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo. Mabuti na lamang at hindi niya ako hinabol. Napahawak ako sa dibdib ko at napasandal sa palm tree na nandito sa beach front.
Two revelations in one night.
Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Kyle at Josh sa akin. They both love me. Did I really turn that numb para hindi ko maramdaman iyon sa mga nagdaang taon? And they both stated the same thing. They both said that they just wanted me to know, and not to return their feelings because they know that I still love Peter.
They are freaking best friends! How can they fall for me?
Napapikit ako nang mariin at sinubukang umayos. I felt my knees weaken just now, and my heart was beating too fast. I cannot control my emotions again and this isn’t helping me. Pabalik-balik sa isip ko ang nangyari ngayon gabi. Kyle and Josh…
“You’re really a slut, aren’t you?” Nabigla ako dahil sa biglang pagsulpot ni Peter sa harapan ko. Anger was visible on his face, at hindi ko alam kung ano ang kinagagalit niya.
Lumapit siya sa akin at hiniklat ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit, but I didn’t protest.
“Una, iyong kasama mo sa bahay, tapos sumunod naman ay ang manager mo. Such a slut, aren’t you?” pang-aakusa niya sa akin. Wala akong oras para sa mga pambibintang niya kaya sinubukan kong hilahin pabalik ang braso ko, pero walang nangyari. Mas nasaktan lamang ako dahil mas humigpit ang hawak niya roon.
“Bitawan mo nga ako!” I protested. His stares and words are like daggers to my heart. I’ve had enough for this night. Tama na ang dalawa dahil hindi ko kakayanin kapag dumagdag pa siya. Wala akong ginagawa sa kanya, pero heto siya at kung ano-ano na naman ang binibintang niya sa akin.
“Tell me, gaano kadaming beses ka nagpagalaw sa kanila para mahalin ka nila? Para magustuhan ka nila? Magkaibigan pa iyong sinulot mo!” And that’s it! Malakas na pinaigkas ko ang isang kamay ko at pinatama sa mukha niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo dahil doon.

BINABASA MO ANG
Last Tears
Romance"He is my prologue, but not my epilogue." Saige Anais is only rooting for a peaceful life and faultless love, but fate has other plans for her. Despite her young age, life didn't get easy on her. When she was young, the people whom she cherished and...