“You’re unbelievable.” Napailing na lamang ako dahil sa ginawang iyon ni Peter. Mabilis na tinalikuran ko siya at nagmamadaling umakyat sa hotel suite ko. Buti na lang at hindi niya na ako hinabol pa.
I was about to open my suite’s door when someone grabbed my arm, at isang malakas na sampal ang nakuha ko. Napatulala ako dahil sa pagkabigla.
“You! Napakalandi mo talaga!” It’s Leana, at galit na galit siya ngayon na parang handang pumatay. Akma niya akong sasampalin ulit pero pinigilan ko ang braso niya.
“Not a chance.” She was about to use her other arm pero sinangga ko rin iyon at madiin na hinawakan.
“Napakalandi mong hayop ka! Ano, masarap bang makipaghalikan sa boyfriend ko?! Masarap ba! Kuntento ka na? Masaya ka na? Napakalandi mo!” sigaw niya sa akin. Huminga ako nang malalim at pumikit. She saw what had happened. Kung nakita niya ay panigurado namang nasaksihan niya na hindi ko ginusto iyon at si Peter ang namilit. Siguradong nakita rin niya na nanlaban ako at tinulak ang boyfriend niya, pero ano pa ba ngang aasahan? She wouldn’t be Leana kung hindi sarado ang isip niya, at hindi puro sarili lang ang pinaniniwalaan.
“Pwede ba, Leana? Si Peter ang tanungin mo kung bakit niya ako hinalikan. Don’t accuse me for the thing that I didn’t do.” Huminga ako nang malalim at binitawan siya. Nabigla ako nang may kinuha siya sa bulsa ng pants niya at nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ‘yon. It’s a fucking pocket knife!
Nataranta akong kunin ang cardkey ng suite ko para makapasok, but I’m too late. Leana grabbed my wrist kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang pigilan siya. She’s eager to hurt me! Damn it!
“You should die, Saige! Nasisira na kami dahil sa ‘yo! Kung hindi ka lang kasi malandi, hindi ko gagawin ‘to, eh!” Hindi ko alam na ganito na pala siya ka obsess kay Peter. Bakit nga ba ako magugulat pa? Nagawa na niya noon, of course kaya n’ya ulit gawin ngayon, pero with her own hands? Shit.
Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay niya para pigilan siya sa gusto niyang gawin. Matatalim ang titig na ibinibigay niya sa akin.
“Let go of me!” sigaw niya. Bigla niyang inuntog ang ulo niya sa akin kaya napabitaw ako. Damn!
“Kyle! Josh! Help me!” Malakas na sigaw ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig. Umiikot ang paningin ko dahil sa pag-untog niya sa akin, pero mukhang hindi siya natinag at walang naramdamang sakit.
“You bitch!” Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil mabilis na lumapit sa akin si Leana at hiniklat ang buhok ko. I do not want to die this way! And this fight is fucking unfair!
“Itong mukhang ‘to ang kinakabaliwan ng boyfriend ko? Eh, kung sirain ko kaya ang mukha mo? Panigurado pati career mo, masisira!” Nangilabot ang buo kong katawan dahil sa sinabi niya. Pumikit na lamang ako nang mariin at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Hindi ako makalaban, umiikot pa rin ang paningin ko dahil sa ginawa niya.
Dumaan ang ilang segundo pero wala akong naramdaman na sakit. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong hawak na si Leana ng ilang mga tao. Sa palagay ko ay nabulabog sila sa malakas na pagsigaw ko kanina.
I felt relieved. May lumapit sa akin para tulungan akong makabangon. Napasandal na lamang ako sa pader at napakawalan hiningang kanina ko pa pinipigilan.
“Saige! Anong nangyari?!” Tumatakbong si Cassy at Tony ang lumapit sa akin. Kasama nila si Gray sa likuran na mukhang nabahala rin.
“We heard you screaming. What happened?” nag-aalalang tanong ni Gray.
“Bitawan ninyo ako sabi, eh!” Napatingin ang tatlo kay Leana na pilit kumakawala sa hawak ng mga tumulong sa akin.
“Ikaw babae ka!” Nanlaki ang mata ko nang sugurin ni Cassy si Leana at sinabutan ito. Sumunod naman si Tony na gano’n din ang ginawa. Hindi makapalag si Leana sa dalawa kong kaibigan dahil hawak pa rin siya ng ibang tao. Hindi ko pinigilan sina Cassy dahil alam kong deserve ni Leana ang mga sabunot nila. Sumosobra na siya at hindi ako makapaniwala na sasaktan niya talaga ako!
Sunod-sunod naman ang pagdating nina Kyle, Josh, Zed, Vince, Narlo, at Carlo na kasunod si Peter. Kaya pala walang Kyle at Josh na lumabas kaagad dahil wala sila sa suite nila.
Pinigilan nina Vince at Gray sina Cassy at Tony na inaaway si Leana, habang lumapit sa akin sina Kyle at Josh.
“What happened?” nag-aalalang tanong ng dalawa.
“Don’t worry, I’m fine. Nahihilo lang ako,” I said without mentioning what happened.
“Leana, what the fuck did you do?!” Nakuha ng malakas na sigaw ni Peter ang atensyon naming lahat. Hawak niya ang braso ni Leana na hawak pa rin pala ang pocket knife niya. Mukha naman itong natakot dahil sa pagsigaw na ginawa ng kasintahan niya.
“Itanong mo ‘yan sa sarili mo! Nakikipaghalikan ka kay Saige. Napakalalandi niya! Napakalandi ninyo! Sinisira mo ang relasyon natin!”
“Say what, Leana? Pasalamat nga nakikipagrelasyon pa ako sa ‘yo kahit harap-harapan mo akong niloloko.” Para naman itong natigilan. Malakas na sinampal ni Leana si Peter gamit ang isa niyang kamay, bago bumaling siya ng tingin sa akin kaya nakipagsukatan ako ng titig sa kanya.
“Hindi pa tayo tapos, Saige. Babalikan kita, tandaan mo 'yan!” banta niya bago nagmamadaling umalis.
“Psycho!” sigaw ni Tony rito.
Pinanood naming umalis si Leana, at pagkatapos ay lumapit silang lahat sa akin. Nagpasalamat si Kyle sa mga tumulong sa akin at humingi ng pasensya sa nangyaring gulo.
“Patingnan mo ‘yang girlfriend mo sa psychiatrist, Peter. May sakit na sa utak ‘yan, eh!” inis na sabi ni Cassy kay Peter na nakatayo pa rin sa pwesto niya kanina. Pilit naman itong pinapakalma ni Gray.
“I am warning you, Mr. Acuena. Ilayo mo ‘yang girlfriend mo kay Saige kung ayaw mo ng gulo,” Kyle warned.
“Stop it,” I commanded. Tinulungan naman akong makatayo ni Josh. Kahit papaano ay nawala na ang pagkahilo ko.
“I’m sorry for what happened—”
“Cut it, Peter. Isaksak mo sa utak ng girlfriend mo na tinigilan na kita. Nakapag-usap na tayo kahapon, ‘di ba? Sana aware ka na balak akong pataying ng girlfriend mo kanina. Alam mo kung bakit? Kasi nakita niyang hinalikan mo ako. I didn’t initiate the kiss. It was you na ayaw magpapigil. Ngayon kung may natitira ka pang hiya sa katawan, ilayo mo sa akin si Leana. Look, I’m really sorry dahil nanggulo ulit ako, pero iyong ginawa niya sa akin? That was attempted murder at kung magpapatuloy pa siya, hindi ako magdadalawang isip na lumaban.” Tinalikuran ko sila at mabilis kinuha ang cardkey sa bulsa ko at itinapat iyon sa may pinto ng suite ko, bago nagmamadaling pumasok sa loob. Balak pa sanang humabol nina Kyle at Josh pero mabilis kong ni-lock ang pinto. Sunod-sunod namang katok ang ginawa nila pero hindi ko na lamang pinansin.
Wala naman dapat ibang sisihin kung hindi ang sarili ko lang. Hindi gagawin sa akin ni Leana iyon kung hindi ako nanggulo pa. Hindi ako hahantong sa ganito kung hindi na ako bumalik pa at ginulo sila. Pero kahit na gano’n, that will not justify what she did to me. Really? Papatayin niya ako dahil nagseselos siya?
Oo, alam kong mali na bumalik ako at manggulo. Na dapat ay isiniksik ko na lang sa isip ko na mali iyon, pero anong magagawa ko? The damage has been done.

BINABASA MO ANG
Last Tears
Romance"He is my prologue, but not my epilogue." Saige Anais is only rooting for a peaceful life and faultless love, but fate has other plans for her. Despite her young age, life didn't get easy on her. When she was young, the people whom she cherished and...